Kontrobersyal na Cybercrime Law

Ngayong araw, Oktubre 3, 2012, ay sinimulang ipatupad ang isa na namang kontrobersyal na batas. Ito’y walang iba kung hindi ang Cybercrime Prevention Act of 2012 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Law. Alamin natin sa ibaba kung ano ito base sa mga nakalap kong impormasyon sa internet.

Ano ba ang Cybercrime Law?

Ayon sa isang artikulo ng Wikipilipinas, ang Republic Act No. 10175 o Cybercrime Law ay isang batas na naglalayong bigyang depinisyon at tapatan ng pagpaparusa ang mga krimeng naisasagawa sa pamamagitan ng internet, para na rin mapigilan at maiwasan ang pagkalat pa nito. Ayon sa Wikipedia, ang mga krimeng sakop ng batas ay ang mga sumusunod: cybersex, pornograpiya na umaabuso sa mga bata (child pornography), pagnanakaw ng pagkakakilanlan (identity theft) atillegal na paggamit ng datos sa cyberspace (illegal access to data).

Sino ang mga nagpanukala ng batas na ito?

Ayon pa rin sa nabanggit na artikulo ng Wikipilipinas, ang mga sumusunod ang mga pangunahing nagpanukala ng batas: Reps. Susan Yap (2nd District, Tarlac), Eric Owen Singson, Jr. (2nd District, Ilocos Sur), Marcelino Teodoro (1st District, Marikina City) at Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora).Ilan pa sa mga nagpanukala ay sina Reps. Gloria Macapagal- Arroyo (2nd District, Pampanga), Diosdado Arroyo (2nd District, Camarines Sur), Carmelo Lazatin (1st District, Pampanga), Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), Maximo Rodriguez, Jr. (Party-list, Abante Mindanao), Mariano Michael Velarde and Irwin Tieng (Party-list, BUHAY), Romeo Acop (2nd District, Antipolo City), Bernadette Herrera- Dy (Party-list, Bagong Henerasyon), Anthony Rolando Golez (Lone District, Bacolod City), Juan Miguel Arroyo (Party-list, Ang Galing Pinoy), Ma. Amelita Calimbas- Villarosa (Lone District, Occidental Mindoro), Antonio Del Rosario (1st District, Capiz), Winston Castelo (2nd District, Quezon City), Eulogio Magsaysay (Party-list, AVE), Sigfrido Tinga (2nd District, Taguig City), Roilo Golez (2nd District, Paranaque City), Romero Federico Quimbo (2nd District, Marikina City), Mel Senen Sarmiento (1st District, Western Samar), Cesar Sarmiento (Lone District, Catanduanes), Daryl Grace Abayon (Party-list, Aangat Tayo), Tomas Apacible (1st District, Batangas), Jerry Treñas (Lone District, Iloilo City), Joseph Gilbert Violago (2nd District, Nueva Ecija, Hermilando Mandanas (2nd District, Batangas), Ma. Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan) at Ma. Victoria Sy- Alvarado (1st District, Bulacan).

Dumaan din ang batas sa Senado. May mga balita na isang senador ang nagsingit ng probisyon tungkol sa tinatawag na online libel. Pero, kanya itong itinatanggi.

Noong Setyembre 12, 2012 ay inaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino R.A. 10175 upang maging ganap na batas.

Bakit ito naging kontrobersyal?

May nabasa akong isang tweet kahapon na nagsasabing, “Bawal nang magbigay ng sariling opinyon habang ang gumaya at kumopya mula sa sinabi ng iba ay pinapayagan?” Sa mga salitang iyan natin mababatid kung bakit kontrobersyal ang batas. Sinasabi nilang isang status update sa Facebook ay maaaring magpadala sa iyo sa kulungan. Isang retweet sa Twitter ay maaaring ituring kang kasabwat sa isang paninira sa kapwa.

Napakaraming biktima ang matutulungan ng batas na ito pero marami rin ang maaaring mabiktima nito. May malilinis at magagandang mithiin ang batas panlaban sa mga krimeng nagagawa sa pamamagitan ng internet. Ngunit may probisyong ginawa rito, ang nabanggit na online libel nga, na maaaring magdulot ng pagkawala ng boses ng mamamayan sa pagpapahayag ng sarili. Isipin mo uli, maghayag ka lamang ng maituturing na nakasisira sa kapwa sa pamamagitan ng mga social networking site tulad ng Twitter at Facebook ay maaari ka ng kasuhan.

Nakatatakot ang maaaring mangyari ngayong pinapatupad na ang batas na ito. Maaaring may mga tao na nasa itaas na aabuso sa batas. Malaki kasi ang tsansang matakot ang mga taong magsabi ng kanilang saloobin laban sa iba’t-ibang personalidad kahit pa may bahid ito ng katotohanan sa takot na makulong. Sa madaling sabi, idudulot nito’y pagsasawalang-bisa ng ating kalayaang ihayag ang ating sarili sa internet. Tila mabubusalan tayo ng dahil lang sa isang probisyon sa batas na ito.

