Prediksyon sa Oscars 2014

20140303-074420.jpg

Taun-taon ay nagbibigay ang inyong lingkod ng listahan ng mga iniisip n’yang mga mananalo sa pinakaprestihiyosong manggagawad ng parangal para sa pinilakang tabing, ang Academy Awards o Oscars. Marami ang magagandang pelikulang naipalabas noong isang taon ngunit iilan lamang sa kanila ang magkakamit ng parangal.

20140303-073322.jpg

BEST PICTURE
Pinakagusto ko at pinakamaganda para sa akin ang pelikulang Gravity, pero ang tingin kong mananalo ay ang 12 Years A Slave.

20140303-073308.jpg

BEST DIRECTOR
Si Alfonso Cuaron, ang nagdirihe ng Gravity ang siyang mananalo.

20140303-073341.jpg

BEST ACTOR IN A LEADING ROLE
Bagamat napakagaling ni Matthew McConaughey sa pelikulang Dallas Buyers Club, ang parangal na ito ay natatangi para kay Leonardo diCaprio na pinakamagaling para sa karakter niyang Jordan Belfort sa pelikulang The Wolf of Wall Street.

20140303-073348.jpg

BEST ACTRESS IN A LEADING ROLE
Makukuha ni Cate Blanchett ang parangal na ito para sa napakagaling niyang pagganap sa Blue Jasmine.

20140303-073357.jpg

BEST ACTOR IN A SUPPORTING ROLE
Mukhang makukuha ni Jared Leto ang parangal na ito dahil sa pagganap niya bilang isang bading na may sakit na AIDS bagamat gustong-gusto ko sanang makuha ito ni Michael Fassbender na talagang nakakabilib sa 12 Years A Slave.

20140303-073404.jpg

BEST ACTRESS IN A SUPPORTING ROLE
Napakagaling ni Lupita Nyong’o sa kanyang pagganap sa 12 Years A Slave ngunit ang parangal na ito ay igagawad kay Jennifer Lawrence sa isa na namang nakakabilib na pagganap sa American Hustle.

20140303-073412.jpg

BEST FOREIGN LANGUAGE FILM
Sayang at di kasama sa mga nominado ang Blue is the Warmest Color na siyang gusto kong manalo ng parangal na ito. Maaaring ang The Hunt o The Great Beauty ang mananalo.

20140303-073442.jpg

BEST ANIMATED FEATURE FILM
Walang duda na iuuwi ng Frozen ang parangal na ito.

20140303-073308.jpg

BEST CINEMATOGRAPHY
Kung napanood ninyong lahat ang mga pelikulang kasama sa listahan ng mga nominado rito, masasabi ninyong Gravity ang dapat na mag-uwi ng parangal. Bagamat ayos lang din kung manalo ang 12 Years A Slave dahil napakaganda rin ng sinematograpiyang ipinakita rito.

20140303-073449.jpg

BEST COSTUME DESIGN
Natatangi ang mga damit na suot-suot sa pelikulang The Great Gatsby kaya’t maaaring sila ang mag-uwi ng parangal na ito.

20140303-073308.jpg

BEST FILM EDITING
Tatlo ang napupusuan kong mananalo nito: Gravity, 12 Years A Slave o kaya Captain Phillips. Napakaganda ng ginawang editing sa mga pelikulang iyan kaya kahit alin sa kanila ay gusto kong manalo.

20140303-073357.jpg

BEST MAKEUP AND HAIRSTYLING
Sa Dallas Buyers Club o Bad Grandpa mapupunta ang parangal na ito.

20140303-073308.jpg

BEST ORIGINAL SCORE
Sa totoo lang, dalawa ang gusto kong manalo rito: Gravity at Her

20140303-073457.jpg

BEST ORIGINAL SONG
Mas gusto kong manalo ang Happy ni Pharrell Williams higit sa Let It Go ng pelikulang Frozen.

20140303-073308.jpg

BEST PRODUCTION DESIGN
Iuuwi ng Gravity ang parangal na ito.

20140303-073504.jpg

BEST SOUND EDITING
Gravity o Captain Phillips ang mananalo rito.

