Selfie-selfie rin pag may time!

"Genius-selfie" mula sa website na http://www.talkceltic.net/forum/archive/index.php/t-45891-p-36.htmlIlang beses na siguro nating narinig ang katagang selfie sa mga kaibigan, kasamahan, kapamilya o kakilala natin. Marami ring personalidad sa telebisyon ang nabanggit na ito, sa balita man o hindi. Ano ba ang selfie? At ano ang implikasyon nito sa ating mga sarili?

Ano ang SELFIE?

Ang selfie ay ang pagkuha ng laraw sa saril gamit ang cellphone o kaya digital camera. Kadalasang nilalabas o pinapakita ito sa mga social networking site tulad ng Instagram at Facebook. Madalas umanong kaswal ang kuha nito gamit ang camera na hawak palayo sa sarili ng kumukuha o kaya naman sa harap ng salamin.

Saan nagmula ang katagang ito?

Ayon sa Wikipedia, ang katagang ito ay pinauso ng designer/photographer na si Jim Krause. Sa umpisa raw ay mas popular ito sa mga kabataan. Nang naglaon, ginagawa na rin ito ng mga mas nakatatanda. Sinabi naman sa Time Magazine na isa sa Top 10 Buzzwords ng 2012 ang katagang ito. At ngayon ngang 2013 ay halos araw-araw na itong naririnig sa mga bibig ng mga tao, maging tayong mga Pilipino.

Ano ang indikasyon sa ating mga sarili ng selfie?

Isa bang indikasyon ang selfie kung gaano kamahal ng tao ang kanyang sarili, mula hitsura hanggang tindig? Sa totoo lang, wala namang masama kung tutuusin ang pagkuha ng selfie. Natural na mahalin natin ang ating sarili at ipakita ang nararamdaman nating ito sa iba. Sa aking palagay, nagiging di kanais-nais lamang ito pag sobra-sobra na. Paanong sobra-sobra? Di pa natatapos ang araw, may panibagong selfie na naman. Wala sanang problema kung nakatago lamang ito sa cellphone o camera pero hindi. Kailangang ipangalandakan sa lahat-lahat. Parang sarili at sarili na lang lagi ang iniisip. Nakakasuya na ag ganun, hindi ba?

Isang Magandang Artikulo

Isang linggo na ang nakararaan, nabasa ko ang isang artikulong may kaugnayan sa selfie sa website na rappler.com. Pamagat ng artikulo ay 7 Signs You Might Be A Narcissist. Ito ay akda ni Chinie H. Diaz, na in-interview ng TV 5 para sa isang segment ng kanilang programang tinatawag na Reaksyon tungkol sa selfie dahil na rin sa mga larawang nilikha n’ya tungkol dito. Sa nabanggit na segment din daw ay may in­-interview na isang psychologist at sinabi umano nito na ang sobra-sobrang pagkuha ng selfie ng isang tao ay maaaring senyales ng pagkakaroon ng narcissistic personality disorder.

Ano ang narcissistic personality disorder (NPD)? 

Ayon sa isang artikulo mula sa behavenet.com, ang NPD ay isang sakit sa utak kung saan ang taong mayroon nito ay may labis-labis na persepsyon kung gaano sila kaimportante. Inaasam nilang kalugdan at tingalain ng iba samantalang mayroon lamang silang maliit na kapasidad na ikagalak ang prespektibo ng iba.

Balik sa artikulong nabanggit kanina, ang 7 senyales na isa kang narcissist ay ang mga sumusunod:

  1. Di ka mabuting tagapakinig.
  2. Ibinababa mo ang iba upang maiangat mo ang iyong sarili.
  3. Iniisip mong di ka sakop ng mga patakaran.
  4. Di mo kayang tanggapin nang maluwang ang kritisismo.
  5. Umiidolo ka ng iba hanggang sa puntong perpekto ang turing mo sa taong iyon.
  6. Tinatago o nagsisinungaling ka tungkol sa iyong kabataan at kasaysayang pampamilya.
  7. Desperado kang laging may kontrol sa mga bagay-bagay sa paligid.

Marami ba sa mga nabanggit ay maituturing mong ikaw? Panahon na siguro na tingnan mo ang sarili mo. Hindi sa paraang angat na angat ka sa iba sa puntong dapat kang kalugdan ha, kundi sa paraang ano kaya ang iniisip ng iba tungkol sa iyo. Masyado na bang sarili at sarili mo, hitsura at hindi ugali na lamang ba ang iniintindi mo? Isip-isip din pag may oras. Bisita rin sa kinauukulan pag sobra-sobra na. Mahirap ang mabuhay sa sariling mundo ng pagiging makasarili.

Gusto ko sanang tapusin ang blog entry kong ito sa pamamagitan ng paglagay ng larawan kong isang selfie. Kaya lang, nagbago isip ko. Hehehe.

About these ads

8 thoughts on “Selfie-selfie rin pag may time!

  1. Palagay ko ang konsepto ng ‘selfie’ ay di lamang limitado sa mga larawan (hanggang nag-laon nauso ang Gwiyomi atbp.). Sa malamang din, naipanganak na ito, bago pa nauso ang Instagram. Ang simpleng pag-post ng status sa fb o tweet sa Twitter ay mismong balangkas na pinagguguhitan ng ‘selfie’. Ang demokrasyang ipinangako ng ‘social media platform’ ang nagtulak sa ganitong indibidwalistikong pagtingin sa sarili at sa imaheng ipinahiwatig nito.

    Maaaring hindi masama sa una ang selfie, ngunit sa palagay ko, nagiging masama ito hindi dahil ginagawa ito mula sa paggising hanggang sa pagkain, maging sa pagsukat ng damit, at pagtu-toothbrush, kundi dahil sa hinihiwalay nito ang sarili sa tunay na tutok sa kuwento at isyu ng paligid lalo na ng lipunan. Na ‘pag naglaon, kakainin na ng ‘selfie’ ang diwa ng pagkakawanggawa at bayanihan. Higit pa roon, ang ‘selfie’ ang mag-aangat sa paggayak ng indibidwal sa konsumerismong pagpapalakad ng isang panig ng lipunan. Lahat ay nakatuon lamang sa imahe, at hindi sa mensaheng kaakibat nito. :)

  2. tama ka jan jennifer pangit kasi sabihn na ung selfie na kahulugan eh self-centered,,siguro ung mga taong gusto lang magpapic ay iba ung intention nila it doesn’t mean na self-centerd ka, kaya nga may fb at iba pang social network, hindi purkit nagpapic ka ganon na tingin..we have different perception in life kaya wag naman batikusin ung mga taong nagseselfie ok..siguro ung word na to ginawan ng meaning eh pangit ung tao na un sorry to say tthat word

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s