Missing blogging!

Ang aking Instagram account :)

Ang aking Instagram account ūüôā

Higit tatlong buwan na rin mula nung huli akong nakapaglabas ng¬†post¬†dito sa aking main blog na alaminmokasi.com. Ako’y humihingi ng tawad kung may mga taong nag-aabang sa mga sasabihin ko tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Marami lamang kasi akong pinagkakaabalahan sa nakaraang mga buwan. Nariyan ang personal na buhay, trabaho pati na ang kinagigiliwan kong tunay sa kasalukuyan, ang pagkuha ng mga litrato¬†at pagpapakita nito sa¬†Instagram (ang aking account sa Instagram ay @karl_olivier). Pero, ganun pa man, ay nangangako akong hindi bibitawan ang blog kong ito sapagkat marami ang nagpapasalamat sa mga nauna ko nang naiposteng blog post dahil sila ay may mga natututunan kahit papaano sa mga sinusulat ko.

Hindi ako nagba-blog ngayon para lamang humingi ng paumanhin dahil sa matagal na pagkakawala. Ating pasadahan ang mga maiiinit na isyu na ating kinakaharap nitong mga nagdaang linggo.

PROBLEMA SA IGLESIA NI CRISTO (INC)

INC Celebration (photo courtesy of Philippine Star)

INC Celebration (photo courtesy of Philippine Star)

Marahil, ang pinakapopular na relihiyong itinatag dito sa Pilipinas (paalala: itinatag o founded sa Ingles) sa kasalukuyan ay ang Iglesia ni Cristo. Wala man sa kalingkingan ng populasyon nila ang dami ng mga Katoliko, Born Again Christians at Muslim sa ating bansa ay hindi maitatangging malaki-laki rin ang impluwensiya nila sa lipunan. Sa katotohan niyan, kadidiriwang lang nila ng kanilang ika-101 taon nitong Hulyo 27, 2015.

Gayunpaman, nababalot ang relihiyong aking nabanggit sa kontrobersiya sa kasalukuyan. Itinawalag ng punong ministro nilang si Eduardo Manalo ang kapatid na si Felix Nathaniel “Angel” Manalo at ang inang si Cristina “Tenny” Manalo matapos maglabas ang dalawang huling nabanggit na nanganganib ang kanilang mga buhay. Hindi pa klaro noong una kung bakit nila ito sinabi ngunit sa paglipas ng mga araw ay lumalabas na¬†internal conflict ang kadahilanan. May nagsasabing hindi umano pabor ang ilan sa mga kapamilya ni Eduardo Manalo kung paano niyang ginagamit ang salapi ng kanilang simbahan. May mga haka-haka rin ang media na may namumuong pagtitiwalag dahil sa mga iregulidad umano sa simbahan. May bali-balita ring maraming ministro ang nawawala o kaya’y nanganganib ang buhay at ito raw ay may kinalaman sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Hindi man natin alam ang katotohan sa mga nangyayari sa kanila, maigi pa ring tayo ay maghintay, magmasid at mag-obserba sa mga susunod na mangyayari sapagkat marami tayong mahihinuhang mga aral sa bagay na ito.

MAR vs JEJOMAR

MAR vs JEJOMAR (photo courtest of spot.ph)

MAR vs JEJOMAR (photo courtest of spot.ph)

Ito naman ang pinakamalaking balitang bumulaga ngayong araw, Hulyo 31, 2015. Nag-anunsyo ng pagkandidato sa pagkapresidente ang dating senador na si Mar Roxas habang nag-anunsyo rin ng kanyang suporta ang katatapos lang na magbigay ng State of the Nation Address na si Noynoy Aquino sa kaalyado.

Nagkibit-balikat lang naman si Jejomar Binay sa balitang ito sapagkat para sa kanya, hindi siya matatalo ni Roxas sa halalan.

Bakit hindi kaya nila tinatanong kung gusto sila ng sambayanan?

Sa totoo lang, WALA AKONG GUSTO SA DALAWANG KANDIDATONG ITO. Si Binay ay pinuputakti ng mga reklamo at kaso ng matinding korupsyon at hindi lang siya kundi ang kanyang ring pamilya tulad na lamang ng kanyang anak na si Junjun Binay na kasalukuyang suspendido sa Makati bilang alkalde. At ito namang si Mar Roxas. Ano ang nagawa niya noong siya ay senador pa? Malaki ang ekspektasyon sa kanya ng mga taong bumoto sa kanya noon pero para namang wala tayong napala. Bakit nga ba uli siya tinawag na Mr. Palengke? Ah, dahil yata sa komersiyal nyang nagpapanalo sa kanya.

Kanino ka kakampi, sa umano’y makapal na¬†matinding¬†corrupt¬†o sa umano’y inutil?

#MMSHAKEDRILL: METRO¬†MANILA¬†“SHAKE” DRILL

MMDA Chairman Francis Tolentino explains what will happen during the July 30 Metro-wide earthquake drill during his visit at the Philippine Daily Inquirer office in Makati City. (Photo courtesy of Rem Zamora)

Ipinapaliwanag ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa opisina ng Philippine Daily Inquirer sa Makati ang magaganap na Metrowide earthquake drill ilang araw bago ang Hulyo 30. (Photo courtesy of Rem Zamora)

Isinagawa sa buong Metro Manila kahapon, Hulyo 31, ang tinatawag na Metrowide Shake Drill bilang paghahanda sakaling tamaan ng lindol ang Metro Manila. Sa pangunguna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) pati na iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ay nagpalaganap sila ng impormasyon sa publiko kung anu-ano ang mga kailangang gawin sakaling dumating nga ang lindol. Habang nangyayari ang lindol, sinasabi nilang gawin ang mga sumusunod:¬†DROP – COVER – HOLD.¬†Nasaan ka man, pag lumindol ay¬†iwasan nang tumayo kung hindi kailangan. Ibaba agad ang sarili at humanap ng matibay na mesa o anumang pwedeng pagtaguan na sa tingin mo’y hindi basta-basta masisira. Hawakan ito hangga’t hindi natatapos ang pagyanig. Pag natapos ang lindol, tsaka lamang tingnan kung ligtas nang lumabas at dumiretso sa evacuation centers.

Maganda ang isinagawang proyektong ito ng gobyerno. Sana lang talaga ay maging handa sila pati na syempre ang mga tao sakaling dumating ang mapeligrosong lindol. Nakakairita lang marinig sa media ang katagang The Big One sa lindol na inaasahang darating sa hinaharap. Baka mamisinform ang mga tao sapagkat hindi lang iisa ang maaaring tumamang lindol sa atin kung may tatama man.

Metro-Quake-Drill-4

Photo courtesy of Philippine Star

Kayo, ano ang opinyon n’yo sa mga isyu nitong nagdaang mga linggo? Tara,¬†ibigay mo ang opinyon mo!

***

Na-miss ko ang pagbablog kaya hindi ko mang intensyong mag-blog ngayong gabi, hindi ko napigilan ang aking sarili! Sarap sa pakiramdam ng nasasabi natin ang opinyon natin sa iba’t-ibang bagay, ano? Kaya pinapangako ko sa sarili ko na bibigyan ng kaukulang oras ang pagbablog kahit na abalang-abala sa iba’t-ibang mga bagay.

