Lutong Macau

Madalas sabihing niluto ang isang kontes o laban kung hindi nanalo ang itinuturing na mas magaling na kalahok, koponan o manlalaro. Sa kung anumang dahilan, nabigong iuwi ng mas magaling ang karangalan kaya inis, pikon at galit ang mga manonood na talaga namang sumusubaybay sa naging paligsahan.

Ganitong-ganito ang nangyari sa katatapos lamang na laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Hindi makapaniwala ang lahat ng nanood na natalo si Pacquiao via split decision. Isang hurado ang nagsabing nagwagi siya sa puntos na 115-113 ngunit dalawang hurado ang nagbigay ng ganyang puntos para naman kay Bradley. Natulala ang buong mundo. Tila maiyak-iyak si Pacquiao. Nasorpresa at di rin makapaniwala si Bradley. Alam n’yo ba ang mga sinabi nila pagkatapos ng laban? Heto ang kanilang mga sinabi sa kumausap sa kanilang si Mario Lopez:

Bradley: “Manny’s a beast. He’s got fast hands. I held up. I gotta give him a rematch. I gotta give him a shot to get his title back.”

Pacquiao: “The fight is good. He’s very strong, he moved around. He’s undefeated. But I believe I won the fight.”

Ayon pa sa artikulong ito mula sa interaksyon.com:

Bradley: “Every round was pretty close. Pacquiao won some of the early rounds. I control the latter rounds with my jab. I need to go home and review the tape.”

Pacquiao: “Most of his punches only hit my arms. I don’t know what happened.”

Hindi rin makapaniwala ang promoter na si Bob Arum. Ayon sa artikulong ito mula sa Yahoo! Sports, sinabi n’yang:

Arum: “Can you believe that? I had it 10-2! After I got into the ring after the fight, I went over to Bradley and said, ‘You did very well.’ He said, ‘I tried hard but I couldn’t beat the guy.’ This is crazy. You talk about killing boxing? All three scorecards you throw out.”

Sa totoo lang, mapapaisip ka bakit ganun ang nangyari. Lahat na yata ng mga nakapanood sa laban ay nagsasabing di hamak na panalo nga si Pacman. Malakas si Bradley lalo na nung unang mga round pati na nung Round 10 pero mas magaling si Pacman. Hindi man n’ya napatumba ang kalaban, maraming beses na pinatama ni Pacman ang kanyang mga suntok sa mukha at katawan ni Bradley. Ayon sa mga sports analysts na nanood at sumubaybay sa laban, panalo si Pacman.

Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niluto ang laban: pera. Tingin mo ba’y magkakaroon ng interes ang mga tao sa bagong makakaharap ni Pacquiao sakaling siya ang manalo kung hindi rin naman si Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang makakatunggali? Magaling si Bradley, pero mas gusto ng maraming si Mayweather na ang makalaban ng Pambansang Kamao. Tingin ko’y pinili si Bradley na ipantapat kay Pacman dahil sa malinis nitong rekord na 29 panalo at walang talo sa larangan ng pagbu-boksing kagaya ni Mayweather. At habang hindi pa magaganap ang dream match na Pacquiao vs. Mayweather ng marami, palalakasin muna ang interes ng mga ito sa pamamagitan ng isa pang pagtutunggali. At hanggang may interes ang mga tao, gagastos at gagastos sila para lamang subaybayan ang magiging bakbakang muli ng dalawa.

Sa mga ganitong labanan, hindi na dapat nagtatakang nagkakaroon ng lutong macau. Para sa ibang tao kasi’y talagang laru-laro lang ang ibang bagay, kasama na ang ganitong pangyayari kahit pa nadudungisan ang pangalan ng iba (sa nangyaring ito, kredibilidad sa boksing ang nadumihan). Buti na lamang para sa iba, nagiging daan ito para mas tumibay kung ano ang kanilang paniniwala. Kung mayroon ka mang makikita talagang kahanga-hanga kay Pacquiao pagkatapos ng laban, ito ay ang kanyang pananalig sa Panginoon. Base sa kanyang kilos at galaw, pinasalamatan pa rin n’ya ang Diyos kahit na siya ay nabigong manalo. Atin nga lamang ipanalangin na sana sa susunod, manaig na kung ano ang tama at totoo.

Advertisements

8 thoughts on “Lutong Macau

  1. Naging speechless po ako nang marinig ko ang resulta. As in, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. Well, napabukas pa po ako sa Twitter para lang malaman ang reaksyon ng ibang tao (pampalubag-loob). Hanep! Nakakalungkot din pala. Pero in fairness, ang witty ng Pinoy. Sobrang humorous at hilarious ng kanilang mga komento sa laban.

    Ito sabi ni Arum nung post-fight conference: “Please welcome the guy you all saw winning the fight, except for 3 blind mice, Manny Pacquiao.” (HAHAHAHA!)

    At sabi ng sports analyst na si Ed Tolentino: “They say it is “zero crime rate” when Pacquiao fights. That is true up to this day. Because the biggest crime happened in Vegas.”

    • Wala rin akong masabi nung una kong malaman na natalo si Pacquiao. Di kasi iyon inaasahan, lalo na’t di naman ganun kasikat at kilalang talagang magaling ang nakatunggali n’ya.

      Sang-ayon ako sa sinabi mo tungkol sa pagka-witty ng mga Pinoy. Gagawa at gagawa talaga ng paraan para pagaangin ang anumang nangyaring hindi maganda. Nabalitaan mo ba yung pagkatalo ni Jessica Sanchez sa AI? Ang daming nagsilabasang meme noon na talaga namang nakakatawa. Nakakakita talaga tayo ng paraan para palubagin ang loob sa gitna ng pagkabigo. Hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s