Missing blogging!

Ang aking Instagram account :)

Ang aking Instagram account ūüôā

Higit tatlong buwan na rin mula nung huli akong nakapaglabas ng¬†post¬†dito sa aking main blog na alaminmokasi.com. Ako’y humihingi ng tawad kung may mga taong nag-aabang sa mga sasabihin ko tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Marami lamang kasi akong pinagkakaabalahan sa nakaraang mga buwan. Nariyan ang personal na buhay, trabaho pati na ang kinagigiliwan kong tunay sa kasalukuyan, ang pagkuha ng mga litrato¬†at pagpapakita nito sa¬†Instagram (ang aking account sa Instagram ay @karl_olivier). Pero, ganun pa man, ay nangangako akong hindi bibitawan ang blog kong ito sapagkat marami ang nagpapasalamat sa mga nauna ko nang naiposteng blog post dahil sila ay may mga natututunan kahit papaano sa mga sinusulat ko.

Hindi ako nagba-blog ngayon para lamang humingi ng paumanhin dahil sa matagal na pagkakawala. Ating pasadahan ang mga maiiinit na isyu na ating kinakaharap nitong mga nagdaang linggo.

PROBLEMA SA IGLESIA NI CRISTO (INC)

INC Celebration (photo courtesy of Philippine Star)

INC Celebration (photo courtesy of Philippine Star)

Marahil, ang pinakapopular na relihiyong itinatag dito sa Pilipinas (paalala: itinatag o founded sa Ingles) sa kasalukuyan ay ang Iglesia ni Cristo. Wala man sa kalingkingan ng populasyon nila ang dami ng mga Katoliko, Born Again Christians at Muslim sa ating bansa ay hindi maitatangging malaki-laki rin ang impluwensiya nila sa lipunan. Sa katotohan niyan, kadidiriwang lang nila ng kanilang ika-101 taon nitong Hulyo 27, 2015.

Gayunpaman, nababalot ang relihiyong aking nabanggit sa kontrobersiya sa kasalukuyan. Itinawalag ng punong ministro nilang si Eduardo Manalo ang kapatid na si Felix Nathaniel “Angel” Manalo at ang inang si Cristina “Tenny” Manalo matapos maglabas ang dalawang huling nabanggit na nanganganib ang kanilang mga buhay. Hindi pa klaro noong una kung bakit nila ito sinabi ngunit sa paglipas ng mga araw ay lumalabas na¬†internal conflict ang kadahilanan. May nagsasabing hindi umano pabor ang ilan sa mga kapamilya ni Eduardo Manalo kung paano niyang ginagamit ang salapi ng kanilang simbahan. May mga haka-haka rin ang media na may namumuong pagtitiwalag dahil sa mga iregulidad umano sa simbahan. May bali-balita ring maraming ministro ang nawawala o kaya’y nanganganib ang buhay at ito raw ay may kinalaman sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Hindi man natin alam ang katotohan sa mga nangyayari sa kanila, maigi pa ring tayo ay maghintay, magmasid at mag-obserba sa mga susunod na mangyayari sapagkat marami tayong mahihinuhang mga aral sa bagay na ito.

MAR vs JEJOMAR

MAR vs JEJOMAR (photo courtest of spot.ph)

MAR vs JEJOMAR (photo courtest of spot.ph)

Ito naman ang pinakamalaking balitang bumulaga ngayong araw, Hulyo 31, 2015. Nag-anunsyo ng pagkandidato sa pagkapresidente ang dating senador na si Mar Roxas habang nag-anunsyo rin ng kanyang suporta ang katatapos lang na magbigay ng State of the Nation Address na si Noynoy Aquino sa kaalyado.

Nagkibit-balikat lang naman si Jejomar Binay sa balitang ito sapagkat para sa kanya, hindi siya matatalo ni Roxas sa halalan.

Bakit hindi kaya nila tinatanong kung gusto sila ng sambayanan?