Advertisements

Fallen 44

Fallen 44 (picture courtesy of ABS-CBN)

Halos isang buwan na mula nang mangyari ang kahindik-hindik na pagpaslang sa magigiting nating mga pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) group sa Maguindanao na binansagan ng media na Mamasapano clash. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong malinaw kung ano ang mga nangyari noong araw na iyon. Pag-usapan natin ang nangyari at kung ano o sino ang dapat managot sa nakalulungkot na pangyayari.

Ano ang SAF?

SAF

Ayon sa artikulong ito mula sa website ng Philippine National Police, ang PNP Special Action Force (PNP-SAF) ay ang natatanging lupon ng kapulisan na binuo upang kalabanin ang mga terorista, rebelde at organized crime group na naghahasik ng lagim sa bansa. Dahil tinatawag silang rapid deployment force, ginagamit sila upang supilin ang mga masasamang loob saan man at kailan man sa Pilipinas.

Ang vision ng grupo ay ang sumusunod:

‚ÄúWe envision SAF as a highly motivated, highly disciplined and specially trained unit armed with the most modern equipment that technology can provide and working in active partnership with the community living up to the virtues: Maka-Diyos, Maka-Bayan, Maka-Tao at Maka-Kalikasan.‚ÄĚ

Ang mission naman nila ay ang sumusunod:

‚ÄúTo conduct special operations as a rapid deployment force in the country specifically in the areas of counter-terrorism, hostage rescue, commando-type unconventional warfare, search and rescue operations and national civil disturbance control in times of calamities, disasters and national emergencies.‚ÄĚ

Kailan at bakit sila binuo?

SAFLOGO

Noong dekada 80, maraming grupo ang nais magpabagsak sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang iilan sa mga ito ay ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na noo’y pinangungunahan ni Nur Misurari at ang Communist Part of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA). Ang kaguluhang ginagawa noon ng mga nasabing grupo ang nagtulak sa Philippine Constabulary (isa sa apat na service commands ng Armed Forces of the Philippines dati bago sila isinama sa PNP) na bumuo ng espesyal na lupon upang supilin ang mga ito. Mayo 12, 1983 nang mabuo ang grupo na sinasabing ideya ng dating AFP Vice Chief of Staff Lieutenant General Fidel V. Ramos (na magiging pangulo noong dekada 90) kasama ng kantang Chief of Operations na si Renato De Villa.

Ano ang ginagawa ng SAF sa Maguindanao ng mga panahong iyon?

Ayon sa ulat na ito ng ABS-CBN, dalawang linggo bago ang Mamasapano Clash ay nakipagpulong diumano ang pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino pati na ang noo’y suspended na PNP Chief na si Alan Purisima sa mga opisyal ng SAF (kasama na rito ang dating PNP-SAF Chief Getulio Napenas) tungkol sa operasyon na tinawag nilang Oplan Exodus. Ang operasyong ito ay isa lamang sa mga napakaraming naiplanong operasyon sa mga lumipas na taon upang tugisin ang kilalang teroristang si Zulkifli Abdhir o mas kilala sa bansag na Marwan na maraming taon na ring pinaghahanap sa buong mundo. May mga ulat umano na tinatago ang nasabing terorista ng mga grupong MILF, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (o BIFF, isang pangkat ng MILF na humiwalay sa grupo dahil salungat sila sa kasalukuyang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at MILF) at Abu Sayyaf. Gaya ng nasabi kanina, maraming operasyon na ang naiplano noon ngunit hindi naisagawa o hindi ipinagpatuloy sa maraming kadahilanan. Pero noong Enero ng taong kasalukuyan ay isinagawa ang operasyon upang tugisin si Marwan na nagresulta nga sa pagkakapatay sa 44 na miyembro ng Special Action Force.

Ano ang sinasabing nangyari noong araw na iyon?

Ayon sa balita, 3 pangkat ng SAF ang pumasok sa baryo ng Tukanalipao, sa Maguindanao, Mindanao madaling araw noong Enero 25 upang dakpin ang mga teroristang sina Marwan at Basit Usman. Pinasok umano ng SAF ang bahay kung saan itinuturong naroon si Marwan ngunit dahil sila ay pinaputukan, sila ay lumaban hanggang sa mapatay ang terorista. Hindi umano alam ng MILF at BIFF na may mga SAF sa lugar kaya nang marinig nila ang putukan, sila rin ay nagpaputok ng armas. Ang resulta ay ang tinatawag natin ngayong Mamasapano Clash na dahilan kung bakit nasawi ang 44 na miyembro ng SAF pati na umano’y 350 miyembro ng mga teroristang grupo.

Fallen 44 (courtesy of GMA News)

Sino ang may pananagutan sa mga pangyayari?

noynoy

Inaako ni Napenas ang nangyari, ngunit tama bang siya lang ang umako ng responsibilidad na ito? Hindi ba’t may kasalanan at pananagutan din ang ibang grupo lalo na ang mga sumupil at kumitil sa buhay ng mga miyembro ng SAF? Bakit binibigyan ng proteksyon ng MILF si Marwan, na isang kilalang terorista sa buong mundo? Ibig sabihin ba na ganun ang ginawa (at marahil, patuloy na ginagawa) ay mga terorista rin sila? Kasama rin daw sa operasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika. Ibig sabihin, malaking operasyon talaga ang naganap. Hindi lamang gobyerno ng Pilipinas ang nakakaalam kundi ang makapangyarihang bansa ng Amerika. May pananagutan din ba sila sa pangyayari?

Kung aalamin natin ang mga detalye, sinasabing umabot ng maraming oras ang putukan sa pagitan ng SAF at MILF. Bakit hindi agad nagpatawag ng ceasefire? O kung nagpatawag man ng ceasefire, bakit hindi agad huminto ang mga miyembro ng MILF? Bukod pa diyan, kung ilang oras na palang nakikipagbakbakan ang SAF sa MILF, bakit hindi tumulong ang AFP at iba pang miyembro ng SAF? Ano o sino ang pumigil sa kanila? Hindi naman siguro ganun kalakas ang MILF para katakutan nila o kayabang ang kanilang mga pinuno upang maging kumpiyansa sa ipinadala nilang tatlong pangkat ng SAF. Marami tayong katanungan hanggang ngayon na sana ay mabigyan ng linaw sa madaling panahon lalo na’t galit pa rin tayong mga Pilipino sa nangyari. Pero ang isang pinakanakakapag-init sa damdamin ng mga Pilipino lalo na ang mga kamag-anak ng mga namatayan ay ang paghuhugas ng kamay ng tinuturing na ama ng bansa.

