Larawan

Bohol, Philippines

Bohol, Philippines

Isang salawikain ang nagsasabing kayang ipinta ng isang larawan ang isang libong salita. Totoo ito. Sa bawa’t larawan o litrato kasing nakukuha, maraming kwento ang mahihinuha. Sa bawa’t nahuling galaw ng ngiti, ekspresyon ng mga mata, kumpas ng mga kamay at postura ng katawan ay nagbibigay kahulugan sa imahe ng mga taong makikita sa isang larawan. Bawa’t kulay at anino ay nagbibigay-diin sa bawa’t detalyeng makikita sa larawan. Bawa’t anggulo ay sumisenyas kung saan ilalagay ang atensyon sa pagtingin sa isang larawan. Aminin nating hindi lahat ng larawan ay maganda kaya’t bigyan natin ng halaga ang bawa’t isang magandang larawan. Alam naman nating sa likod ng bawa’t imaheng makikita sa isang larawan ay may kwento itong kasama.

Buong Pamilya sa Hong Kong!

Buong Pamilya sa Hong Kong!

Sino ang nakaimbento ng litrato?

Ang larawan o litrato ay nalilikha sa pamamagitan ng paggamit ng camera. Kaya ating malalaman ang kasaysayan nito sa imbensyon ng camera. Ayon sa Wikipedia, si Joseph Nicephor Niepce, isang imbentor na Pranses ang siyang unang nakalikha ng isang permanenteng larawan na kuha sa kamerang naimbento naman nina Charles at Vincent Chevalier noong taong 1826.

Narito pa ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa pagkakagawa ng kamera:

1837– Nakalikha ng larawan si Jacques Mande Daguerre sa pamamagitan ng kanyang kamera na tinatawag na Daguerreotype. Hindi umano kumukupas ang larawang kuha mula rito at kinailangan lamang ng 30 minuto ng exposure.

1841– Nilikha ni William Henry Talbot ang prosesong tinatawag na Calotype– ang kauna-unahang negative-positive printing process na naglalayong makapag-develop ng maraming kopya ng isang larawan.

1851– Nilikha ni Frederick Scott Archer ang prosesong tinatawag na Collodion process, na nangangailangan lamang ng 2-3 segundo ng exposure sa ilaw na nanggaling sa araw upang makuha ang larawan.

1871– Inimbento ni Richard Leach Maddox ang prosesong tinatawag na gelatin dry plate silver bromide process kung saan di na kinakailangang ipa-develop agad ang negatibo para makalikha ng larawan.

1880- Itinatag ang Eastman Dry Plate Company, na isa sa magtataguyod ng pag-unlad ng camera.

1888– Inimbento ng Eastman ang Kodak roll film camera.

1900– Inilabas ang unang mass-marketed camera na tinatawag na Koday Brownie.

1913-1914– Ang kauna-unahang 35mm still camera ay nagawa

1927– Ang kumpanya ng kuryenteng tinatawag na General Electric ay nakaimbento ng isang modernong flash bulb na naglalayong mas mabigyan ng liwanag ang larawang kinukuha.

1948- Naimbento ni Edwin Land ang Polaroid camera.

1963– Inilbas ng Polaroid ang tinatawag na instant colour film

1978– Inimbento ng Konica ang point and shoot auto focus camera

1980– Nagdaos ng demonstrasyon sa paggamit ng camcorder ang kumpanyang Sony.

1984– Ipinakita naman ng Canon ang tinatawag na electronic still camera.

1985– Inilabas ng Pixar ang digital imaging processor.

1990– Inilabas ng Kodak ang tinatawag na photo CD bilang digital image storing device

Siete Picados, Coron, Palawan

Siete Picados, Coron, Palawan

Sa ngayon, tila pinakaginagamit na ng mga tao ang tinatawag na digital photography sa pamamagitan ng mga cell phone at digital camera. Ayon sa Wikipedia, and digital photography ay gumagamit ng electronic photodetectors upang kumuha ng larawang nai-focus ng lente ng kamera. Ang nakuhang larawan ay nadi-digitize at naiaambak bilang isang computer file na maaari nang makita agad, i­-proseso o kaya i-print.

Shameless plug

Alam natin ang kahalagahan ng larawan at magandang malaman na may mga taong gumagawa ng magandang paraan para mas mabigyan ng atensyon ang mga larawang nakuha at palaging maalala ang mga kwento sa likod nito. Sila yung mga taong gumagawa ng photo-book. Inilalapat at inoorganisa nila ang mga larawan at inaayos ang paglalagyan ng mga ito sa isang libro na tinatawag ngang photo-book.

