Prediksyon sa Oscars 2013

Sa ikalawang taon ng blog kong ito ay nais kong ipagpatuloy ang panghuhulang ginawa ko noong isang taon tungkol sa mga mananalo sa Academy Awards o Oscars sa Amerika. Tara’t sabay-sabay tayong manghula sa iba’t-ibang kategorya sa ibaba.

life-of-piBEST PICTURE. Tulad nung isang taon, napanood kong lahat ang mga kalahok para sa pinakamagandang pelikula noong 2012. Nagandahan ako sa lahat ng mga nominado, pero aaminin kong ang huli sa mga iyon ay ang Lincoln ni Steven Spielberg. Nakakaaliw ang ilang eksena ng nabanggit na pelikula pero masasabing mas habol nitong magturo ng kasaysayan kaysa mang-aliw. Sa mga nominado, pinakanagustuhan ko ang Life of Pi lalo’t napanood ko ito sa 3D. Ang galing ng pagkakagawa ni Ang Lee sa pelikulang ito! Sayang nga lamang dahil sinasabing matatalo ito ng magaling din namang Argo ni Ben Affleck.

Lincoln_2012_Teaser_PosterBEST ACTOR. Napanood ko ang pagganap ng mga kalahok dito sa kani-kanilang pelikula. Mamamangha ka kay Bradley Cooper sa nakaaaliw na pagganap n’ya bilang isang lalaking may kondisyong Bipolar Disorder sa pelikulang Silver Linings Playbook. Magagalingan ka naman kay Joaquin Phoenix bilang isang kakaibang alagad ng isang cult leader sa The Master. Magaling din sina Hugh Jackman (Les Miserables) at Denzel Washington (Flight) sa kani-kanilang pelikula pero higit na magaling ang ibang tatlong nominado sa kanila. Walang duda na mag-uuwi ng parangal ngayong taon ay si Daniel Day-Lewis dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang Abraham Lincoln sa LincolnKung nominado rin siguro si John Hawkes dahil sa kanyang napakagaling na pag-arte sa The Sessions ay di masisigurong maiuuwi nga ni Day-Lewis ang parangal na ito sa pag-arte.

Amour-poster-frenchBEST ACTRESS. Paborito ko si Jennifer Lawrence (Silver Linings Playbook) simula pa nung magbida siya sa Winter’s Bone ilang taon na ang nakararaan. Magaling siya sa pelikulang iyon at simula noon, natatangi ang kanyang pagganap sa mga pelikulang kanyang sinasalihan. Magaling at talagang naaayon ang kanyang pagganap sa Silver Linings Playbook kaya’t di ako magtataka kung siya ang mag-uwi ng tropeo bilang pinakamagaling na aktres. Pero, malaki rin ang laban ni Jessica Chastain sa kanyang magaling na pagganap bilang agent na nasa likod ng pagkakapatay sa teroristang si Osama bin Laden sa pelikulang Zero Dark Thirty. Nakaiiyak ang pagganap ni Naomi Watts sa The Impossible at nakatutuwa naman si Quevenzhane Wallis sa Beasts of the Southern Wild. Ganunpaman, sa 5 nominado, pinakamagaling talaga ang batikang aktres na Pranses na si Emmanuelle Riva sa kanyang natatanging pagganap sa Amour.

Django_Unchained_PosterBEST SUPPORTING ACTOR

Lahat ng mga nominado sa kategoryang ito ay nanalo na noon sa Oscars kaya kung angking galing ang pag-uusapan, walang maiiwan sa kanila. Ang pinakanatatangi nga lamang sa pagganap ay mapupunta kay Christoph Waltz dahil sa kanyang pagganap bilang isang bounty hunter sa pelikulang Django Unchained.

 

 

les-miserables-movie-poster1BEST SUPPORTING ACTRESS

Gusto kong manalo si Helen Hunt sa kategoryang ito dahil sa kanyang napakagaling na pagganap bilang isang sex surrogate sa pelikulang The Sessions. Ngunit, may mas magaling sa kanya sa katauhan ni Anne Hathaway na talagang damang-dama ang emosyong nais ipakita ng kanyang karakter sa Les Miserables. At yun ay habang kumakanta pa.