HULING SALITA

Ang pangulo ng Pilipinas ang siyang commander-in-chief kaya dapat ay akuin ng anak nina Ninoy at Cory Aquino ang responsibilidad sa pagkakapatay ng 44 na miyembro ng SAF. Alam niya ang operasyon at may kakayahan sana siya upang pigilan, tulungan o iligtas ang mga pulis natin na nandoon noon sa Mamasapano. Ngunit, ano ang kanyang ginawa? WALA. Maging sa kanyang mga talumpati ay ibinibida niya ang kanyang sarili at pamilya na kung tutuusin ay walang kinalaman sa insidente at kung mayroon man ay napakainsensitibo at walang kaemosyon-emosyon para sa mga namatayan ang dating. Natatandaan n’yo pa ba nung inunan nya ang pagbubukas ng isang car shop kaysa salubungin ang mga bangkay ng mga bayani nating Fallen 44? Doon pa lang ay malalaman mo na kung ano ang karakter ng pangulong ito. Nito lamang nagdaang Miyerkules, Pebrero 18, ay nakipagkita siya sa mga kamag-anak ng Fallen 44. Tsansa na sana niyang bumawi o kaya ipakita man lang sa mga tao ang kanyang pakikidalamhati. Ngunit ano ang bumandila pangkatapos ng pangyayaring iyon? Pagkabastos at pagkahambog  ng pangulong piniling iboto ng nakararaming Pilipino noong 2010. Hindi tuloy nakapagtataka ngayon na maraming grupo ang gustong magpatalsik sa kanya sa pwesto. Sa araw na ito, Pebrero 22, ay inaasahang maraming magpuprotesta laban sa kanya.

Noynoy, hindi kita inaasahang bababa sa pwesto mo lalo na’t ayaw ko ring si Binay ang pumalit sa’yo. Pero sana, pakinggan mo itong payo ko at hindi ng payo ng umano’y corrupt mong kaibigang nangingialam pa rin kahit suspendido na na si Alan Purisima. Tumingin ka sa salamin at pagmasdan mo ng mabuti ang makikita mo. Natatakot ka ba? Oo, dapat matakot ka. Matakot ka sa sarili mo at sa mga pinaggagagawa mo.

Sampung Pinakanakakainis na Nararanasan ng mga Pilipino Araw-araw

Gumising kang masaya at punong-puno ng pag-asa. Naligo, nagbihis at kumain na maganda ang pananaw sa buong araw na masisilayan. Wari’y handang-handa kang harapin ang mundong sa’yo ay naghihintay. Pero, pero, pero, dumaan ang araw at ang mukha mo’y di maipinta. Kombinasyon kasi ito ng pagkagalit, pagkainis at pagkawalang-gana. Tinatanong pa ba kung bakit? Malamang, may mga bagay na nagpagalit o nagpainis sa’yo buong araw. Anu-ano ang mga bagay na ito? Kasama ba ang mga nakasulat dito sa listahan mo?

Heto ang Sampung Pinakanakakainis na Nararanasan ng mga Pilipino Araw-araw:

1. TRAPIKO

Traffic (World's largest traffic jam in history happened in China- image from autoevolution.com)

May mas nakakainis pa ba sa hindi umaandar na sasakyan sa kalsada kung mahuhuli ka na sa klase o trabaho? Isa na ito sa mga pinakapangit na imahe ng punong lungsod ng bansa, ang Metro Manila. Ano kamo ang mga dahilan? Mga ginagawang kalsada, mga tsuper na matitigas ang ulo’t ginagawang kaharian ang mga kalye pati na rin mga walang disiplinang pedestrian. Isama na rin natin ang hindi maayos na traffic management na isinasagawa ng gobyerno. Mapaumaga man o gabi (kahit na gabing-gabi na, sa totoo lang), kasagsagan ng matinding trapiko ang mga daanan.

2. MAHABANG PILA

LRT queue (image courtesy of GMA News TV, taken from paanomagingpinoy.files.wordpress.com)MRT/LRT. Terminal ng mga sasakyan. Bangko. Grocery. Restaurant. Parte na ng buhay ng mga tao ang pagpila. Nariyan ang pagpila ng napakatagal sa MRT at LR na talagang susubukin ang pasensya mo (pati na rin galing sa pag-iwas sa mga mandurukot). Kung may pila sa tren, may pila rin syempre sa mga terminal ng jeep, FX at taxi. Minsan mabilis lang ang pila lalo na kung hindi na rush hour pero may pagkakataon ding ilang bloke¬†ang haba. Maaga kang nagpunta ng terminal? Bale wala rin yan kung ikaw ang unang pasahero ng dambuhalang van na dapat punuin bago kayo umalis. Mapapakamot ka na lang ng ulo talaga minsan. Sino na ang ‚Äúnabiktima‚ÄĚ ng napakahabang pila sa mga bangko? Isang oras lang ang break mo at isang oras din kung minsan ang bubunuin mo makabayad lang dito. Buti‚Äôt nauso ang e-payment¬≠ kaya‚Äôt di na kailangang pumunta lagi sa mga bangko para magbayad. Buti sana kung maaaring gamitin ang cellphone o kaya gumawa ng ibang makabuluhang bagay habang naghihintay pero hindi. Sa pagkakaalam ko, iilang¬†bangko lamang ang nagpapahintulot nito. Mahaba rin ang pila minsan sa mga grocery store kaya maiging mamili kung kailan hindi pa marami ang mga tao rito. May mga pila rin sa mga restaurant. Kahit na¬†gutom na gutom ka na pero dahil gusto mong kumain sa mga lugar na puntahan talaga (dahil mura o masarap ang pagkain kahit mahal), pagtiyatiyagaan mo talaga.

Kahit saan, kahit kailan, magiging parte na yata palagi ng buhay ng tao ang pagpila.

3. MGA DI KANAIS-NAIS NA KATRABAHO

Pangit na KatrabahoMga bosing man o kapwa empleyado, di na yata maiiwasang minsan ay mayroong tayong makakatrabaho na hindi natin tipo ang ugali. Mayabang, power-tripper, madamot at kung anu-ano pang kagaspangan ng ugali ang kanilang pinapakita kaya di natin sila ganun kagusto. Naiisip siguro ng iba, pag minsanan lang nakikita, ayos lang. Pero kung buong araw araw-araw, sana hindi na lang. May dahilan kung bakit sila hindi kanais-nais sa iyong mga mata, at sana’y magawan ng paraan para naman maging payapa at masaya ang lugar na inyong pinagtatrabahuan.

4. MGA TSISMOSO AT TSISMOSA

Tsismis (from getrealphilippines)Ginagawang libangan ng ibang tao sa¬†komunidad man o trabaho ang pantsitsismis. Ang iba, natutuwang sila ang nangunguna sa pantsitsismis tungkol sa buhay ng iba. Yung iba naman, ang saya-saya pag nangangalap ng tsismis dahil may ipangtsitsismis sila sa iba. Totoo man o hindi ang itsinitsismis, ang daming naaapektuhan nito. Reputasyon ng mga taong bida sa tsismis, pati na rin pagkatao ng mga nangtsitsismis. Bakit pati mga nangtsitsismis damay ang pagkatao? Dahil imbes na harapin ang tunay na problemang pinagtsitsismisan nila o pag-usapan ang mga magagandang bagay sa paligid nila ay nantsitsismis sila. Mapapasabi ka na lang ng “Tse!”, hindi ba? Hehe.

5. SOBRANG PAG-UULAN O KAYA GRABENG INIT NG ARAW

Ulan (image courtesy of theorganicprepper.ca)Isa sa mga pinakanakakainis na pangyayari ay yung mababasa ka dahil sa pag-uulan gayung pusturang-pustura kang papasok sa trabaho. Isama na rin ang grabeng pawis na aabutin mo kung maabutan mong tirik na tirik naman ang araw sa kalangitan. Mapapaisip ka minsan, hindi ba pwedeng yung tamang balanse ng ulan at init lang? Sa isang tropikal na bansang tulad ng Pilipinas, hindi posible yun para sa buong taon. Yung ibang tao, naiinis pag sobrang init at sana raw umulan. Pero pag umuulan na, maiinis pa rin at napakalamig naman daw. Ano ba talaga, ate’t kuya?