Sa totoo lang, WALA AKONG GUSTO SA DALAWANG KANDIDATONG ITO. Si Binay ay pinuputakti ng mga reklamo at kaso ng matinding korupsyon at hindi lang siya kundi ang kanyang ring pamilya tulad na lamang ng kanyang anak na si Junjun Binay na kasalukuyang suspendido sa Makati bilang alkalde. At ito namang si Mar Roxas. Ano ang nagawa niya noong siya ay senador pa? Malaki ang ekspektasyon sa kanya ng mga taong bumoto sa kanya noon pero para namang wala tayong napala. Bakit nga ba uli siya tinawag na Mr. Palengke? Ah, dahil yata sa komersiyal nyang nagpapanalo sa kanya.

Kanino ka kakampi, sa umano’y makapal na¬†matinding¬†corrupt¬†o sa umano’y inutil?

#MMSHAKEDRILL: METRO¬†MANILA¬†“SHAKE” DRILL

MMDA Chairman Francis Tolentino explains what will happen during the July 30 Metro-wide earthquake drill during his visit at the Philippine Daily Inquirer office in Makati City. (Photo courtesy of Rem Zamora)

Ipinapaliwanag ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa opisina ng Philippine Daily Inquirer sa Makati ang magaganap na Metrowide earthquake drill ilang araw bago ang Hulyo 30. (Photo courtesy of Rem Zamora)

Isinagawa sa buong Metro Manila kahapon, Hulyo 31, ang tinatawag na Metrowide Shake Drill bilang paghahanda sakaling tamaan ng lindol ang Metro Manila. Sa pangunguna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) pati na iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ay nagpalaganap sila ng impormasyon sa publiko kung anu-ano ang mga kailangang gawin sakaling dumating nga ang lindol. Habang nangyayari ang lindol, sinasabi nilang gawin ang mga sumusunod:¬†DROP – COVER – HOLD.¬†Nasaan ka man, pag lumindol ay¬†iwasan nang tumayo kung hindi kailangan. Ibaba agad ang sarili at humanap ng matibay na mesa o anumang pwedeng pagtaguan na sa tingin mo’y hindi basta-basta masisira. Hawakan ito hangga’t hindi natatapos ang pagyanig. Pag natapos ang lindol, tsaka lamang tingnan kung ligtas nang lumabas at dumiretso sa evacuation centers.

Maganda ang isinagawang proyektong ito ng gobyerno. Sana lang talaga ay maging handa sila pati na syempre ang mga tao sakaling dumating ang mapeligrosong lindol. Nakakairita lang marinig sa media ang katagang The Big One sa lindol na inaasahang darating sa hinaharap. Baka mamisinform ang mga tao sapagkat hindi lang iisa ang maaaring tumamang lindol sa atin kung may tatama man.

Metro-Quake-Drill-4

Photo courtesy of Philippine Star

Kayo, ano ang opinyon n’yo sa mga isyu nitong nagdaang mga linggo? Tara,¬†ibigay mo ang opinyon mo!

***

Na-miss ko ang pagbablog kaya hindi ko mang intensyong mag-blog ngayong gabi, hindi ko napigilan ang aking sarili! Sarap sa pakiramdam ng nasasabi natin ang opinyon natin sa iba’t-ibang bagay, ano? Kaya pinapangako ko sa sarili ko na bibigyan ng kaukulang oras ang pagbablog kahit na abalang-abala sa iba’t-ibang mga bagay.

Instagrammer

IG pic 4Ang pinakaginagamit kong app sa kasalukuyan ay walang iba kundi ang Instagram. Kung may isa man sa maraming dahilan kung bakit di ako masyadong nakakapagsulat sa blog ko, ang Instagram yun. Haha. Para ring pagba-blog ang Instagram pero ang kaibhan nito, mga larawan ang gamit at mas madalian ang pagbabasa rito. Alamin pa natin ang tungkol sa Instagram sa post kong ito.