 

life-of-piBEST DIRECTOR

Kung sakaling matalo ang Life of Pi sa Argo bilang pinakamagaling na pelikula, sana’y sa kategoryang ito bumawi ang pelikula sa katauhan ni Ang LeeTalagang napakagaling at napakaganda ng pagkakagawa sa pelikulang base sa nobela ni Yann Martel. Ang nobelang inakalang di magagawang isalin sa pelikula ay naisalin ng napakaganda ni Lee, kaya’t siya ang pinakanatatanging manalo sa karangalang ito.

 

w-i-ralphBEST ANIMATED FEATURE

Dalawa lamang sa mga nominado ang napanood ko pero ibibigay ko ang karangalang ito sa Wreck-It Ralph na isa sa mga pinakamagagandang animated feature na napanood ko simula pa nung bata ako.

 

 

 

Amour-poster-frenchBEST FOREIGN FILM

Dalawa pa lamang din ang napapanood ko sa kategoryang ito pero halata namang mananalo ang Amour ni Michael Haneke dito sapagkat ang pelikula lamang iyon ang nominado para sa Best Picture category. Maganda rin ang Kon-Tiki pero mas maganda ang Amour.

 

 

 

Django_Unchained_PosterBEST ORIGINAL SCREENPLAY

Malakas ang laban ni Quentin Tarantino para sa karangalang ito sapagkat nagawa niyang sagutin ang katanungang Ano kaya ang mangyayari kung may isang Amerikanong Itim ang tutugis sa mga Puting kriminal? Lubos na nakakaaliw ang kanyang pelikula at isa sa mga dahilan nito’y ang natatanging dayalogong nakapaloob dito. Kung di si Tarantino ang mananalo, ibibigay ko ang parangal kina Wes Anderson, Roman Coppola para sa nakatutuwang pelikula na Moonrise Kingdom o kaya kay Mark Boal ng nakakabilis ng pintig ng puso na Zero Dark Thirty.

Argo2012PosterBEST ADAPTED SCREENPLAY

Kailangang manalo ng Life of Pi sa kategoryang ito sapagkat sa screenplay na ginawa ni David Magee nahulma ang istorya ni Pi sa pelikulang natatangi ang pagkakagawa ni Ang Lee. Kung matatalo man siya, sana kay Chris Terrio ng Argo sapagkat napakaganda rin ng pagkakagawa rito.

 

 

life-of-piBEST ORIGINAL SCORE

Nakamamangha ang musical score na natunghayan ko sa Life of Pi kaya sa kanila ko ibibigay ang parangal na ito.

 

 

 

 

life-of-piBEST SOUND EDITING

Kung hindi Life of PiDjango Unchained o kaya Argo ang makakakuha ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

les-miserables-movie-poster1BEST SOUND MIXING 

Magaling ang pagkakahalu-halo at pagkakalapat ng tunog sa mga eksena sa Les Miserables.

 

 

 

 

 

life-of-piBEST PRODUCTION DESIGN

Life of Pi ang mag-uuwi ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

life-of-piBEST CINEMATOGRAPHY

Kung napanood mo lahat ng mga nominado sa kategoryang ito ay sasang-ayon ka sa aking ang Life of Pi ang may karapatang mag-uwi ng karangalang ito.

 

 

 

 

The_Hobbit-_An_Unexpected_JourneyBEST MAKE-UP AND HAIRSTYLING

Magtataka ako kung hindi The Hobbit ang magkamit ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

les-miserables-movie-poster1BEST COSTUME DESIGN

Kung hindi Les Miserables ay Lincoln ang mananalo rito.

 

 

 

 

 

Argo2012PosterBEST FILM EDITING

Walang duda na ang pelikulang Argo ang pinaka-suspenseful sa limang kalahok dito at nakatulong ng malaki ang magandang pagkaka-edit dito. May laban din naman ang Life of Pi at Zero Dark Thirty.

 

 

 

the-avengersBEST VISUAL EFFECTS

Dalawa ang mahigpit na maglalaban sa kategoryang ito at ang mga iyon ay ang The Avengers at Life of Pi.

 

 

 

 

Skyfall_posterBEST ORIGINAL SONG

Sinasabing ang Skyfall ni Adele ang mag-uuwi ng karangalang ito.