6. MGA BALITA TUNGKOL SA MGA PANGIT NA MGA KALSADA, MGA NAKATIWANGWANG NA PROYEKTO AT IBA PANG REKLAMO LABAN SA MGA PROYEKTO NG GOBYERNO 

bataan_nuclear_power_plant (image courtesy of getrealphilippines.com)Nakakatuwang makita na kumikilos ang gobyerno sa iba’t-ibang pagpapagawa ng kalsada, pagbubuo ng pampublikong gusali at pagpapatupad ng magagandang programa sa paligid. Ibig sabihin nito’y kumikilos talaga sila. Pero ang nakakainis niyan, may mga pagkakataong sisimulan nilang gawin pero di rin naman tatapusin. Malalaki mang proyekto (tulad ng Bataan Nuclear Power Plant) o hindi (pagsasaayos ng tulay o kalsada), nakakainit ng ulo na bigla na lamang silang mahihinto. Ang nangyayari tuloy, nakatiwangwang ang mga ito. Imbes na pakinabangan, ang perang ginasta ay nasayang.

7.1 MAMAMAYANG MATITIGAS ANG ULO

Sinabi ng bawal tumawid, tumatawid pa rin. Nakasaad na nga sa pader na bawal pumarada, pumaparada pa rin. Bawal ang mangurakot, nagnanakaw pa rin. Naaapektuhan tuloy hindi lamang iba kundi ang lahat dahil matitigas ang mga ulo ng marami sa atin.

7.2 MGA TAMAD NA TAO

Tamad (image courtesy of The Simpsons)Isasama ko na ito sa # 7 para magbigay-daan sa isa pang nakakapagpainis sa mga Pilipino. Alam mo yung mga tagpong kilos ng kilos ang lahat pero may isa o iilang taong nakaupo o nakahiga lang at walang ginagawa? O kaya yung tipong nabiyayaan ng pamilyang kayang magpaaral pero tinatamad pumasok sa walang mabigat na kadahilanan? O kaya may magandang trabaho pero binabalewala ito? Hindi ka ba naman maiinis sa kanila kung nakikita mo lang silang nakanganga at walang ginagawa?

8. MGA PANGIT NA PALABAS SA TELEBISYON

images (5)

Nakalilibang ang panonood ng telebisyon. Sa araw-araw ay may mga iilang programang talagang nakapagbibigay-saya, nakakapagdagdag ng kaalaman at nakakapawi ng pagod mapaumaga man, tanghali o gabi. Yun nga lang, mas marami yata ang pangit na palabas ngayon, sa lokal na telebisyon man o cable. Kung ililista lahat ng mga programa sa telebisyon, mabibilang lang siguro sa daliri ang talagang kailangan ng mga tao. Ang iba’y pang-distract lang habang ang iba’y tila pinapalabas lamang para may mapanood. Ang nakakatakot pa nya’y ginagamit minsan ang mga programa sa telebisyon para i-brainwash¬†ang mga tao upang mawalan ng pakialam¬†tungkol sa kung anu-ano ang talagang nangyayari sa paligid. Madalas din ay ginagawa ang mga itong pagsasaboy ng¬†propaganda¬†na ikakabuti lamang ng iilang tao.

9. MGA MINAMAHAL SA BUHAY

Bad Family (image courtesy of applywithin.co.nz)Mahal natin ang pamilya natin, mga kaibigan o mga sinisinta. Pero aminin mong sila rin minsan ang mga pinakanakakainis na parte ng araw mo. Haha. Dahil man sa kakulitan nila, kabiguang gawin ang mga dapat nilang ginawa o pagiging iresponsable sa ibang mga bagay, parte ng pakikipagbaka sa buhay ang intindihin ang mga mahal sa buhay, kahit na may mga panahong nakakainis talaga sila.

10. MABAGAL NA INTERNET CONNECTION

Internet memeIto na yata ang pinakanagpapainit sa ulo ng maraming tao araw-araw. Yung tipong nagbabayad ka naman palagi buwan-buwan sa Globe, Smart, PLDT o kung ano pang ISPs pero di mo nagagamit ng maayos yung internet connection mo. Sinasabi sa mga balita na ang Pilipinas ang isa sa may pinakamahal pero pinakamabagal na koneksyon sa buong mundo. Sana naman, gumawa ng paraan ang gobyerno natin tungkol dito. Di mo tuloy maiiwasang mainggit kung minsan sa ibang bansa dahil kahit sa mga kalsada nila dahil mayroong libreng internet na, mabilis pa!

BONUS: MASAMANG PAG-UUGALI NG SARILI

SELF (image courtest of digitaltrends.com)

Tingin mo hindi ko isasama ito? Mareklamo tayong mga tao, lalo na ang mga Pilipino. Mahilig din tayong mamintas ng pagkakamali o pagkukulang ng iba. Mabuti sana kung nakakaisip tayo ng paraan para solusyunan ang maraming problema sa paligid pero karamihan sa atin, magaling lang sa pagbato ng putik sa iba. Piliing maging parte ng solusyon. Kumilos at pagbutihin ang ginagawa.

***

Ngayong alam na natin ang mga nagpapainis sa atin, isipin naman natin kung paano ang mga ito masosolusyunan. Siguro, pwedeng matulog at gumising ng mas maaga para hindi mahuli sa pagpasok. Pwede ring iwasan ang mga taong ang hilig lamang ay pag-usapan ang buhay ng may buhay o kaya yung mga taong walang magandang maidudulot sa atin. Igihan din ang pagpapabuti sa sarili, at idamay na ang iba sa pamamagitan ng pag-iimpluwensiya sa kanila ng magagandang katangiang mayroon ka.

Minsan, alam ng mga tao ang sagot sa mga problema nila, kaya lang, walang silang lakas ng loob para gawin ang mga ito o binabalewala lang nila ang katotohanang nalalaman nila ito. Ikaw, pumili ka. Magreklamo o kumilos.

Sang-ayon ka ba sa Tatlong Araw lang na Pasok sa Eskwela?

DepEd (mula sa philstar.com)

Isang linggo na ang nakakaraan nang unang marinig ang balita tungkol sa panukalang gawing 3 araw na lamang ang pasukan sa ibang mga pampublikong eskwelahan. Sang-ayon ka ba rito o hindi?

Mayo 28, 2014 unang lumabas ang balitang maaaring gawing tatlong araw ang pasukan sa ibang eskwelahan sa Metro Manila pag sobrang dami ng mga estudyante ang magsipasukan. Ito ang isa sa mga naisipang paraan ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ukol na rin sa padami ng padaming mag-aaaral na pumapasok sa eskwela at kakulangan ng mga kwarto na pinagdarausan ng mga klase sa mga bata. Ibig sabihin umano nito, isang batch ng mga estudyante ang papasok tuwing Lunes hanggang Miyerkules at ang isa pang batch ay tuwing Huwebes hanggang Sabado. Sinasabi naman ng DepEd na kailangan pa ring kumpletuhin ng mga mag-aaral ang hindi babawas sa 180 na pasok sa eskwela kahit pa ipanukala ang 3-araw na pagpasok sa bawat linggo. Kakailangan din umano ng istriktong pagmu-monitor para matiyak na naukakakuha pa rin ng magandang edukasyon ang mga bata.