20140303-073308.jpg

BEST SOUND MIXING
Gravity o Captain Phillips uli.

20140303-073308.jpg

BEST VISUAL EFFECTS
Sobrang ganda ng visual effects na ipinamalas sa Iron Man 3 at Star Trek bagamat maaaring Gravity uli ang manalo rito.

20140303-073322.jpg

BEST WRITING- ADAPTED SCREENPLAY
Walang dudang 12 Years A Slave ang mananalo nito.

20140303-073510.jpg

BEST WRITING- ORIGINAL SCREENPLAY
Gusto kong manalo rito ang Nebraska ngunit mas may tsansang Her ni Woody Allen ang mananalo.

***

Ito ang prediksyon ko ngayong taon sa Academy Awards. Tingnan natin kung makakarami ako ng tama. Hehe.

Prediksyon sa Oscars 2013

Sa ikalawang taon ng blog kong ito ay nais kong ipagpatuloy ang panghuhulang ginawa ko noong isang taon tungkol sa mga mananalo sa Academy Awards o Oscars sa Amerika. Tara’t sabay-sabay tayong manghula sa iba’t-ibang kategorya sa ibaba.

life-of-piBEST PICTURE. Tulad nung isang taon, napanood kong lahat ang mga kalahok para sa pinakamagandang pelikula noong 2012. Nagandahan ako sa lahat ng mga nominado, pero aaminin kong ang huli sa mga iyon ay ang Lincoln ni Steven Spielberg. Nakakaaliw ang ilang eksena ng nabanggit na pelikula pero masasabing mas habol nitong magturo ng kasaysayan kaysa mang-aliw. Sa mga nominado, pinakanagustuhan ko ang Life of Pi lalo’t napanood ko ito sa 3D. Ang galing ng pagkakagawa ni Ang Lee sa pelikulang ito! Sayang nga lamang dahil sinasabing matatalo ito ng magaling din namang Argo ni Ben Affleck.

Lincoln_2012_Teaser_PosterBEST ACTOR. Napanood ko ang pagganap ng mga kalahok dito sa kani-kanilang pelikula. Mamamangha ka kay Bradley Cooper sa nakaaaliw na pagganap n’ya bilang isang lalaking may kondisyong Bipolar Disorder sa pelikulang Silver Linings Playbook. Magagalingan ka naman kay Joaquin Phoenix bilang isang kakaibang alagad ng isang cult leader sa The Master. Magaling din sina Hugh Jackman (Les Miserables) at Denzel Washington (Flight) sa kani-kanilang pelikula pero higit na magaling ang ibang tatlong nominado sa kanila. Walang duda na mag-uuwi ng parangal ngayong taon ay si Daniel Day-Lewis dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang Abraham Lincoln sa LincolnKung nominado rin siguro si John Hawkes dahil sa kanyang napakagaling na pag-arte sa The Sessions ay di masisigurong maiuuwi nga ni Day-Lewis ang parangal na ito sa pag-arte.

Amour-poster-frenchBEST ACTRESS. Paborito ko si Jennifer Lawrence (Silver Linings Playbook) simula pa nung magbida siya sa Winter’s Bone ilang taon na ang nakararaan. Magaling siya sa pelikulang iyon at simula noon, natatangi ang kanyang pagganap sa mga pelikulang kanyang sinasalihan. Magaling at talagang naaayon ang kanyang pagganap sa Silver Linings Playbook kaya’t di ako magtataka kung siya ang mag-uwi ng tropeo bilang pinakamagaling na aktres. Pero, malaki rin ang laban ni Jessica Chastain sa kanyang magaling na pagganap bilang agent na nasa likod ng pagkakapatay sa teroristang si Osama bin Laden sa pelikulang Zero Dark Thirty. Nakaiiyak ang pagganap ni Naomi Watts sa The Impossible at nakatutuwa naman si Quevenzhane Wallis sa Beasts of the Southern Wild. Ganunpaman, sa 5 nominado, pinakamagaling talaga ang batikang aktres na Pranses na si Emmanuelle Riva sa kanyang natatanging pagganap sa Amour.

