Missing blogging!

Ang aking Instagram account :)

Ang aking Instagram account ūüôā

Higit tatlong buwan na rin mula nung huli akong nakapaglabas ng¬†post¬†dito sa aking main blog na alaminmokasi.com. Ako’y humihingi ng tawad kung may mga taong nag-aabang sa mga sasabihin ko tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Marami lamang kasi akong pinagkakaabalahan sa nakaraang mga buwan. Nariyan ang personal na buhay, trabaho pati na ang kinagigiliwan kong tunay sa kasalukuyan, ang pagkuha ng mga litrato¬†at pagpapakita nito sa¬†Instagram (ang aking account sa Instagram ay @karl_olivier). Pero, ganun pa man, ay nangangako akong hindi bibitawan ang blog kong ito sapagkat marami ang nagpapasalamat sa mga nauna ko nang naiposteng blog post dahil sila ay may mga natututunan kahit papaano sa mga sinusulat ko.

Hindi ako nagba-blog ngayon para lamang humingi ng paumanhin dahil sa matagal na pagkakawala. Ating pasadahan ang mga maiiinit na isyu na ating kinakaharap nitong mga nagdaang linggo.

PROBLEMA SA IGLESIA NI CRISTO (INC)

INC Celebration (photo courtesy of Philippine Star)

INC Celebration (photo courtesy of Philippine Star)

Marahil, ang pinakapopular na relihiyong itinatag dito sa Pilipinas (paalala: itinatag o founded sa Ingles) sa kasalukuyan ay ang Iglesia ni Cristo. Wala man sa kalingkingan ng populasyon nila ang dami ng mga Katoliko, Born Again Christians at Muslim sa ating bansa ay hindi maitatangging malaki-laki rin ang impluwensiya nila sa lipunan. Sa katotohan niyan, kadidiriwang lang nila ng kanilang ika-101 taon nitong Hulyo 27, 2015.

Gayunpaman, nababalot ang relihiyong aking nabanggit sa kontrobersiya sa kasalukuyan. Itinawalag ng punong ministro nilang si Eduardo Manalo ang kapatid na si Felix Nathaniel “Angel” Manalo at ang inang si Cristina “Tenny” Manalo matapos maglabas ang dalawang huling nabanggit na nanganganib ang kanilang mga buhay. Hindi pa klaro noong una kung bakit nila ito sinabi ngunit sa paglipas ng mga araw ay lumalabas na¬†internal conflict ang kadahilanan. May nagsasabing hindi umano pabor ang ilan sa mga kapamilya ni Eduardo Manalo kung paano niyang ginagamit ang salapi ng kanilang simbahan. May mga haka-haka rin ang media na may namumuong pagtitiwalag dahil sa mga iregulidad umano sa simbahan. May bali-balita ring maraming ministro ang nawawala o kaya’y nanganganib ang buhay at ito raw ay may kinalaman sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Hindi man natin alam ang katotohan sa mga nangyayari sa kanila, maigi pa ring tayo ay maghintay, magmasid at mag-obserba sa mga susunod na mangyayari sapagkat marami tayong mahihinuhang mga aral sa bagay na ito.

MAR vs JEJOMAR

MAR vs JEJOMAR (photo courtest of spot.ph)

MAR vs JEJOMAR (photo courtest of spot.ph)

Ito naman ang pinakamalaking balitang bumulaga ngayong araw, Hulyo 31, 2015. Nag-anunsyo ng pagkandidato sa pagkapresidente ang dating senador na si Mar Roxas habang nag-anunsyo rin ng kanyang suporta ang katatapos lang na magbigay ng State of the Nation Address na si Noynoy Aquino sa kaalyado.

Nagkibit-balikat lang naman si Jejomar Binay sa balitang ito sapagkat para sa kanya, hindi siya matatalo ni Roxas sa halalan.

Bakit hindi kaya nila tinatanong kung gusto sila ng sambayanan?

Sa totoo lang, WALA AKONG GUSTO SA DALAWANG KANDIDATONG ITO. Si Binay ay pinuputakti ng mga reklamo at kaso ng matinding korupsyon at hindi lang siya kundi ang kanyang ring pamilya tulad na lamang ng kanyang anak na si Junjun Binay na kasalukuyang suspendido sa Makati bilang alkalde. At ito namang si Mar Roxas. Ano ang nagawa niya noong siya ay senador pa? Malaki ang ekspektasyon sa kanya ng mga taong bumoto sa kanya noon pero para namang wala tayong napala. Bakit nga ba uli siya tinawag na Mr. Palengke? Ah, dahil yata sa komersiyal nyang nagpapanalo sa kanya.

Kanino ka kakampi, sa umano’y makapal na¬†matinding¬†corrupt¬†o sa umano’y inutil?

#MMSHAKEDRILL: METRO¬†MANILA¬†“SHAKE” DRILL

MMDA Chairman Francis Tolentino explains what will happen during the July 30 Metro-wide earthquake drill during his visit at the Philippine Daily Inquirer office in Makati City. (Photo courtesy of Rem Zamora)

Ipinapaliwanag ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa opisina ng Philippine Daily Inquirer sa Makati ang magaganap na Metrowide earthquake drill ilang araw bago ang Hulyo 30. (Photo courtesy of Rem Zamora)

Isinagawa sa buong Metro Manila kahapon, Hulyo 31, ang tinatawag na Metrowide Shake Drill bilang paghahanda sakaling tamaan ng lindol ang Metro Manila. Sa pangunguna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) pati na iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ay nagpalaganap sila ng impormasyon sa publiko kung anu-ano ang mga kailangang gawin sakaling dumating nga ang lindol. Habang nangyayari ang lindol, sinasabi nilang gawin ang mga sumusunod:¬†DROP – COVER – HOLD.¬†Nasaan ka man, pag lumindol ay¬†iwasan nang tumayo kung hindi kailangan. Ibaba agad ang sarili at humanap ng matibay na mesa o anumang pwedeng pagtaguan na sa tingin mo’y hindi basta-basta masisira. Hawakan ito hangga’t hindi natatapos ang pagyanig. Pag natapos ang lindol, tsaka lamang tingnan kung ligtas nang lumabas at dumiretso sa evacuation centers.

Maganda ang isinagawang proyektong ito ng gobyerno. Sana lang talaga ay maging handa sila pati na syempre ang mga tao sakaling dumating ang mapeligrosong lindol. Nakakairita lang marinig sa media ang katagang The Big One sa lindol na inaasahang darating sa hinaharap. Baka mamisinform ang mga tao sapagkat hindi lang iisa ang maaaring tumamang lindol sa atin kung may tatama man.

Metro-Quake-Drill-4

Photo courtesy of Philippine Star

Kayo, ano ang opinyon n’yo sa mga isyu nitong nagdaang mga linggo? Tara,¬†ibigay mo ang opinyon mo!

***

Na-miss ko ang pagbablog kaya hindi ko mang intensyong mag-blog ngayong gabi, hindi ko napigilan ang aking sarili! Sarap sa pakiramdam ng nasasabi natin ang opinyon natin sa iba’t-ibang bagay, ano? Kaya pinapangako ko sa sarili ko na bibigyan ng kaukulang oras ang pagbablog kahit na abalang-abala sa iba’t-ibang mga bagay.

Advertisements