Eskwela (mula sa philstar.com)

Isa sa mga problemang kinahaharap ng gobyerno ay ang sobrang dami ng mga mag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan. (Ang larawan ay kuha mula sa philstar.com)

Kung ako ang tatanungin…

Maayos na solusyon man ang naisip na panukalang ito ng DepEd , hindi ito ang pinakamagandang solusyon. Imbes na panandaliang sagot kasi sa suliranin ang isipin, bakit hindi umisip at gumawa ng solusyong pangmatagalan? Bakit hindi magpagawa ng mga gusaling dagdag sa mga paaralan? Gawing maigting ang pagpaplano at maganda ang pagpapagawa nito upang bawat espasyo ay magagamit ng wasto. Bakit hindi rin taasan ang sahod ng mga magigiting nating guro upang mas galingan nila ang kanilang ginagawa at para na rin mas marami ang mahikayat sa pagtuturo? Hindi magiging mukhang pera ang labas nila kundi tamang kompensasyon lamang sa lahat ng ginagawa nila para sa kanilang mga estudyante.

Baka bigla mong tanungin, saan hahanap ng budget? Sa laki ng perang nakukolekta sa buwis at pati na budget na inilalaan sa ibang mga bagay na hindi naman kasinghalaga ng edukasyon, mayroong pagkukunan ng budget kung tutuusin! Ano pang pwedeng gawin? Pigilin ang korupsyon. Hiyain ang dawit dito sa publiko para matuto sila at para na rin matakot ang mga nagbabalak na gumawa pa nito. Imbes na nagagamit para sa lahat ang pera ng bayan e walanghiyang ginagamit pala sa pansarili ng ibang mga walangkwentang opisyal na nasa pwesto kaya edukasyon at iba pang sektor ng lipunan ang naaapektuhan tuloy.

Kaya kung gusto talaga ng gobyernong ito ni Aquino na maiba naman ang problemang kinakaharap taun-taon sa sektor ng edukasyon at magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga batang magpapalakad ng bayan sa hinaharap, gawin nila ang tama at nararapat.

Ang Huling Balita

Ayon sa bali-balita, hindi na itutuloy ng DepEd ang panukala sa ngayon. Hindi pa raw tapos ang kanilang pag-aaral tungkol dito kaya ibang paraan na lang muna ang kanilang gagawin para solusyunan ang problema sa edukasyon. Isa sa mga ito ang tinatawag na student transfer kung saan ang sobra-sobrang mag-aaaral sa isang eskwela ay ipupunta araw-araw sa isa pang eskwelahan kung saan sila tuturuan at ibabalik uli sa eskwelang kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng mga van ng DepEd.

Ang Pork Barrel Scam at iba pang Conspiracy Theories

Pork Barrel Scam (hango ang larawang ito sa http://www.rappler.com/newsbreak/34459-admin-solons-linked-pork-barrel-scam)

Ilang linggo ng usap-usapan ang Pork Barrel Scam kung saan nadidiin ang businesswoman na si Janet Napoles. Sinasabi ng whistleblower na si Benhur Luy, dating personal assistant ni Napoles, na kumikita ang kanyang dating amo ng limpak-limpak na salapisa pamamagitan ng panloloko. Pinadadaan umano ng mga senador at kongresista ang ilan sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa mga proyektong gawa-gawa lamang ng mga huwad na Non-Government Organization (NGO) tulad ng pag-aari ni Napoles. Dahil di tunay ang mga proyektong gagawin ay ibubulsa ng mga mambabatas at ni Napoles ang salaping dapat ay para sa mamamayan. Tinatayang 70% ay mapupunta sa mambabatas habang 30% naman kay Napoles.

Nakakagulat, hindi ba? Kaya sa dinami-rami ng perang sabit sa scam na ito, di ka na magtataka pa kung saan nanggagaling ang mga mamahaling gamit ng mga anak niyang si Jean. Dagdag diyan, mayroon pa umanong 400 na bank account ang kanilang pamilya! Biruin mo pa, higit dalawampung sasakyan na nakarehistro sa kanilang pangalan!

Pero ang pinakanakakagulat sa lahat ng mga nabanggit sa mga balitang ito ay ang sabwatang nagaganap umano sa pagitan ng mga pulitiko at ng mga Napoles. Isang conspiracy theory ang nasabing scam. Nagkukunwari ang mga taong sangkot (senador o kongresista man) na di nila kilala si Napoles. Bakit nga naman nila ididiin ang kanilang sarili gayung iligal ang mga transaksyong nagaganap? Ayaw nilang ipakita ang kanilang totoong pagkatao. Basahin pa ninyo ang blog na dulzspeaks.blogspot.com nang maraming bagay pa kayong malaman tungkol sa napakalaging scam na ito.

Update: Ayon sa huling balita, nag-isyu na ng warrant of arrest ang National Bureau of Investigation kay Janet Napoles at sa kanyang kapatid na si Reynald ‚ÄúJojo‚ÄĚ Lim dahil sa isinampang kaso ni Luy. Sisimulan na ring imbestigahan ang scam upang malaman ang iba pang dawit sa panlolokong ito. Harin
awa’y magkaroon ng hustisya sa pangyayaring ito at hindi lamang sina Napoles ang maparusahan kung hindi pati na ang mga senador, kongresista at iba pang taong nasa posisyon na nanloloko sa bayan.

Conspiracy Theory

Nabanggit ko na sa mga dati ko pang blog entry ang conspiracy theory. Ano uli ito? Ang conspiracy theory ay isang teorya kung saan ipinapaliwanag ang isang pangyayari o lupon ng pangyayari dahil sa isang lihim na plano at gawain ng mga makakapangyarihang tao sa likod nito na tinatawag na conspirators. Masakit malaman sa isip at maramdaman sa pusong may mga ganitong pangyayaring nagaganap sa ating lipunan. Kung sinu-sino pa ang mga pinagkakatiwalaan mong mag-aangat sa Pilipinas at sa mga kapwa Pilipino ay sila pang dahilan kung bakit nawawala’t nananakaw ang perang galing mismo sa bayan na dapat lang gamitin para sa bayan. Gahaman. Magnanakaw. Walanghiya. Yan ang mga katagang madalas ginagamit panlarawan sa mga pulitiko. Sa mga uri ng balitang naririnig natin ngayon, wag na tayong magtaka kung totoo ang mga iyan. Wag gumamit ng mga pangalan ng baboy, buwaya at iba pang hayop sapagkat isang paglapastangan sa kanila ang maihambing sa mga taong halang ang kaluluwa.