Ano ang Instagram?

Instagram_logo

Ang INSTAGRAM ay isang social networking site tulad ng Facebook at Twitter kung saan maaaring magpost ng mga larawan at video ang mga gumagamit nito. Ang pinagkaiba nito sa ibang site o app, tanging mga larawan at video pati na captions ng mga ito ang makikita ng mga gumagamit. Maaari ding gamiting ang IG upang kumilala ng mga tao sa buong mundo na magaganda ang mga likhang mga larawan. Pwede ka ring makilala rito lalo na ng mga taong kaparehas ng mga tema ng larawan na iyong gusto. [Tip: Dito ginagamit ang tinatawag na hashtag (#). Makakakita ang gumagamit (user) ng kapwa niya user na may kaparehas na tema tulad ng #travel. Posibleng mga larawan kung saan nagpunta ang user ang may hastag na #travel at kung sino man ang gustong makakita ng mga lugar na pinupuntahan ng iba, ito ang kanilang gagamitin. Kaya marapat lang na gamitin natin ito ng wasto.] Maaaring buksan ang Instagram sa mga laptop o personal computers (tulad ng larawan sa itaas), pero pinakamagagamit ito sa pamamagitan ng smartphones at tablets na mayroong Apple App Store (halimbawa, iPhone at iPad), Google Play (halimbawa, Samsung Galaxy series) at Windows Phone Store.

Dalawa sa natatanging features ng Instagram ay ang paggamit ng parisukat na hugis (square shape) sa pagpapakita ng larawan o video pati na syempre ang tinatawag na filters kung saan maaaring gamitin ng mga gumagamit para mas mapaganda ang kanilang pictures o bigyang arte ang kanilang videos. Aling filter ang pinakagusto mo? Ako, paiba-iba pero natatangi ang filter na tinatawag na Aden.

IG pic 2

Dahil sa popularidad ng mga photo editing apps tulad ng Snapseed at VSCO ay gumawa na rin ng feature ang Instagram upang makontrol ng users ang key aspects ng photograph editing tulad ng brightness, contrast, warmth, saturation, atbp. na pwedeng magpaganda sa larawan.

Sino ang may pakana ng photo-sharing at video-sharing app na ito?

Nilikha ng mga software engineer na sina Kevin Systrom at Mike Krieger ang Instagram noong October 2010. Madali itong nakilala dat sa ngayo’y umaakit ito ng higit 400 milyong tao sa mundo. Noong Abril 2012 ay binili ni Mark Zuckerberg ng Facebook sa halagang $1 bilyon ang Instagram.

Ano ang napapala ng mga tao sa IG?

IG pic 3

Depende sa atin kung ano ang gusto nating gawin o ipakita sa ating Instagram profile. May mga kakilala ako na panay magagandang larawan ng pagkain ang pinapakita niyang mga larawan. Talagang gaganahan kang kumain sa ganda ng pagkakapresenta niya ng mga larawang ito. Minsan, mga lutong ulam sa bahay ang pinapakita niya pati na ng ibang gumagawa nito, pero minsan din ay kuha mula sa iba‚Äôt ibang kainan mula sa iba‚Äôt ibang lugar. Kung tutuusin, tinutulungan nila ang mga negosyo ng pagkain kung saan kinuha ang larawang kanilang pinapakita. Mayroon pa akong kakilala na mga selfeet naman niya ang bida sa kanyang IG feed. Ang pagkakaiba, iba‚Äôt ibang sapatos sa iba‚Äôt- ibang lugar ang kanyang pinipresenta. Sa tagal ko na sa IG, iba’t ibang pamamaraan at presentasyon ang ginagawa ng milyung-milyong tao sa kanilang mga larawan. Pero, mayroon pa rin yung panay selfie nila ang kanilang pinapakita. Hindi ako pabor dito pero hayaan na natin… basta sana hindi palagi. Haha. Mayroon ding kung ano ang gusto nilang ipakita sa pang-araw-araw nilang buhay¬†ang kanilang nilalagay.