Projects by Jennifer Dumaraos

Projects by Jennifer Dumaraos

Dalawa sa mga pasyon ng aking kasintahan ay ang pagkuha ng mga larawan at pag-aayos ng mga ito sa isang photo-book. Maaari kayong magpagawa sa kanya upang maranasan n’yo ang pagbalik sa nakaraan sa pamamagitan ng pagtingin muli sa mga larawan na nasa isang magandang libro. Bisitahin n’yo ang kanyang website, ang http://projectsbyjennifer.portfoliobox.me/projects-by-jennifer_home-page upang makita ninyo ang ilan sa mga kuha n’yang litrato mula sa iba’t-ibang panig ng ating bansang Pilipinas at Korea. Inyo ring mamamalas doon ang ilan sa nagbigay-tiwala sa kanyang kakayahan sa pagkuha ng mga larawan. Tulad ng sinabi ko kanina sa itaas, isa itong promosyon, pero layunin ko ring makatulong sa mga taong nagtataka kung ano ang photo-book pati na ang mga naghahanap sa mga taong gumagawa nito. Alam nating kakaibang ligaya at saya ang naidudulot ng mga larawan kaya marapat lang na ating malaman ang tungkol dito.

Panglao, Bohol

Advertisements

Resolusyon

Resolusyon

Bagong taon, bagong buhay.

Ang linya sa itaas ang isa sa mga pinakasinasambit ng mga tao tuwing magpapalit ang taon. At dahil 2013 na, pinag-uusapan ng marami ang kanilang new year’s resolution, o ang resolusyon na gusto nilang gawin para sa ikabubuti ng kanilang mga sarili. Tiyak din na ganyan ang tanong ng mga guro sa mga estudyante nila pagkapasok sa eskwela. Napagku-kwentuhan din yan minsan ng mga magkakaibigan.

Nakakatuwang isipin na buhay hanggang ngayon ang tradisyon na ito. Ibig sabihin, gusto pa rin ng mga taong baguhin ang mga di katangi-tangi sa kanila. Pero minsan, hindi maiiwasang di na agad naipagpapatuloy ang anumang resolusyon na naisip sapagkat nahirapan na o nakalimutan na lang bigla.

Naalala ko tuloy, madalas din akong gumawa ng resolusyon noon. Madalas sa isipan ko lang nilalagay at sinusubukan ko nalang alalahanin para magawa ko. Pero, tulad ng marami, nakalilimutan ko rin ang mga iyon at patuloy pa rin sa dati kong ginagawa.

Pag nangyari yan, maghihintay na naman ba uli tayo ng bagong taon para magbago?

Dapat lang na hindi ang sagot natin d’yan.

Di naman kailangang tuwing bagong taon lang magbabagong buhay. Kung may mga di tayo magagandang asal na gustung-gusto nating baguhin, maaari tayong magsimula anumang araw ng taon. Kung magkakaroon lamang tayo ng matinding kumbiksyon, magagawa natin ang mga ‘to. Magandang gawin din na humingi ng gabay sa Maykapal para mas gumaan ang mabigat na pagbabagong gagawin natin. Di rin masamang humingi ng suporta mula sa pamilya at mga kaibigan dahil ang mabubuting salitang manggagaling sa kanila ay magsisilbing lakas natin sa kung anumang hirap na susuungin natin.

Ano kayang pwede nating gawin para maiwasang tumigil sa naplano na nating gawin na resolusyon?

Makatutulong marahil na magsimula tayo sa maliliit na bagay na gustong baguhin. Halimbawa, palaging nalilimutang dalhin ang ID sa eskwela. Bakit hindi ito ilagay agad sa bag pagkauwi, o kaya isama sa lagayan ng mga accessory (relo, hikaw, atbp.) na isinusuot bago pumasok nang nakikita ito lagi? Madaling pamamaraan, di ba? Isa pang halimbawa, gusto mong bawasan ang paggastos mo ng iyong pera. Bakit hindi subukang magbaon paminsan-minsan, sa eskwela man o trabaho? Matitiyak mo pang malinis ang kakainin mo, di ba?

Sa totoo lang, parang ang dali-daling gawin ng mga naiisip nating baguhin. Yun nga lang, mahirap talaga sa katotohanan. Basta wag na wag lang nating kalimutan ang mga gusto nating makamit at tiyaking di titigil hanggang sa makuha ito.

Top TV Shows ng Taong 2012

Pagkatapos ng listahang ginawa ko para sa mga pinakanagustuhan kong kanta noong nakaraang taon, isusunod ko naman itong listahan ko ng pinakamagagandang palabas sa telebisyon noong 2012.