Tunay na nakawiwindang ang balita tungkol sa Pork Barrel Scam. Pero may iba pang nakawiwindang na conspiracy theory sa mundo. Kamakailan lang ay nagpakita ng listahan ang LISTVERSE ng mga conspiracy theory. Bagama’t pop culture ang nasa titulo nito, ang listahan ay kabit-kabit na istorya ng mga taong nasa posisyon at kapangyarihan, ang mga biktima nila at ang pamamamaraan ng kanilang pambibiktima. Anu-ano ang mga nasa listahan? Alamin natin sa ibaba:

X. Isang psychological warfare ang prank broadcast ni Orson Welles noong 1938

War of the Worlds (kuha mula sa ashartos.deviantart.com)

Isa umanong pagti-test sa epekto ng media sa tao ang ginawang radio broadcast ni Orson Welles sa kanyang likhang War of the Worlds noong taong 1938. Sa gabing iyon ng Halloween, nag-panic ang mga tao dahil sa mock news na kanilang narinig na nagsasabing sinasakop na tayo ng mga alien.

IX. Ang pagkamatay ni Marilyn Monroe ay hindi aksidente. Siya ay pinapatay.

Marilyn Monroe (kuha sa glogster.com)

Binalitang suicide ang pagkamatay ng artista sa Hollywood na si Manilyn Monroe, pero ang sabi ng iba, mafia ang may kagagawan nito para mapigilan siya sa pagsumbong sa mga kinauukulan ng kanyang pakikipagrelasyon sa mga Kennedy. Marami na umano siyang nalalaman kaya minabuting siya ay patahimikin na lamang.

VIII. Ang pumatay kay John Lennon ay isang mind-controlled CIA assassin.

 

What's with the one-eye symbol, CIA and CBS?

What’s with the one-eye symbol, CIA and CBS?

Binaril ni Mark Chapman si John Lennon sa labas ng Dakota Building noong Disyembre 8, 1980. Sinabi n‚Äôya na nakaririnig siya ng mga katagang ‚ÄúDo it, do it.‚ÄĚ sa kanyang ulo kaya niya tuluyang binaril si Lennon. Hawak din niya ang librong Catcher in the Rye na may nakasulat na ‚ÄúThis is my statement.‚ÄĚ sa kanyang pagkakahuli.

Tatlong taon bago ang nasabing pangyayari, nagkaroon ng mga pagdinig sa Senado ng Amerika tungkol sa proyekto ng Central Intelligence Agency o C.I.A. na tinatawag na MKULTRA. Isa umano sa mga layunin nitong proyektong ito ay ang pagbi­-brainwash. Nais umano nilang gumawa ng Manchurian candidate, isang mind-controlled assassin upang isagawa ang kanilang mga kagustuhan. Sinasabing si Chapman ay isa sa mga na-brainwash ng CIA. Isang epekto ng brainwash ay pagbabago at pagkakaroon ng kakaibang pag-uugali, bagay na nakita kay Chapman.

Ano naman ang sinasabing dahilan sa pagpatay kay Lennon? Pinapatay umano siya dahil siya raw ay isang peace activist. Kumbaga, di naaayon sa kagustuhan ng mga nakatataas ang kanyang layunin bilang isang napakapopular na tao. Tinuligsa niya ang paggiyera ng Estados Unidos sa El Salvador bilang halimbawa.

VII. Gangster Rap

Gangsta music

Noong late 80’s at early 90’s, dalawa umano sa mga sub-genre ng rap ay ang conscious rap at gangsta rap. Nang naglaon, nawala na ang conscious rap at mas nakilala naman ang gangsta rap. Ang dahilan umano nito ayon sa isang sulat na ipinaskil sa blog na Hip-Hop is Read ay ang pagpupulong na ginawa ng mga nasa matataas na posisyon sa industriya ng musika kasama ang ilan sa mga nasa kapangyarihan. Layunin ng pagpupulong na suportahan ang musika na nagtataguyod ng criminal behavior para magtulak sa mga taong patuloy na gumamit ng droga at patayin ang isa’t-isa. Kung patuloy ang pagtutulak ng bawal na gamot at pagpatay, mapupuno ang mga kulungan- isang bagay na gusto ng isa sa mga paksyong kasama sa pulong.

VI. Predictive Programming sa TV, libro at pelikula ng mga pangyayari sa hinaharap

Nagbibigay umano ng maraming palatandaan ang tinatawag na conspirators o behind-the-scenes puppet masters tungkol sa kanilang mga plano. Ang mga palatandaang ito ay halos palaging gumagamit ng mga simbolo, numero at iba pang tumutukoy sa mga okulto, Freemasonry o mga ispesipikong imagery. Tingnan ang mga larawan upang malaman kung ano ang tinutukoy na predictive programming. 

9-11 predictive programming 9-11 PP picture

Isa pa umano sa mga layunin ng predictive programming ay pagaanin ang tama ng magaganap na pangyayari sa publiko. Kumbaga, tinataas ang tolerance ng tao sa mga ganitong bagay. Kung patataasin ang tolerance ng tao, sinasabing di sila gaanong maaapektuhan pag nangyari nga ang kalunus-lunos na pangyayari lalo na kung di sila direktang apektado.

V. Mga tagong mensahe: taktika para kundisyunin ang mga tao

Hindi umano sikreto na ang mga maiikli o mga tagong mga salita o larawan ay kayang ilagay sa ibang larawan, palabas o pelikula sa paraang di mapapansin ng manonood pero nakaiimpluwensiya pa rin sa kanila kahit papaano.

Madalas itong ginagamit para mahikayat na bumili ang mga tao ng mga podukto. Kilala rito ang mga komersyal na may nilalamang sexual references gaya ng Coke at Pepsi lalo na noong 1990s. Pero magugulat ka ba kung malalaman mong marami sa mga ito ay nakikita sa mga pelikula at palabas ng Disney gaya ng nasa ibaba?

Tangled movie poster Little Mermaid

 IV. Ang Disney ay isang evil empire

Anong numero nakikita mo?

Anong numero nakikita mo?

Isa sa pinakamatagal, pinakatanyag at pinakamalaking kumpana sa entertainment industry ang Disney. Dahil dito, ito na yata ang pinakamaimpluwensiya hindi lamang sa US, pati na rin sa buong mundo.

Sinasabing kahit umano family-oriented ang mga palabas at pelikula nila ay hinahayaan nilang lumabas ang maraming sexual images di lamang sa pelikula kundi maging sa mga promotional at poster artworks (tingnan na lamang ang mga larawan sa itaas). Bakit nila ito ginagawa? Dahil layunin umano ng Disney ang pagsi-sexualize ng mga bata. Gusto umano ng kumpanya na kainin lahat ng pera ng magulang habang sunud-sunuran sa kanila ang mga anak ng mga ito.

III. Monarch Mind Control: Halos lahat ng mga celebrity ay mind-controlled puppets

Monarch

Noong na-expose ang MKULTRA noong mid-70’s, sinabi ng CIA na itinigil na nila ito. Pero sabi ng conspiracy theorists, di nila ito itinigil kundi binigyan lang ng bagong pangalan. Simula pa noong 1930s ay isinasagawa na ito ng power elite (mga mayayaman at maiimpluwensiyang tao) para ma-perpekto ang mind control. Pinalitan ang MKULTRA ng tinatawag na Monarch at sinasabing maraming mga celebrity  na ang dumaan sa prosesong ito, lalo na yung mga ini-employo ng Disney tulad nina Britney Spears at Miley Cyrus.

