Opinyon ng Isang Blogger Lang

Gumawa ng malaking ingay nung nakaraang linggo si Senador Vicente “Tito” Sotto III hindi dahil sa matagumpay n’yang naipaglaban ang adhikain ng mga taong tutol sa RH Bill kundi dahil sa kanyang pagmamaliit sa mga blogger na tulad ko. Ano ba ang kanyang ginawa at ano ang inirireklamo ng mga blogger na tulad ko? Alamin natin.

Matatandaang una n’yang ginamit ang gawa ng ilang bloggers, partikular na si Sarah Pope,sa kanyang talumpati bilang pagtutol sa RH Bill ilang linggo na ang nakararaan. Maganda sana yun lalo na kung makatutulong ang kanyang mga hiniram na impormasyon sa kanyang nais sabihin. Pero, ang naging problema, di man lang niya binigyan ng kaukulang pagkilala ang kanyang mga pinagkuhanan ng mga impormasyon.

Nagulat siguro siya at ang kanyang staff nang may mga pumalag at bumatikos sa kanyang mga sinabi. Anila, kopyang-kopya ang maraming salitang kanyang binitawan sa ilang blog na mababasa sa internet. (Kung nais n’yong malaman ang ilang pangongopyang nangyari, puntahan n’yo ito.)

Pero anong ginawa n’ya at ng kanyang mga tauhan? Nang malaman ng blogger na si Sarah Pope ang kontrobersiya, gumawa ito ng blog post na ang pamagat ay On Plagiarism, the Pill and Presumptousness bilang reaksyon. Ayon sa ulat ng GMA News, nag-komento roon ang chief of staff ni Tito Sotto na si Atty. Hector Villacorta at ang sabi niya’y:  “I understand you felt slighted that your blog was not attributed to you which became part of the speech of the senator. Let me say that after asking my staff, indeed your blog was used but only in quoting also from the same book of Dr. Campbell-McBride. If you wish that you also be credited with the contents of the book, let this be your affirmation. I can do it and by this message I am doing it. Hope it satisfies you.” Pero sumagot din agad si Pope ng, “My BLOG was quoted, not Dr. Natasha Campbell-McBride. I put her work in my own words and you copied my words. No, your lame comment does not make me ‘feel’ any better.” Nang makapanayam naman ni Karen Davila si Tito Sotto sa kanyang programang Headstart sa ABS-CBN News Channel (o ANC), sinabi n’yang, “Natatawa ako nung marinig ko yan. Kasi yung blogger na sinasabi nila e, pareho kami ng pinagkunan… si (Dr.) Natasha Campbell- McBride.” Idinagdag pa n’ya, “Ba’t ko naman iku-quote yung blogger? Blogger lang yun.”

***

Anong mahihinuha natin sa itaas?

Una, hindi basta-basta ang pagkuha ng ideya ng iba. Sinasabi man nilang sa panahon ngayon ay wala nang orihinal sapagkat lahat ay hango na sa mga nauna, di iyon dahilan para di bigyan ng tamang pagkilala ang pinagkuhanan. Lalo pa ngayong napakadaling kumuha ng impormasyon sa pamamagitan ng internet, madaling mahuli ang mga nangongopya lamang lalo na kung mga kilalang tao ang gumawa ng krimeng tinatawag na plagiarism*.

*Ano ang plagiarism?

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ito ay ang akto ng pagkuha ng mga ideya o salita ng iba na parang kanila.  Sa ibang sabi, pagkuha ito ng ideya o salita nang walang pagkilala man lang na ginawa tungkol sa pinagkunan ng ideya o salitang ginamit.

Ikalawa, napakayabang magsalita ni Tito Sotto. Bakit n’ya raw gagamitin ang gawa ng isang blogger? Dapat n’yang malaman na hindi porke’t blogger ay walang kwenta. Oo, walang kwenta ang ginamit kong mga salita dahil yan ang tila ibig sabihin niya sa kanyang mga sinabi. Gusto kong malaman n’ya na hindi porke’t blogger ay maaari nang maliitin. Ang mga blogger ay gumagawa ng blog sapagkat gusto nilang ibahagi ang kanilang mga nalalaman, nararamdaman o nararanasan. May halaga ang mga iyon, di man para sa lahat pero sa iilan.  Baka di n’ya alam na may mga taong nagbabasa ng mga blog dahil sila ay nakikinabang sa kung anumang paraan mula sa iba’t-ibang paksa mayroon ang mga ito. Pero kung tutuusin, siya dapat ang unang nakakaalam n’yan sapagkat siya mismo ang gumamit ng mga salita ng isang blogger lang sa kanyang talumpati sa Senado.