Ako naman, noong simula ay iba-iba rin ang pinapakita sa aking Instagram. Halu-halo kung tutuusin, maski naman ngayon, pero mas pinipili ko na ang nilalagay kong mga larawan sa kasalukuyan. Dahil gusto kong gumawa ng sarili kong identity sa IG, mayroong isang buwan noon na pawang mga naipon kong magagandang larawan ang aking pinakita na may kasamang quote. Isang challenge o project ko ito sa sarili. Ang hirap nga lang iayon ng larawan sa kung anong quote na babagay sana rito. Haha. Pero nagawa ko naman ng mahusay. Sa ngayon, madalas ko ng ipakita ang mga lugar na pinuntahan at pinupuntahan ko (lalo na ang aking mga #travel), pati na rin ang aking mga aktibidad tulad ng trabaho bilang isang speech pathologist (#speechtherapy) pati na hobbies tulad ng pagtakbo (#running, #sightseenwhilerunning) at pag-eehersisyo (#gym, #fitness, #health), mga pagkain na natuwa akong kainin (o kahit hindi gaano basta maganda pa ring ipakita, haha, #spotmyfood, #foodph, #yummyph, #forkspoonmanila, #wheninmanila), at marami pang iba. Sa totoo lang, personal ang mga ito sapagkat kung ano ang gusto nating ipakita sa iba ang siyang nilalagay natin dito. Mas nakikilala tayo rito ng ibang tao.

Kasama ng maraming tao ay natutuwa ako sa paggamit ng IG. Bakit ba naman hindi? Tunay na nahahasa ang creativity at lumalawak ang imagination ng mga seryosong gumagamit nito. Nai-inspire ako ng ibang taong nakikilala ko sa pamamagitan nito kaya sa abot ng aking nakakaya ay ginagandahan ko ang nilalalagay kong mga larawan dito. Maarte kung tutuusin. Isang avenue ang Instagram para ipakita ang pagiging malikhain ng mga tao. Dito ko naipapakita ang aking originality kahit na maaaring hango sa isang ideyang aking nahagilap mula sa ibang tao ang parte sa mga gawa kong ito. Para naman kasi sa akin, hindi lang simpleng pagpapakita ng mga larawan ang IG. Para sa akin, PHOTOGRAPHY + ART ang Instagram.

May IG ba kayo? Wag n‚Äôyo akong kalimutang i-follow, ha? Ako si @karl_olivier dito.¬†ūüôā

KSPs Be Like

Liker 6

Maraming tao ang natutuwa sa tuwing nila-like¬†ang kung anong pinupost nila sa iba’t-ibang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Likas na siguro sa atin ang ganito: na katuwaan o kagustuhan tayo ng mga tao sa ating paligid. At dahil dito, gagawa at gagawa tayo ng paraan para mas maraming tao pa ang magkagusto sa atin. Pero tama bang ganito ang gawin natin? Ating alamin.

Like 2May mga kakilala ba kayong nagtatawag ng tao para i-like ang mga post nila? Yung tipong magpa-private message (PM) sa inyo para puntahan ang profile picture nila para lamang i-like ninyo? Nabiktima na ako nyan. Kayo rin ba? Haha. Kung hindi pa, siguro, kayo ang nambiktima. Haha, biro lang. Ano ba ang mapapala nila kung sobrang dami ang mag-like sa mga post nila? Ah, mayroon pala. Gaganda ang pakiramdam nila. Tataas kumpiyansa nila sa sarili. Maaaring katuwaan din talaga sila. Yun nga lang, kailangan ba talagang mamilit para gustuhin ka ng mga tao? Hindi ba dapat kusa iyon? Problema sa atin, hindi na natin nakikitang nakakahiya mali na pala ginagawa natin pero ginagawa pa rin natin.