Sinasabing ang programming na ginagawa rito ay binubuo ng mga ritualized, regulated trauma at abuse na dinisenyo upang ma-dissociate ang taong biktima (subject) sa reyalidad at magkaroon ng break sa reyalidad na ito. Pagkatapos, isang handler  ang gagawa ng multiple personalities sa subjectРkumakanta, sumasayaw, pumapatay, nakikipagtalik o kung ano pang maisipan nilang ipagawa.

Monarch Mind ProgrammingSinisimulan umano ang prosesong ito habang bata pa lamang ang subject, minsan dahil na rin sa direktang kooperasyon ng magulang. Ang mga subject ay ginagamit bilang sex slaves¬†mula bata hanggang magbinata o magdalaga para sa mga mayayaman at makapangyarihan, habang inaalagaan ang kanilang imahe sa mga tao. Ang persepsyon sa kanila ay paglalarawang mula sa ‚Äúmalinis at inosenteng child star‚ÄĚ hanggang sa maging isang sexualized teen idol (magandang halimbawa na naman sina Britney Spear at Miley Cyrus). Pag ang mga subject na ito umano ay magkaroon ng¬†meltdown, di lamang ito dahil sa presyur ng stardom kundi dahil na rin sa nasirang mind-control programming. Pag pumunta sila ng rehab, sila ay iri-reprogram (Kilala ninyo si Amanda Bynes? Nakilala rin siya sa Disney).

II. Kinukuntrol ng Illuminati ang lahat ng entertainment

Illuminati_001

Kung mayroon kang internet connection, madali mo lang malalaman kung ano ang Illuminati: isang samahang kahit na binuwag na noong 1785 ay patuloy pa rin ang pamamayagpag umano ngayon bilang organisasyong nasa likod ng mga malalaking giyera at iba pang karumal-dumal na pangyayari sa loob ng maraming taon. Baka tumawa ka kung malaman mong si Lady Gaga ay puppet nila. Pero tatawa ka lang hanggang malaman mo ang mga simbolong makikita sa mga video niya: ang all-seeing eye symbol, mga hugis at anyong Baphomet (isang demonyo), at iba pang aspeto ng kanyang mga kanta, palabas at larawan. Pero sinasabing hindi lang si Lady Gaga ang puppet ng Illuminati. Nandyan din sina Beyonce, Jay-Z, Rihanna, Katy Perry, Nicki Minaj, Jessie J at marami pang iba. Di lamang sa musika mayroon ha. Pati na sa mga palabas sa telebisyon, pelikula at libro, mayroon din daw. Basahin ang Vigilant Citizen upang mas mamulat ka pa tungkol dito.

Mga mang-aawit lang ba ba talaga sila? Ano sa tingin n'yo?

Mga mang-aawit lang ba ba talaga sila? Ano sa tingin n’yo?

I. Mass Media: Pinuprograma ang ating pag-iisip

Media is evil?

Media is evil?

Gaya na lamang ng ipinakita ng Conspiracy Theory #10, malaki ang epekto ng media sa pag-iisip at pag-uugali ng mga tao. Mula pa pagkabata hanggang pagtanda, ang pinapakita sa pamamagitan ng media ay paraan upang makundisyon ang mga iniisip at mga gagawin ng tao. Sinasabing ang pelikula ay mabisa sa pagkundisyon ng social behavior ng isang tao o yung paraan ng kanyang pakikipagsalamuha sa iba. Ang musika naman ay mabisa sa pagtuturo ng masasamang pag-uugali (desirable yet terrible values and morals). Ang telebisyon, na sinasabing pinakamaimpluwensiya, ay ang talagang tumutulong sa paghubog ng tao sa paggawa niya ng sarili niyang reyalidad, mga ekspektasyon sa buhay, sa sarili at sa iba.

Ano nga ba ang mga epekto ng telebisyon?

Ano nga ba ang mga epekto ng telebisyon?

HULING SALITA

Nagkataon lang ba ang lahat ng ito o may mga punto ang conspiracy theorists na tulad ko? Iiwan ko na sa inyo ang punla ng pagdududa sapagkat di lahat ng gusto mong makita ay nakikita ng mga mata at di lahat ng gusto mong marinig ay napapakinggan mo sa iyong mga tenga. Mag-isip. Gumamit ng utak. Huwag lamang magpapaniwala sa kung ano ang popular o mga sinasabi ng nasa kapangyarihan. Di mo alam na maraming tao ang tulad ni Janet Napoles na ubod ng bihasa sa pagsisinungaling matuloy lamang ang pagtapak sa ibang tao habang sinusubukang pagtakpan ang sariling mukha sa mundo. Huwag laging magtiwala sa kung anong balita ang pinapakain ng media sapagkat di mo alam kung puppet lamang sila ng mas malalaki at mas matataas na tao. Wag gaya-gaya sa mga artistang pinapanood, baka kaluluwa mo na pala ang nabibenta mo. Wag matakot sa mga pangyayari sa paligid, bagkus, maghanap ng makakasama at palaganapin ang mabuting pagbabago. Pagbabagong magpapatino sa tao at sa mundo.

Balik-Eskwela

k to 12

Nitong nakaraang Linggo ay nagsimula na naman ang pasukan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa buong kapuluan. Ngayong linggo naman ay sumunod na ang mga pribadong paaralan pati na mga kolehiyo’t unibersidad. ¬† Tulad noong mga lumipas na panahon, ganun pa rin ang mga nababalitang problemang kinahaharap ng mga estudyante at kanilang mga magulang. Kapos ang mga silid-aralan kaya nasa ilalim ng puno o kaya corridor nagkaklase ang ibang mga mag-aaral. Kulang pa rin umano ang mga guro kaya humigit kumulang limampu ang mga estudyante sa isang klase. May mga sirang upuan, may mga pader na di napinturahan, may mga silid-aralang napakaliit para sa buong klase. Pero di pa rin napigilan ang milyun-milyong mga estudyanteng magsipasok sapagkat oras nang muli ng pag-aaral.

Marami mang problema ang tulad pa rin ng dati, may bago namang inaabangan sa mga eskwela ngayon: ang K to 12 program ng Kagawaran ng Edukasyon. Bakit ito inaabangan? Sapagkat unang beses itong ipapatupad ngayong taon. Ano ang mga natatanging pagbabago sa panibagong sistema ng ¬†ating edukasyon? Ang hayskul ay hahatiin sa dalawa: junior highschool at senior highschool. Dahil dito, ang dating apat (4) na taon lamang sa hayskul ay gagawin nang anim (6) na taon. Mapapansin ding ang kindergarten level naman ay isang taon na lamang, sapagkat pagkatapos ng mag-aaral dito’y pasok na agad siya sa Grade 1. ¬† Anu-ano pa ang mga kailangan nating malaman tungkol sa K to 12 program? Basahin ninyo ang nasa ibaba na hango sa napakamatulunging artikulo ng Rappler:

1. Mayo 15, 2013 nang lagdaan ng kasalukuyang pangulo ang Enhanced Basic Education Act of 2013 upang maging batas. Ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya na nagpatupad ng K to 12 program.

2. Ang pagpapatupad ng Universal Kindergarten ay nagsimula noong S.Y. 2011-2013. Ang baitang na Grade 11 ay sisimulan sa S.Y. 2016-2017 habang ang Grade 12 ay sisimulan sa S.Y. 2017-2018.