Ano ngayon ang gusto sana nating mangyari?

Walang iba kundi ang repasuhin ang batas na ito ng mga kongresista at senador. Di man nagawan ng paraan na pansamantalang ipahinto ang pagpapatupad nitong batas na ito, di pa naman huli ang lahat. Sana sa pagrepaso nito ay mapanatili ang magagandang salik at palitan o tanggalin ang parteng bumubusabos sa kalayaan nating magpahayag. Mabuti na lamang at may mga grupo at personalidad nang kumilos at patuloy na kumikilos para magawa ang gusto nating mangyari.

Sa totoo lang, tila pabaliktad ang nangyayari sa atin sa larangan ng pagpapahayag. Alam n’yo bang idineklara ng United Nations na isang karapatang pantao ang kalayaang maipahayag ang sarili sa pamamagitan ng internet ilang buwan na ang nakararaan? Ipinaalala yan ng ilan nating kababayan dahil nga sisimulan nang ipatupad ang kontrobersyal na batas na ating paksa ngayon. Baligtad na baligtad ito sa gustong ipatupad ng online libel na seksyon ng Cybercrime Law. Kaya sana, sana matauhan ang mga taong may kapangyarihang palitan o rebisahin ang batas sa pamamagitan ng deklarasyong iyan ng UN.

Sa ngayon, habang hindi pa natatanggal ang online libel sa batas na R.A. 10175 o Cybercrime Law, walang sawa akong magsasabi ng:

NO TO CYBERCRIME LAW!

 NO TO CYBER MARTIAL LAW!

REVISE CYBERCRIME LAW NOW!

Advertisements

8 thoughts on “Kontrobersyal na Cybercrime Law

  1. sa sarili ko lang pananaw, ang gusto lang namang saklawan ng batas na ito e yung mga cyber bullies. marami kasing kung magkomento ay below the belt na. gaya na lamang ng balitang tatakbong muli si loren legarda sa partido na ng liberal. ok lang naman na tawaging balimbing pwede pa yun. pero yung magsabi na puta yan o maghubad ka na lang. sobra na yun. yun naman ang nilalayon ng batas na yan. pwede tayong magpahayag ng nararamdaman natin basta hindi rin lalagpas sa tama at nararapat. yun lang po.

    • May punto ko, Cyrill. Mas matatapang kasi ang loob ng mga tao sa internet dahil hindi sila nakikita at pwede nilang ilihim ang kanilang personalidad dito. Ngunit, sa aking palagay ay labis pa rin ang mga nakasaad sa “libel clause” ng batas ng Cybercrime bill kaya kailangan pa rin itong i-rebisa.

  2. hirap naman kasi intendihin ang batas na yan puro ingles eh. Sana man lang lumantad sila sa media at ipaliwanag nila ito ng maayos sa wikang tagalog nang maintindihan naman ng lahat. Eh di nga natin alam baka pwede na nila tayo kasuhan kahit nag comment lang dito diba? Pati doon sa mga downloading na yan dapat ipaliwanag nila ng maayos kung alin ang pwede at alin ang hindi, hindi yung ingles sila ng ingles dyan sa senado eh kahit nga yata ang ilang senador di rin gaano naiintindihan, hirap naman nyan wala naman tayo sa amerika para mag inglesan tayo.

    • May punto ka, dapat ipaliwanag ng mabuti ang batas na ito sa anumang paraan, yun ay kung kulang pa ang naibabalita sa mga palabas sa telebisyon. Naibabalita naman kasi ang batas na ito sa iba’t-ibang palabas at may iilan na nagpaliwanag kung ano talaga ang nilalaman nito maliban sa libel clause na tinutuligsa ng marami. Tungkol naman sa paggamit lamang ng Tagalog, maganda rin ang punto mong ipaliwanag ito ng kinauukulan sa lengwaheng mas naiintindihan ng masang Pilipino. Pero tandaan nating dalawa ang opisyal na lengwahe ng Pilipinas- Ingles at Filipino. Sa palagay ko naman ay nagagawa ng ibang media outlet ang pagpapaliwanag ng iba’t-ibang balita sa Tagalog ng maayos. Ang kailangan na lang nating gawin ay piliin ang tamang programang panonoorin o babasahing babasahin para mas maintindihan natin ito. Kung nais mo namang basahin ang batas sa pamamagitan ng internet, maaari kang magpunta rito: http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/

  3. Online libel is something like an inanimate law in an inanimate medium. Sa net everything could be fabricated and duplicated. Powerful ang PHOTOSHOP plus the fact na finding someone’s IP address isn’t as easy as it sounds, i mean, madaling gumawa ng proxy na IP add if necessary…

    I think they should have first considered the medium of the law before they actually approved it. Para yang rocketship na inilaunch na CD-R King ang tatak 😛 (No offense.)

  4. Pingback: Ang Kontrobersyal na Cybercrime Law | Malayan News Center

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s