Mapapansin n’yong halos lahat ng mga nakalista rito ay mga programang napapanood sa Amerika. Sa kadahilanang di ako madalas na nakapapanood ng palabas sa telebisyon tuwing gabi o yung tinatawag na primetime (lalo na sa umaga’t hapon kung kailan ako’y nasa aking mahal na trabaho pa), di ko na naaabangan ang mga magagandang programang ipinapalabas sa local TV. Kayo na lamang magdagdag ng kung ano ang sa tingin ninyong dapat napasama dito sa listahan kong ito.

Tulad nung una kong top list sa blog kong ito, hango rin ang mga nakalagay dito sa isa ko pang blog. Basahin ninyo dito kung bakit ang mga programang ito ang pinakanagustuhan ko noong taong nagdaan.

#10 AMERICAN IDOL

American_Idol_Title_Card

#9 KRUSADA (kasama na rin ang iba pang mga dokumentaryong ipinapalabas sa ABS-CBN, GMA, GMA NEWS TV at TV 5)

Krusada

 #8 NASHVILLE

Nashville_logo

 #7 DEXTER

Dexter-Season-8

#6 MODERN FAMILY

Modern Family

#5 THE VOICE

The Voice 2012

#4 THE WALKING DEAD

The Walking Dead - Season 3 - Poster Art - Frank Ockenfels/AMC

 #3 THE BIG BANG THEORY

Big Bang Theory

#2 BREAKING BAD

Breaking_Bad_S5_Poster

#1 AMERICAN HORROR STORY

American-Horror-Story-poster-Asylum

Top 25 Songs ng Taong 2012

Ilang taon na ang nakararaan mula nang simulan kong isang tradisyon ang paggawa ng listahan ng mga pinakanatatangi sa larangan ng musika, telebisyon at pelikula. Hindi ako isang kritiko ng mga nabanggit, ngunit gusto ko lamang ibahagi ang mga nagugustuhan kong mga kanta, palabas sa telebisyon at pinilakang tabing.

At bilang unang blog post ko rito sa Alamin Mo Kasi para sa taong ito, aking isasalaysay ang pinakanagustuhan kong mga kanta noong nagdaang taon ng 2012. Basahin ninyo ang mga kadahilanan kung bakit ko nagustuhan ang mga kantang ito rito sa isa ko pang blog.

Kung sang-ayon ka o hindi sa mga inilagay ko rito, magkomento ka sa ibaba. Salamat!

#25- WHAT MAKES YOU BEAUTIFUL ng One Direction

What Makes You Beautiful

#24- MADNESS ng Muse

Muse_-_Madness

#23- A THOUSAND YEARS nina Christina Perri at Steve Yazzi

AThousand_Years

#22- UP ni James Morrison kasama si Jessie J

200px-James-morrison-jessie-j

#21- 50 WAYS TO SAY GOODBYE ng Train

Train_50_Ways_to_Say_Goodbye

#20- LET ME LOVE YOU (UNTIL YOU LEARN TO LOVE YOURSELF) ni Ne-Yo

220px-Let_Me_Love_You_(Until_You_Learn_to_Love_Yourself)

#19- WANTED ni Hunter Hayes

Hunter_Hayes_-_Wanted

#18- GIVE YOUR HEART A BREAK ni Demi Lovato

220px-Give_Your_Heart_a_Break

#17- STATE OF GRACE ni Taylor Swift

Taylor_Swift_Fourth_Promotional_Single_State_Of_Grace

#16- SO EASY ni Phillip Phillips

The_World_from_the_Side_of_the_Moon

#15- NO ONE WILL EVER LOVE YOU nina Connie Briton at James Eston

Nashville_logo

#14- MY WEAKNESS ni Kris Allen

Thank_you_camellia

#13- HALL OF FAME ng The Script kasama si Will.I.Am

220px-Halloffamethescript

#12- SAD ng Maroon 5

220px-Maroon-5-overexposed

#11- I WON’T GIVE UP ni Jason Mraz

I_Won't_Give_Up_Jason_Mraz

#10- WHEN CAN I SEE YOU AGAIN ng Owl City

when can I see you again

#9- DARK SIDE ni Kelly Clarkson

220px-Dark_Side_Single_Cover

#8- TWO BLACK CADILLACS ni CARRIE UNDERWOOD

TwoBlackCadillacs

#7- LIGHTS ni Ellie Goulding

220px-Lights_Ellie_Single

#6- DRIVE BY ng Train

DriveBy

#5- SIRENA ni Gloc 9 kasama si Ebe Dancel

Sirena

#4- HOME ni Phillip Phillips

Home

#3 DAYLIGHT ng Maroon 5

Maroon_5_-_Daylight

#2 TITANIUM ni David Guetta kasama si Sia

Titanium

#1 THE VISION OF LOVE ni Kris Allen