Ikatlo, hindi tamang maging arogante sa pagsagot sa mga pagtuligsa sa atin lalo na kung tayo ay nasa mataas na posisyon sa gobyerno. Lalabas at lalabas na mayabang at hindi marunong magpatalo ang isang taong nahuli na nga’y hindi pa marunong tumanggap ng pagkakamali. Kung ako kay Tito Sotto, hihingi ako ng tawad sa mga nasagasaan sa aking mga ginawa at sinabi lalo na sa mga blogger lang.

Mga huling salita ukol sa:

  • RH Bill

Dapat malaman ni Tito Sotto na kaisa n’ya ang marami tulad ko sa pagtutol sa RH Bill. Pero dapat n’yang idaan sa tamang paraan ang pagtatanggol sa mahalagang buhay.

  • Pagba-blog

Iba-iba ang mga katayuan sa buhay ng mga tao at ibig sabihin nun, iba-iba ang kaalaman at mga karanasan nila. Tulad din ng mga nasa Senado, ibang-iba ang katayuan nila sa ating maituturing na ordinaryong mamamamayan lang. Ibig bang sabihin nun ay di na mahalaga ang ating mga sinasabi? Hindi. Bagkus, nangangahulugan iyon na anuman ang katayuan mo sa buhay, Senador man o hindi, blogger man o hindi, ay hindi dapat nila-lang. Nagkataon lamang na mas malaki ang kapasidad ng ilan sa atin upang ipaalam ang kanilang mga gustong sabihin at gawin ang gusto nilang gawin. Pero di iyon nangangahulugang sila ang nasa tama o sila lamang ang tama. Di dapat nila-lang ang mga sinasabi o mga ginagawa ninuman sapagkat lingid sa ating kaalaman ay mayroon at mayroon ditong mangangailangan.

Advertisements

6 thoughts on “Opinyon ng Isang Blogger Lang

  1. Balita ko sa mga usap-usapan sa internet na may direct translation din si Tito Sotto ng speech ni Kennedy? Dapat nag-apologize na lang silang lahat, lalo na si Tito Sotto. Nako, masama silang ehemplo para sa lahat, lalo na sa mga kabataan! O ayaw matulad ni Tito Sotto kay Gloria na may paiyak-iyak pa. Hahaha! In the end, mali sila, mali ang reaksyon nila, mali ang tirada nila sa buong pangyayari at di nalinis ang pagkakamali nila. Si Tito Sotto pa naman ang T sa TVJ.

    • Tama ka! May ginawa na namang pagkakamali si Tito Sotto at ang kanyang staff. Dapat maigi ang pagri-research nila nang di mahuling nangungopya sa iba. Kaya ayun, si Tito Sotto na naman ang bida sa twitter at FB pero hindi dahil gusto siya kundi dahil ayaw sa kaniya. Sayang nga, nadudungisan tuloy ang maganda-ganda na sana n’yang rekord.

  2. Nakakahiya na nga na kinopya niya yung speech niya word for word, ininsulto pa niya yung blogger dahil di na niya nabigyan ng credit, minaliit pa niya. Isang simpleng “sorry, mali ang ginawa ng staff ko, at dapat di ko pinalagpas nung malaman ko” ay okay na. Pero hindi, magso-sorry na lang nga, mayabang pa. Halatang di naman sila sorry.

    Dahil ba senador siya ay mas mataas na siya sa mga hamak na blogger lang? Nakaka-asar. Ang plagiarism ay plagiarism. Hindi excusable yun. Hindi maliit na bagay lang.

    Hay. Ayoko nang isipin. Nakakapikon lang.

    PS: Karl, tagalog ha. Pagbigyan mo na yung ibang English words.

    • Tama, nakahihiya na ngang nangopya siya pero di pa siya humingi ng tawad. Bilang nasa isang mataas na posisyon, dapat ay siya ang nagtataguyod ng tamang pamamaraan lalo na sa pagkuha ng impormasyong naglalaman ng mga sensitibong impormasyon. Nakadi-dismaya talaga kaya wag ka nang mapikon, Ate Michi. Alam naman na ng publiko ang nangyari, at dapat nilang tandaan ang mga ito hanggang sa susunod na eleksyon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s