Django_Unchained_PosterBEST SUPPORTING ACTOR

Lahat ng mga nominado sa kategoryang ito ay nanalo na noon sa Oscars kaya kung angking galing ang pag-uusapan, walang maiiwan sa kanila. Ang pinakanatatangi nga lamang sa pagganap ay mapupunta kay Christoph Waltz dahil sa kanyang pagganap bilang isang bounty hunter sa pelikulang Django Unchained.

 

 

les-miserables-movie-poster1BEST SUPPORTING ACTRESS

Gusto kong manalo si Helen Hunt sa kategoryang ito dahil sa kanyang napakagaling na pagganap bilang isang sex surrogate sa pelikulang The Sessions. Ngunit, may mas magaling sa kanya sa katauhan ni Anne Hathaway na talagang damang-dama ang emosyong nais ipakita ng kanyang karakter sa Les Miserables. At yun ay habang kumakanta pa.

 

life-of-piBEST DIRECTOR

Kung sakaling matalo ang Life of Pi sa Argo bilang pinakamagaling na pelikula, sana’y sa kategoryang ito bumawi ang pelikula sa katauhan ni Ang LeeTalagang napakagaling at napakaganda ng pagkakagawa sa pelikulang base sa nobela ni Yann Martel. Ang nobelang inakalang di magagawang isalin sa pelikula ay naisalin ng napakaganda ni Lee, kaya’t siya ang pinakanatatanging manalo sa karangalang ito.

 

w-i-ralphBEST ANIMATED FEATURE

Dalawa lamang sa mga nominado ang napanood ko pero ibibigay ko ang karangalang ito sa Wreck-It Ralph na isa sa mga pinakamagagandang animated feature na napanood ko simula pa nung bata ako.

 

 

 

Amour-poster-frenchBEST FOREIGN FILM

Dalawa pa lamang din ang napapanood ko sa kategoryang ito pero halata namang mananalo ang Amour ni Michael Haneke dito sapagkat ang pelikula lamang iyon ang nominado para sa Best Picture category. Maganda rin ang Kon-Tiki pero mas maganda ang Amour.

 

 

 

Django_Unchained_PosterBEST ORIGINAL SCREENPLAY

Malakas ang laban ni Quentin Tarantino para sa karangalang ito sapagkat nagawa niyang sagutin ang katanungang Ano kaya ang mangyayari kung may isang Amerikanong Itim ang tutugis sa mga Puting kriminal? Lubos na nakakaaliw ang kanyang pelikula at isa sa mga dahilan nito’y ang natatanging dayalogong nakapaloob dito. Kung di si Tarantino ang mananalo, ibibigay ko ang parangal kina Wes Anderson, Roman Coppola para sa nakatutuwang pelikula na Moonrise Kingdom o kaya kay Mark Boal ng nakakabilis ng pintig ng puso na Zero Dark Thirty.

Argo2012PosterBEST ADAPTED SCREENPLAY

Kailangang manalo ng Life of Pi sa kategoryang ito sapagkat sa screenplay na ginawa ni David Magee nahulma ang istorya ni Pi sa pelikulang natatangi ang pagkakagawa ni Ang Lee. Kung matatalo man siya, sana kay Chris Terrio ng Argo sapagkat napakaganda rin ng pagkakagawa rito.

 

 

life-of-piBEST ORIGINAL SCORE

Nakamamangha ang musical score na natunghayan ko sa Life of Pi kaya sa kanila ko ibibigay ang parangal na ito.

 

 

 

 

life-of-piBEST SOUND EDITING

Kung hindi Life of PiDjango Unchained o kaya Argo ang makakakuha ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

les-miserables-movie-poster1BEST SOUND MIXING 

Magaling ang pagkakahalu-halo at pagkakalapat ng tunog sa mga eksena sa Les Miserables.

 

 

 

 

 

life-of-piBEST PRODUCTION DESIGN

Life of Pi ang mag-uuwi ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

life-of-piBEST CINEMATOGRAPHY

Kung napanood mo lahat ng mga nominado sa kategoryang ito ay sasang-ayon ka sa aking ang Life of Pi ang may karapatang mag-uwi ng karangalang ito.