Baka sabihin ninyo, why care? Of course, we should care. Oras natin naaabala kung may mga ganyang message para i-like ang post nila. Pangit sabihing parang desperado ang dating pero ganun na nga, hindi ba? Ang mga tao ngayon, sa dami ng ginagawa, ay parang pribilehiyo na lamang ang pagpunta sa mga social networking sites na mga iyan. Uubusin pa ba natin ang oras natin para sa kung ano lamang? Maaari sana kung parte ng proyekto sa eskwela o kaya sa trabaho pero kung para lamang sa maling paraan ng ikatataas ng tingin sa sarili, ay huwag na lamang. Kung tinatamaan ka na, mabuti yan. Kailangan kasi natin minsan ng paalala lalo na kung di na natin alam na mali na pa la ginagawa natin.

Like 4Ang nakakalungkot, may ibang tipong na-addict na sa mga ito. Sila yung mga tipong maaaring may iba dapat na ginagawa pero dahil nga nasanay na, inuuna pa ang pagbabrowse o pagpu-post sa FB, Twitter o IG. Hoy, mag-aral o magtrabaho kayo! Haha.

Ang mga social networking sites ay hindi talaga para sa lahat. Maraming tao ang sensitibo sa mga ipinuposte ng iba habang ang iba naman ay insensitibo sa mga ipinuposte nila. Ang una ay yung tipong madaling maimpluwensiyahan ng mga nakikita at nababasa nila. Minsan, sila rin yung masyadong emosyonal, na tipong inaakala nilang sila ang pinatatamaan ng mga status update, tweet o IG post ng malalapit nilang kaibigan o kakilala. Siguro dapat ipaalala sa kanilang hindi umiikot ang mundo sa kanila at hindi lahat ng sinasabi ng iba ay tungkol sa kanila. Ilan pa siguro sa nabibilang sa pangkat na ito ay yung mga tipong madaling mainggit sa ibang tao, lalo na sa mga kakilala nila mula pa pagkabata. Mabuti sana kung gamitin nila ito para pagbutihin ang sarili pero minsan ay hindi. Yung ikalawang grupo, yung mga insensitibo, sila yung mga nabubuhay sa mga katagang, ‚ÄúIt‚Äôs my life.‚ÄĚ Wala silang pakialam kung may mga masasagasaan sila sa mga ipupost nila, gaano man ito ka-tacky (Sige, i-search mo kung ano ibig sabihin nyan¬†nang makapagkunsulta ka naman ng diksyunaryo. Hehe.). Sila tuloy yung mga nabibiktima ng hide o¬†unfriend button¬†ng mga mabilis mainis. May mga kakilala rin akong gumagawa niyan. Haha.

Like 3Maiging isipin na hindi naman pare-pareho ang mga tao. Nagkakaiba tayo sa uri ng pamilyang pinanggalingan, sa edukasyong ating tinanggap, sa mga kaibigan at mga kakilala, mga impluwensiya, mga binabasang libro, pahayagan o mga artikulo, mga pinapanood na palabas. Magkakaiba rin tayong mag-isip, kumilos at dumama. May tama yung sinasabi ng iba na hindi talaga maiging kinukumpara ang sarili natin sa iba dahil magkaiba ang ating mga pinanggalingan at magkaiba rin ating mga pinagdaraanan at nararanasan.

