Kontrobersyal na RH Bill

Mainit-init na usapan sa kasalukuyan ang Reproductive Health Bill o mas kilala sa tawag na RH Bill. Nagdaos ng malawakang protesta ang Simbahang Katoliko nitong nagdaang Sabado, Agosto 4, 2012, sa EDSA Shrine na nilahukan ng libu-libong Pilipino. Kahit na maulan, dinayo pa rin ang nasabing lugar ng maraming mamamayang ayaw sa nabanggit na panukalang batas. Sumabay naman ang mga pro-RH Bill sa isinagawang protesta sa pagbibigay-impormasyon sa lahat sa pamamagitan ng mga social networking sites. Sa mga slogan na itinataas noong Sabado sa EDSA ay may sagot ang mga pro-RH Bill at ang pinakapinupunto nila ay ang misimpormasyon tungkol sa RH Bill.

Ano nga ba ang RH Bill? Napag-alaman ko sa aking pagsasaliksik na marami palang reproductive health bills ang naipasa na sa Kongreso ng ating bansa. Naisip marahil ng mga nagpanukala ng iba’t-ibang RH bills na ito na ipagsama ang nilalaman ng kanilang mga panukalang batas kaya nabuo ang House Bill 4244 o kilala rin A Comprehensive Policy on  Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and for other purposes. Kung gusto ninyong tingnan at basahin ang batas na ito, pumunta kayo rito. Mahalagang mabasa iyan upang hindi maling impormasyon ang makaabot sa atin ukol sa kontrobersyang batas na kinahaharap ng sambayanan. May blog entry rin si Pia Cayetano, isa sa mga senador na sponsor ng nabanggit na batas, para klaruhin ang ilan sa mga probisyon nito. Maaari n’yong mabasa ang kanyang sinulat dito.

Sa totoo lang, maganda ang mithiin ng nabanggit na batas. Tama ang sinasabi ng mga pro-RH Bill na pro-women at pro-poor ito. Isinusulong nito ang tamang pagpapamilya at pagdidisiplina sa pag-aanak. Layunin din nitong pangalagaan ang kalusugan ng mga ina, dahil sila ang pinakanaaapektuhan sa pagpapalaki ng pamilya.

Tanong: Kung magaganda pala ang mithiin ng RH Bill, bakit maraming tumatanggi rito? Dalawa ang pumapasok sa isip ko kung bakit. Kontrasepsyon at moralidad.

Ano ang kontrasepsyon? Ayon sa website na healthofchildren.com, ang kontrasepsyon (o contraception sa Ingles) ay ang pagpigil sa pagbubuntis ng tao sa pamamagitan ng pagkontra sa normal na proseso ng pagdadalang-tao. Marami itong pamamaraan, pero isa sa mga pinakakilala ay ang paggamit ng condoms.

Ang susunod na tanong ay kung moral ba ang paggamit ng mga pamamamaraan ng kontrasepsyon. Isa lang sa mga pamamamaraang kontrasepsyon ang tingin kong pabor ang Simbahang Katoliko at iba pang relihiyon, at ito ay ang abstinence o yung pag-iwas sa pakikipagtalik. Kung iisipin mong mabuti, kung hindi gagawin ang pakikipagtalik ay maiiwasan nga ang mga kinatatakutang bagay na maaaring maidulot ng pakikipagtalik: pagbubuntis at pagkakasakit ng STDs. Pero kung iisipin mong uli, mahirap ang abstinence sa maraming tao, mapupusok man o hindi. Itinuturing na kasi ng iba na isang pangangailangan ang pakikipagtalik dulot na rin ng hormones sa katawan.

Bakit ayaw ng Simbahang Katoliko sa ibang pamamamaraan ng kontrasepsyon? Dyan papasok ang usapin tungkol sa kung kailan nagsisimula ang buhay ng tao. Kung naniniwala kang nagsisimula ang buhay ng tao pag nagsama ang sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae, iilan sa contraceptives ay naga-abort na pala (halimbawa, morning-after pill). Maituturing bang aborsyon ang pagpigil sa pagsasama ng sperm cell at egg cell? Kung istriktong depenisyon ng aborsyon ang gagamitin, hindi. Pero ang punto ng ilang anti-RH Bill, dahil sa contraceptives na ito ay napipigilan ang pagkabuhay ng isang tao sapagkat simula pa lamang ay hindi na magsasama ang mga binhi ng lalaki at babae. Bukod dyan, kinukondena ng Simbahang Katoliko ang paggamit ng contraceptives sapagkat bababa umano ang moralidad ng mga tao lalo na sa usaping sekswal. Anila, dadami ang mai-engganyong gumamit ng mga contraceptives dahil sa RH Bill. Mayroon silang punto. Anong punto? Para malaman natin, importante muna nating malaman kung ano ba ang turo nila.