3. Sa 2018 magtatapos ang unang lupon ng mga estudyanteng dadaan sa K to 12.

4. Libre ang K to 12 sa mga pampublikong paaralan. Ang mga magtatapos ng K to 12 ay sinasabing handa na sa pagpasok sa trabaho, sakaling di sila magpatuloy as kolehiyo.

5. Mandatory o kinakailangang dumaan sa Kindergarten level ang lahat ng bata bago makatungtong ng Grade 1. Tandaang dati’y diretso Grade 1 na ang iba sa mga mag-aaral.

6. May mga specialization for employment ang programang K to 12. Ang mga senior high school students ay maaaring pumili sa tatlong ito: Academic, Sports and Arts, Technical-Vocational-Livelihood.

7. Nilalayon ng K to 12 na pagyabungin ang paggamit ng mother tongue o yaong lengwaheng gamit sa lugar ng mga mag-aaral. Halimbawa, Ilokano sa Ilocos Region, Tagalog sa Bulacan o Bicolano sa Camarines Norte. Gagamitin ang mother tongue sa Kinder; sa lahat ng subjects mula Grade 1 hanggang Grade 3 maliban sa Filipino at English subjects. Pagdating ng Grade 4 tsaka gagamitin ang Filipino at English bilang lenggwahe ng pagtuturo.

8. Makikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Edukasyon sa iba’t-ibang kolehiyo, unibersidad at technical-vocational institutions upang makagamit ng mga pasilidad at mga guro na magtuturo.

9. Ang mga pribadong paaralan ay gagamit din ng K to 12 program. Inaasahan ang aktibong partisipasyon ng gobyerno sa pinapatupad na itong programa.  Isang Joint Oversight Committee mula Senado at Kongreso ang bubuuin upang masiguro ito.

Sa totoo lang, napakaganda ng programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon. Di maiiwaasang marami ang tutol dito, pero ganun naman talaga ang mga tao kapag may pagbabago. May kahiligan tayong panatilihin ang kung anong pamilyar sa atin. Di pa nasusubukan ang K to 12 kaya marami ang di bilib dito. Pero iba ako. Naniniwala akong maganda ang madudulot ng K to 12 na ito upang mabago ang lebel ng edukasyon dito sa ating bansa. At saka kung tutuusin, maraming mga estudyante ang di natatapos ang kanilang pag-aaral, lalo na pagdating ng kolehiyo. Ang K to 12 ay magandang programa para maitama ang problemang ito. Di man matapos ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa kung anumang dahilan, maaari silang magtrabaho na pagkatapos ng hayskul. Maganda ang programang K to 12 dahil diyan at sa marami pang dahilan. Ang dapat na nga na lang gawin ay taasan ng ating gobyerno ang budget sa edukasyon upang maisakatuparan ng maayos ang programang ito, makiisa ang mga magulang sa panuntunan ng programa, pagbutihin ng ating mga dakilang guro ang kanilang pagtuturo at galingan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Gawin sanang motibasyon ng mga mag-aaral ang kagandahan ng programang ito. Hindi ba’t mas masarap mag-aral lalo na kung alam mong may napaganda at napakabuti itong maidudulot sa’yo?

Eleksyon 2013

Eleksyon 2013

Sa darating na Lunes, Mayo 13, 2013, ay araw na naman ng eleksyon. Magpupunta ang mga dati nang bumoboto kasama ng mga bagong botante sa kani-kanilang presinto upang iboto ang mga kandidato na gusto nilang maluklok sa gobyerno. Midterm election ang tawag sa magaganap na eleksyon sapagkat nasa kalagitnaan pa lamang ang panahong ito sa termino ng kasalukuyang presidente. Napakaimportante ng mangyayaring eleksyon sapagkat ito ay sumisimbolo na buhay ang demokrasya sa bansa.

Ano ba ang eleksyon? Ayon sa Brittanica Encyclopedia, ang eleksyon ay isang pormal na proseso ng pagpili ng tao sa pampublikong pangangasiwa (public office) o ng pagtanggap o pagtanggi sa isang politikal na proposisyon sa pamamagitan ng pagboto. Isa ang Pilipinas sa mga bansang nagsasagawa ng prosesong ito upang magluklok ng mga mamamayan sa pwesto.

Sa darating na halalan, boboto ang mamamayan ng mga sumusunod:

  • Labindalawang (12) senador (senators)
  • Isang (1) party list
  • Isang (1) kongresista
  • Isang (1) gobernador (governor; para sa mga nasa probinsiya)
  • Isang (1) bise gobernador (vice governor; para sa mga nasa probinsiya)
  • Provincial board members [ang bilang nito ay¬† depende sa lugar ng pagbobotohan; para sa amin sa San Jose del Monte, Bulacan, tatlo (3) ang kailangan]
  • Isang (1) alkalde (mayor)
  • Isang (1) bise alkalde¬†(vice mayor)
  • Konsehal [councilor; ang bilang ng konsehal na ibuboto ay depende rin sa lugar ng pagbobotohan; sa amin dito sa San Jose del Monte, anim (6) ang kailangan]

May napili ka na bang mga kandidatong iboboto? Kung wala pa, ayos lang yan. Pag-isipan mo muna ng maigi ang mga gusto mong iluklok sa kapangyarihan. Pero bago yan, alamin mo munang maigi kung ano ba ang tungkulin ng mga tatakbuhan nilang posisyon. Kailangang malaman ng lahat na ang pinakanatatanging kapangyarihan ng mga kongresista at senador ay gumawa ng mga pambansang batas na huhubog sa bawat aksyon at desisyon ng mga mamamayan. Kailangan din nating malaman na ang alkalde ang pinakaresponsable sa pangangasiwa ng mga proyekto, regulasyon at iba pang bagay na ikauunlad ng kanyang nasasakupang munisipalidad o siyudad. Ang gobernador naman ay ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaang probinsiyal.

Sunod mong gawin, kilalanin ang mga tumatakbo sa iba’t-ibang pwesto ng gobyerno. Tandaan ha. Wag lamang babase sa popularidad. Bumase sa kakayahan. Wag babase sa kung kaninong mataas na opisyal nakadikit ang pangalan. Bumase sa track record. Higit sa lahat, bumase ayon sa galing mamuno at taos sa pusong paglilingkod.

Sa mga naisipan at nagdesisyong tumakbo ngayong eleksyon, heto ang para sa inyo: Hindi pwede yung literal na uupo lamang kayo at walang gagawing aksyon habang nasa pwesto. Mahalaga ang inyong katungkulan at dahil pinili ninyong tumakbo, maigi lamang na hangarin namin ang matalinong pagpapasya at pagpaplano ukol sa mga bagay na magpapabuti sa amin, pati na rin ang mabilisan pero wastong aksyon sa lahat ng panahon. Ayaw naming magrireklamo kayo tungkol sa inyong tungkulin. Pinili ninyong magsilbi kaya dapat unahin ninyo ang iba kaysa sa sarili ninyo. Mahiya kayo kung hindi iyan ang nasa isip at puso ninyo. Buhay at kinabukasan ng mamamayan ang nakataya sa inyong magiging mga desisyon at aksyon.