 

 

 

 

The_Hobbit-_An_Unexpected_JourneyBEST MAKE-UP AND HAIRSTYLING

Magtataka ako kung hindi The Hobbit ang magkamit ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

les-miserables-movie-poster1BEST COSTUME DESIGN

Kung hindi Les Miserables ay Lincoln ang mananalo rito.

 

 

 

 

 

Argo2012PosterBEST FILM EDITING

Walang duda na ang pelikulang Argo ang pinaka-suspenseful sa limang kalahok dito at nakatulong ng malaki ang magandang pagkaka-edit dito. May laban din naman ang Life of Pi at Zero Dark Thirty.

 

 

 

the-avengersBEST VISUAL EFFECTS

Dalawa ang mahigpit na maglalaban sa kategoryang ito at ang mga iyon ay ang The Avengers at Life of Pi.

 

 

 

 

Skyfall_posterBEST ORIGINAL SONG

Sinasabing ang Skyfall ni Adele ang mag-uuwi ng karangalang ito.

 

 

 

Ating abangan ang Oscars ngayong araw upang malaman kung tama ba ang aking mga hinulaang mananalo. 😀

Prediksyon sa Oscars 2012

Panahon na naman ngayon para sa mga manonood ng pelikula na huminto, tumingin at manood ng pinakaprestihiyosong pagpaparangal sa mga natatanging pelikula sa buong mundo, ang Academy Awards o Oscars. At panahon na naman ngayon para magkunwari akong tunay na kritiko ng mga pelikula at hulaan ang mga mananalo sa nasabing palabas. Samahan n’yo ako sa paghula sa kung anu-anong pelikula ang magwawagi bukas.

BEST PICTURE. Napanood ko ang lahat ng mga nominado sa kategoryang ito at para sa akin, hindi lahat ay magaling. Di ko nagustuhan ang “Midnight in Paris” ni Woody Allen kaya tanggal na ito. Maganda ang “Extremely Loud and Incredibly Close” at “War Horse” ni Steven Spielberg pero di ako masyadong nagalingan. Isa lamang sa “The Help,” “The Artist,” “Moneyball,” “The Descendants,” “The Tree of Life” at “Hugo” ang hula kong mag-uuwi ng parangal na ito dahil sa kanilang galing at ganda. Gusto ko silang anim pero pinakagusto kong mag-uwi ng parangal ay ang “The Tree of Life” dahil sa napakaganda nitong sinematograpiya, napakagaling na pag-arte at natatanging kwento. Pero di rin masama kung maiuuwi ng mga gusto ko ring “The Artist” at “Hugo” ang parangal.

BEST ACTOR. Napanood ko rin lahat ng mga pelikula ng mga kalahok sa kategoryang ito at para sa akin, ang mananalo ay nasa pagitan lamang nina George Clooney (ng “The Descendants”) at Jean Dujardin (ng “The Artist”). Magaling si Gary Oldman sa “Tinker Tailor Soldier Spy” pero di ko gaanong nagustuhan ang kabuuan ng pelikula n’ya. Napakagaling din ni Brad Bitt sa “Moneyball” kaya lang, mukhang hindi siya ang pinapaborang manalo. Ang isang eksena ni Clooney sa “The Descendants” ay nagpapakitang napakagaling n’ya pero ang pagiging magaling naman sa kabuuan ng pelikula n’ya ang magpapawagi kay Jean Dujardin.

BEST ACTRESS. Tulad ng kategorya sa Pinakamagaling na Aktor, sa tingin ko’y dalawa lamang ang pinagpipilian para manalo sa parangal na ito. Tunay na kahanga-hanga si Meryl Streep sa kanyang pagganap bilang Margaret Thatcher sa “The Iron Lady” habang si Viola Davis naman ay talagang nakakabilib sa kanyang pagganap bilang isang katulong sa “The Help.” Sa huli, gusto kong ibigay ang parangal na ito kay Meryl Streep na halos taon-taon na lamang ay nanu-nomina.