May nabasa akong isang post na nagsasabing huwag ibase sa mga like ang iyong self-worth. Tama, hindi ba? Wala sa mga ipinu-post natin kung mabuti ba tayong tao. Wala sa ipinu-post natin kung tama ba mga ginagawa natin. Wala sa mga ipinupost natin ang lahat ng katotohan ng mga nangyayari sa atin. Nagiging ugat tuloy ng inggit at inis kahit na hindi ganun ang intensyon natin, hindi ba? Minsan, lumalabas na paligsahan ang nangyayari. Imbes na i-express natin ang ating sarili sa mga social networking sites na ito e gumagawa tayo ng paraan para ma-impress ang iba. Maganda sana kung pareho nating nagagawa ang mga yun sa tuwing may bago tayong post. Pero kung hindi, ayos lang din naman. Basta wag masyadong dibdibin kung kaunti man o kahit wala pa ang mag-like ng mga iyan. Ang mahalaga, nasabi mo o naipakita mo ang gusto mong ipakita.

Huling Salita

Sa mga naghahanap lagi ng likes, sana maraming mag-like sa mga post ninyo. Gandahan ninyo para di nyo na kailangang pilitin mga tao sa pag-like ng mga ito. Wag sanang umabot sa puntong maging mababaw kayo’t tipong masisira na araw ninyo kung kaunti o walang nag-like sa mga post ninyo, ha? Paalala nga pala. Basta wag mag-hoard ng espasyo sa timeline para naman makita naming yung ibang tao, okay? Baka kasi wala nang nagla-like sa mga pinupost mo ay dahil araw-araw ka na lang nakikita. Magpa-miss ka naman.

Conspiracy sa Pamahalaang Aquino

Phil Conspiracy

Kamakailan lang ay naglabas ng ulat ang dating senador na si Kit Tatad sa pahayagang Manila Standard Today na nagsasabing bago pa man opisyal na sumuko ang sinasabing mastermind ng Pork Barrel Scam na si Janet Napoles ay nakipag-meeting muna umano siya sa Pangulong Noynoy Aquino kasama na ang ibang miyembro ng gabinete. Nakagugulat na rebelasyon ito, sapagkat pinalalabas lang nito na ginogoyo tayong mga Pilipino ng mga hinalal nating pinuno. Naiisip nyo ba ang implikasyon nito? Kung totoo man ang balita, ibig sabihin nito’y:

  1. Kasabwat ang Malakanyang at mga miyembro nito sa Pork Barrel scam
  2. Ang pagpupulong ay isinagawa upang maiplano nang maigi ang mga gagawing hakbangin ng gobyerno kaugnay sa kaso ni Napoles
  3. Sina Noynoy Aquino, Mar Roxas at iba pang kilalang pulitikong may mataas na posisyon ay gagawin ang lahat upang pagtakpan ang kanilang kaugnayan kay Napoles na kinikilala ngayong isang gahaman at mandarambong na tao
  4. Malalim pa ang ugat ng Pork Barrel scam na ito, at hindi lamang ang mga nakasuhan na noong nakaraang Lunes, Setyembre 16, 2013, ang mga sangkot dito.

Kung totoo ang mga nabanggit kong implikasyon sa taas, aba’y nakatatakot nang manirahan dito sa ating bansang Pilipinas. Mantakin mong tila wala na pala tayong mapagkakatiwalaang tao sa gobyerno! Ibig sabihin nito’y lahat sila na nasa matataas na posisyon ay magkakasabwat , gagawin ang lahat upang makalikom ng pera sa pamamagitan ng pagnakaw sa kaban ng bayan! Ang mga pulitiko namang walang intensyong gawin ito ay nagkikibit-balikat na lamang at marapat na nadadamay sapagkat wala silang ginagawa upang masupil ang kalokohang ito na nagaganap sa loob ng maraming taon. Mahirap sabihin at mas mahirap tanggapin ang katotohanan, pero sa di nila paggawa ng kahit ano upang maituwid ang mga pagkakamaling ito ay masasabing pinuprotektahan nila ang mga taong sangkot sa kalokohan.