Ano ba turo sa Simbahang Katoliko? Ang turo nila’y hindi maaaring magtalik ang dalawang tao na hindi kasal sa harap ng Diyos at sa mata ng tao. Itinuturing na sagrado ang kasal sapagkat pagkatapos nito’y pinahihintulutan na ang dalawang nag-iibigan na ipakalat ang lahi sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Natatandaan ko noong ako ay nasa hayskul, binanggit ng isang guro sa Religion na dalawa ang tamang dahilan ng pakikipagtalik: procreation at intimacy (natatanging pagpapadama sa asawa ng pagmamahal). Pansining AT iyon at hindi O. At kung susundin natin ang sinabi ng guro kong iyon dati, mali ang pakikipagtalik sa taong di pa natin pinapakasalan. Ngayon, kung itataguyod ng RH Bill ang paggamit ng contraceptives, dadami ang kaso ng mga taong gagamit nito. Hindi ba’t safe sex nga raw ang dulot ng contraceptives, safe from pregnancy and STDS? Kaya nandun ang posibilidad na mahikayat ang maraming taong makipagtalik dahil iisipin nilang di naman sila makabubuntis o mabubuntis at ligtas pa sila sa sekswal na mga sakit.

Kung hindi mo pa alam sa ngayon kung Pro-RH Bill o Anti-RH Bill ako, alamin mo sa mga sasabihin kong ito:

Para sa Simbahang Katoliko: Wag na sanang magkalat ng mga impormasyong nagsasabi ng hindi buong katotohanan. Wag matakot sabihin na maaaring magpababa ng moralidad ng tao pag maipasa ang RH Bill, at sapat na iyong dahilan sa maraming Pilipino upang talikuran ang nasabing batas.

Para sa gobyerno, lalo na sa mga nagtataguyod ng RH Bill: Maganda ang maraming layunin ng batas ninyo. Yun nga lang, nakatatakot ang pagbibigay ng masyadong kalayaan sa taong pumili ng kung anong gusto nila. Tandaan hindi porke’t gusto nila ay tama iyon para sa kanila. Tandaan ding hindi porke’t legal ay moral nang maituturing.

7 thoughts on “Kontrobersyal na RH Bill

  1. May “Catholic vote” kasi kaya di pa rin matapos-tapos. Hahaha. Ang labo talaga. 😀 Pero in fairness, hanga talaga ako sa ating mga Pilipino. Biruin mo, huli man tayo sa usapin ng reproductive health, iyon ay dahil sa alam natin ang matitinding pros (pagkakaroon manageable na pamilya) at cons nito (pagbaba ng kahalagahan ng chastity). Palagay ko sa implementation at education nakasalalay kung magiging imoral na tayo sa hinaharap.

    • Salamat sa komento mo, RWynn. Mahalaga talagang pag-isipan at pag-debatehan ng mabuti ang usaping ito tungkol sa RH Bill. Bukod sa binanggit mo (implementasyon at edukasyon), importante rin ang mismong nilalaman ng panukalang batas na ito upang malaman ang magiging landas ng moralidad ng mga Pilipino sa hinaharap, lalung-lalo na kung ito ay talagang maisasabatas na.

      • Tama ka. Sabi nga, maaaring ang batas ang naghuhubog sa atin o ang moralidad natin ang naghuhubog ng ating batas. Kahit na alinman ang applicable sa RH bill, dapat lang na tumingin sa hinaharap ang mga nagsusulat ng batas. Marami na rin kasing nag-fail na RH laws tulad ng sa US, Russia, at China (in terms of social impact).

  2. ginoo, totoong naktatakot! ikumpara na lamang ang mga bansang nagtangkilik sa ganitong batas. maari mong tingnan ang link na ito upang mas lumaganap pa ang iyong kaalaman http://www.catholicforum.com/forums/showthread.php?45676-The-Slippery-Slope-of-discarding-the-Church%92s-teachings-on-sexuality
    Liban dyan may panukala sa batas na maaring patawan ng parusa ang sinumang hindi sumunod dito kahit pa ito ay laban sa sariling pananampalataya or paniniwala.

    • Maraming salamat sa iyong komento! Nakatatakot talaga kung maipapasa ang RH bill. At mukhang mas nakatatakot ang nakalagay sa link na inilagay mo. Ating ipagdasal na isang batas na talagang sasagot sa ating problema sa populasyon ang ipanukala, at hindi iyong nagpu-promote ng mga pamamaraang di naaayon o nararapat.

  3. Uhm, para saken .. bilang isang labing apat na taong gulang pa lamang, tingin ko ay gusto lang nila itong ipanukala ang bill na ito dahil sa kahirapan. siguro upang mapigilan ang pagtaas ng populasyon na dahilan din ng kahirapan (na kahit kailan ay hindi mawala walang problema sa bansa natin. kaya ito ang naisip nilang paraan.) staka isa pa, wala din yang kaibahan yan sa pagpapalaglag na kung iisipin ay pagpatay din po diba?

  4. pro kung iisipin muman tama pro prang mali ….dahil , tama pagilan ang pagtaas ng populasyon sah bansa pro mali ,,,,mali talaga ang pagpatay lalo nah kung bata na wlang muwang sa mundo hindi man lng nla mkitah ang ganda ng mundo…. iwan ko diko pa yan basabi ng diristo cgoro massabi kulng yan pagmeron nah ako ng anak….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s