 

BEST SUPPORTING ACTOR. Di na ito kailangang pag-isipan pa. Kahit napakagaling nina Max von Sydow sa “Extremely Loud and Incredible Close” at Nick Nolte sa “Warrior,” si Christopher Plummer ang mag-uuwi nitong parangal sa pagganap n’ya bilang isang lalaking nagladlad lamang ng kanyang tunay na katauhan noong siya’y 75 taong gulang na.

 

 

 

BEST SUPPORTING ACTRESS. Gustung-gusto ko ang pagganap nina Berenice Bejo sa “The Artist” at Jessica Chastain sa “The Help,” pero ang parangal na ito ay natatangi lamang kay Octavia Spencer bilang isang palabang katulong sa “The Help.”

 

 

 

 

BEST DIRECTOR. Gusto kong ibigay ang parangal na ito kay Terrence Malick para sa “The Tree of Life” o kay Martin Scorcese para sa “Hugo” pero tingin ko’y si Michel Hazanavicius ang magwawagi nito para sa “The Artist.”

 

 

 

 

BEST ANIMATED PICTURE FILM. Di ko napanood lahat ng pelikula sa kategoryang ito pero ibibigay ko ang parangal sa napakagaling na “Rango.”

 

 

 

 

 

BEST FOREIGN LANGUAGE FILM. Dalawa lamang sa limang nominado ang napanood ko (“A Separation” ng Iran at “Bullhead” ng Belgium) pero ito’y maiuuwi ng napakagaling na pelikula mula sa Iran.

BEST ORIGINAL SCREENPLAY. Gusto kong ibigay ang parangal na ito sa “A Separation” dahil talaga namang napakaganda ng pagkakahabi ng istorya nito kahit na tila mapupunta ang parangal sa “Midnight in Paris.”

 

BEST ADAPTED SCREENPLAY. Gusto kong maiuwi ng “Moneyball” ang parangal na ito.

 

 

 

 

 

 

BEST ORIGINAL SCORE. Tunay akong namangha sa film score ng “Hugo” at “The Artist” kaya sa palagay ko’y isa sa kanila ang mag-uuwi ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

BEST SOUND EDITING. Tila may nagsasabi sa aking makukuha ito ng “Hugo” o kaya ng “War Horse.”

 

 

 

 

 

BEST SOUND MIXING. Hindi ba ito katulad nung Best Sound Editing? Gayunpaman, ang hula kong mag-uuwi ng parangal na ito ay ang “Hugo.”

 

 

 

 

 

BEST ART DIRECTION. Gusto kong maipanalo ito ng “Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2” pero di kataka-taka kung manalo man ang “Hugo,” “The Artist” o “War Horse” dito sapagkat lahat sila’y nakakamangha rin sa kategoryang ito.

 

 

 

 

BEST CINEMATOGRAPHY. Sa tingin ko’y para lamang sa “The Tree of Life” ang parangal na ito. Wala ng iba pa.

 

 

 

 

 

BEST MAKE-UP. Kung ibabase ko lamang sa karakter ni Margaret Thatcher ang pagpili sa parangal na ito, tiyak na magwawagi ang “The Iron Lady.”

 

 

 

 

 

BEST COSTUME DESIGN. Wala akong ideya kung gaano kaganda ang mga sinuot na damit o gaano sila kapani-paniwala (base sa istorya) sa “Anonymous,” “W.E.” at “Jane Eyre” pero namangha ako sa kategoryang ito para sa “The Artist” at “Hugo.” Sa huli, tingin ko pa ring mananalo rito ang “Hugo.”

 

 

 

BEST FILM EDITING. Para sa akin, ang “The Artist” ang pinakamagaling sa kategoryang ito.

 

 

 

 

 

BEST VISUAL EFFECTS. Hindi kataka-taka kung bakit ang “Real Steel”, ang “Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2”, ang “Transformers: Dark of the Moon,” ang “Hugo” at ang “Rise of the Planet of the Apes” ang mga nominado sa kategoryang ito sa kadahilanang lahat sila ay talaga namang may napakagagaling na visual effects. Di man madaling mamili pero sa tingin ko’y ang “Transformers” ang mananalo nitong parangal.

 

 

Manood tayo ng Academy Awards bukas at alamin kung tatama ba ang mga hula kong mananalo. 🙂