Nabanggit ko sa nakaraang kong blog ang conspiracy theory. Ang mga tao ngayon sa gobyerno ay tila nagku-conspire upang pagtakpan ang malaking pandarambong na nagaganap sa bayan. May babanggiting mga pangalan tulad na nga lamang nina Sexy, Tanda at Pogi pero naniniwala ba kayong sila lang at ang kanilang mga staff ang kasama rito? Syempre, hindi. Sa ilang taong panunungkulan ng mga iyan sa poder, nawili na sila sa kanilang ginagawa at malamang ay gagawin nila ang lahat upang ipagtanggol ang sarili kahit na huling-huli na sila base sa mga ebidensiyang nanggaling sa mga whistleblower pati na sa mga kumakalat na ulat at larawan sa internet. Di ba kayo nagtataka minsan kung bakit may mga pagsabog na nangyayari bigla pag may malalaking balita? Balikan ninyo ang mga naganap nitong mga nakaraang buwan at magtataka rin kayo kung bakit. Pinakamaaalala n’yo siguro ay yung pagpapa-interview ni Kris Aquino kasama ng kanyang mga kapatid dahil di umano sa pananakit sa kanya ni James Yap. Ano ang malaking balita nung mga panahong iyon? Ang isyu ng pag-aari sa lugar ng Sabah. Sinasabing ginagawa umano yan hindi lang ng ating gobyerno kundi pati ng iba pang gobyerno sa mundo upang maiiwas ang napakaimportanteng isyu sa walang kakwenta-kwenta o wala masyadong saysay na usapin gaya ng sa eskandalosang kapatid ng pangulo. May bulong noong mga panahong iyan na kinausap lang talaga ang basketbolistang si Yap dyan para nga mai-divert¬†ang atensyon ng tao. Isip pa kayo ng ibang mga importanteng isyu dati na natabunan na lamang dahil sa mga mabababaw na isyu gaya ng¬†showbiz.

images (5)Pero ibang usapan na ngayon. Di na kasi madaling makalimot ang tao. Pasalamat tayo sa social media gaya ng Facebook, Twitter at Instagram sapagkat laging naipapaalala sa mga tao kung ano ang makabuluhan at hindi naikukubli ng ibang media (television networks, OO, kayo yan) ang katotohanan sa mga makabuluhang bagay na ito, Sinasabing ang giyera ngayon sa Zamboanga ay isa na namang diversionary tactic upang maiiwas ang mata ng publiko sa Pork Barrel Scam. Napaka-walang puso kung gayun ang nag-isip at nagsasakatuparan niyan ngayon kung sakaling gawa-gawa lamang ito sapagkat maraming buhay ang nasasalanta at naaapektuhan dahil dito.

Ano ba ang punto ko sa pagsusulat ng blog post na ito ngayon? Simple lang. Para mamulat tayong mga nakababasa nito ngayon. Mamulat saan? Mamulat sa totoong nangyayari sa lipunan. Ano ba ang nangyayari sa lipunan? Panlilinlang, pansasamantala at pandarambong. Nino at kanino? Malamang, alam mo na ngayon.

Selfie-selfie rin pag may time!

"Genius-selfie" mula sa website na http://www.talkceltic.net/forum/archive/index.php/t-45891-p-36.htmlIlang beses na siguro nating narinig ang katagang selfie sa mga kaibigan, kasamahan, kapamilya o kakilala natin. Marami ring personalidad sa telebisyon ang nabanggit na ito, sa balita man o hindi. Ano ba ang selfie? At ano ang implikasyon nito sa ating mga sarili?

Ano ang SELFIE?

Ang selfie ay ang pagkuha ng laraw sa saril gamit ang cellphone o kaya digital camera. Kadalasang nilalabas o pinapakita ito sa mga social networking site tulad ng Instagram at Facebook. Madalas umanong kaswal ang kuha nito gamit ang camera na hawak palayo sa sarili ng kumukuha o kaya naman sa harap ng salamin.

Saan nagmula ang katagang ito?