 

 

 

Ating abangan ang Oscars ngayong araw upang malaman kung tama ba ang aking mga hinulaang mananalo. 😀

Best Movies ng Taong 2012

Panahon na naman sa Amerika ng pagbibigay ng mga parangal para sa mga pelikula. At dahil hindi ko pa nakukumpleto noon ang listahan ng mga pinakamagagandang pelikula ng taong 2012, minabuti kong tapusin na nitong nakaraang araw ang aking post sa isa ko pang blog tungkol sa mga pinakamagagandang pelikulang naipalabas noong isang taon.

Marami akong napanood na pelikula sa nakalipas na taon kaya alam ko ang marami sa talagang magaganda pero aminado rin akong marami pang pinag-usapang pelikula ang di ko pa napapanood kahit sa internet. Ganunpaman, ang lahat ng nakalista rito ay aking napanood at bawa’t isa ay talagang may kakaibang galing at ganda.

Nasa listahan sa ibaba ba ang iyong paborito?

#20 THE HUNGER GAMES

The Hunger Games

#19 THE SESSIONS

The Sessions

#18 LES MISERABLES

les-miserables-movie-poster1

#17 SINISTER

sinister_movie_poster

#16 BEASTS OF THE SOUTHERN WILD

Beats-of-the-southern-wild-movie-poster

#15 KON-TIKI

Kon-tiki_2012_Poster

#14 I DO BI- DOO

i_do_bidoo_bidoo_theatrical_poster

#13 CABIN IN THE WOODS

cabin-in-the-woods-lionsgate

#12 WRECK-IT RALPH

w-i-ralph

#11 SILVER LININGS PLAYBOOK

Silver_Linings_Playbook_Poster

#10 THY WOMB

thy-womb-movie-poster-and-trailer

#9 ZERO DARK THIRTY

zerodarkthirty2012poster

#8 RUROUNI KENSHIN

rk

#7 AMOUR

Amour-poster-french

#6 THE AMAZING SPIDER-MAN

amazing_spiderman_2012-poster-9-www-getcovers-net_

#5 DJANGO UNCHAINED

Django_Unchained_Poster

#4 THE DARK KNIGHT RISES

dark-knight-rises-poster

#3 ARGO

Argo2012Poster

#2 THE AVENGERS

the-avengers

#1 LIFE OF PI

life-of-pi

Limang Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Panoorin ang The Avengers

  1. Pagsasapelikula ito ng isa sa mga pinakatinangkilik (at patuloy na tinatangkilik) na komiks ng Marvel. Kung nagustuhan mo ang X-Men, tiyak na magugustuhan mo rin ang mga karakter ng The Avengers. Di lang pagsasapelikula ha kundi isang napakagandang pagsasapelikula. Gusto ko tuloy na isunod naman nilang pansinin ang mga karakter sa X-Force at X-Factor, mga grupo rin ng mutant sa Marvel Universe.
  2. Napakagaling ni Joss Whedon, direktor at manunulat ng script ng The Avengers. Nagawa n’yang buhayin sa iisang pelikula ang mga bigating karakter ng komiks na tulad nina Captain America, Hulk, Iron Man at Thor na may kanya-kanyang matagumpay na pagsasapelikula. Maganda ang pagkakahabi n’ya ng istorya ng mga karakter na nabanggit kasama ng iba pa.
  3. May mga eksenang talagang mapapabilib ka dahil sa galing ng pagkakagawa. May mga eksena ring mapapamangha ka sa ganda ng nakikita mong visual effects. May mga eksena ring talagang hahagalpak ka sa tawa at tuwa.
  4. Nakakatuwa ang mga nagsipagganap sa mga bidang karakter sa pelikula. Pinapangunahan ni Robert Downey, Jr. bilang Iron Man, ang mga tanyag na aktor na sina Chris Evans (bilang Captain America), Chris Hemsworth (bilang Thor), Scarlett Johansson (bilang Black Widow), Samuel L. Jackson (bilang Nick Fury), Mark Ruffalo (bilang Incredible Hulk) at Tom Hiddleston (bilang Loki) ay talagang magaling ang pagganap sa kanilang mga karakter.
  5. Sulit na sulit ang ibabayad mo sa sinehan pag nanood ka nito, lalo na kung hanap mo ang isang palabas na hitik sa saya, aksyon at pakikipagsapalaran. May mga aral ka pang matututunan habang nanonood n’yan.

Para sa buong movie review sa wikang Ingles, puntahan ito.