Ayon sa Wikipedia, ang katagang ito ay pinauso ng designer/photographer na si Jim Krause. Sa umpisa raw ay mas popular ito sa mga kabataan. Nang naglaon, ginagawa na rin ito ng mga mas nakatatanda. Sinabi naman sa Time Magazine na isa sa Top 10 Buzzwords ng 2012 ang katagang ito. At ngayon ngang 2013 ay halos araw-araw na itong naririnig sa mga bibig ng mga tao, maging tayong mga Pilipino.

Ano ang indikasyon sa ating mga sarili ng selfie?

Isa bang indikasyon ang selfie kung gaano kamahal ng tao ang kanyang sarili, mula hitsura hanggang tindig? Sa totoo lang, wala namang masama kung tutuusin ang pagkuha ng selfie. Natural na mahalin natin ang ating sarili at ipakita ang nararamdaman nating ito sa iba. Sa aking palagay, nagiging di kanais-nais lamang ito pag sobra-sobra na. Paanong sobra-sobra? Di pa natatapos ang araw, may panibagong selfie na naman. Wala sanang problema kung nakatago lamang ito sa cellphone o camera pero hindi. Kailangang ipangalandakan sa lahat-lahat. Parang sarili at sarili na lang lagi ang iniisip. Nakakasuya na ag ganun, hindi ba?

Isang Magandang Artikulo

Isang linggo na ang nakararaan, nabasa ko ang isang artikulong may kaugnayan sa selfie sa website na rappler.com. Pamagat ng artikulo ay 7 Signs You Might Be A Narcissist. Ito ay akda ni Chinie H. Diaz, na in-interview ng TV 5 para sa isang segment ng kanilang programang tinatawag na Reaksyon tungkol sa selfie dahil na rin sa mga larawang nilikha n’ya tungkol dito. Sa nabanggit na segment din daw ay may in­-interview na isang psychologist at sinabi umano nito na ang sobra-sobrang pagkuha ng selfie ng isang tao ay maaaring senyales ng pagkakaroon ng narcissistic personality disorder.

Ano ang narcissistic personality disorder (NPD)? 

Ayon sa isang artikulo mula sa behavenet.com, ang NPD ay isang sakit sa utak kung saan ang taong mayroon nito ay may labis-labis na persepsyon kung gaano sila kaimportante. Inaasam nilang kalugdan at tingalain ng iba samantalang mayroon lamang silang maliit na kapasidad na ikagalak ang prespektibo ng iba.

Balik sa artikulong nabanggit kanina, ang 7 senyales na isa kang narcissist ay ang mga sumusunod:

  1. Di ka mabuting tagapakinig.
  2. Ibinababa mo ang iba upang maiangat mo ang iyong sarili.
  3. Iniisip mong di ka sakop ng mga patakaran.
  4. Di mo kayang tanggapin nang maluwang ang kritisismo.
  5. Umiidolo ka ng iba hanggang sa puntong perpekto ang turing mo sa taong iyon.
  6. Tinatago o nagsisinungaling ka tungkol sa iyong kabataan at kasaysayang pampamilya.
  7. Desperado kang laging may kontrol sa mga bagay-bagay sa paligid.

Marami ba sa mga nabanggit ay maituturing mong ikaw? Panahon na siguro na tingnan mo ang sarili mo. Hindi sa paraang angat na angat ka sa iba sa puntong dapat kang kalugdan ha, kundi sa paraang ano kaya ang iniisip ng iba tungkol sa iyo. Masyado na bang sarili at sarili mo, hitsura at hindi ugali na lamang ba ang iniintindi mo? Isip-isip din pag may oras. Bisita rin sa kinauukulan pag sobra-sobra na. Mahirap ang mabuhay sa sariling mundo ng pagiging makasarili.

Gusto ko sanang tapusin ang blog entry kong ito sa pamamagitan ng paglagay ng larawan kong isang selfie. Kaya lang, nagbago isip ko. Hehehe.