Satanista ba si Lady Gaga?

Laman ng mga balita ngayon ang pagharang ng ilang grupong pang-relihiyon sa gaganaping konsyerto ng isa sa pinakatanyag na mang-aawit ngayon, si Lady Gaga. Ang dahilan, tagasuporta raw ng kampon kasamaan ang nasabing mang-aawit. May mga punto ba ang mga grupong ito na nagpu-protesta laban sa pagku-konsiyerto ni Lady Gaga? Subukan nating alamin.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na nakapagdaos na ng konsyerto ang nasabing mang-aawit dito ilang taon na ang nakalilipas. Ayon sa artikulong ito, ang nasabing konsyerto ay ginanap sa Araneta Coliseum noong Agosto 2009. Matagumpay naman daw itong nairaos hindi gaya ngayon na sobrang dami ang umaayaw na matuloy ang konsyerto.

Noon pa man ay gusto ko na ang mga kantang pop, o yung tipong sikat at popular. Bukod kasi sa nakakagana ang mga kantang ito ay nakakapagbigay pa minsan ng mga nakakatuwang kwento at mga simpleng aral. Ngunit nang mas nagkaisip ako ay mas pinili ko na ang mga pinapakinggan ko. Kung susuriin mo kasing mabuti ay may mga kantang hindi magaganda ang mensahe. At tulad ng sinasabi ng ilan, pag patuloy mong pinapakinggan ang mga ito, ang tema nila ay tila nagiging normal na lamang para sa’yo, kahit na labag ito sa mga paniniwala at prinsipyo mo.

Alam ng ilang malalapit sa akin na ayoko sa mga kantang ginagamit ang pangalan ng Panginoon Diyos. Hindi ba nga’t isa sa Sampung Utos ng Diyos ay wag bastusin ang Kanyang pangalan? Naaalala ko tuloy, may sumikat na kanta si Usher na di ko talaga natipuhan dahil titulo pa lang ay nakakadismaya na. May mga kanta namang kung hindi tago ay hindi halata ang ibig sabihin. Alam mo bang tungkol sa pagpatay ang kantang Pumped Up Kicks ng Foster the People? O kaya naman may pagbanggit ng demonyo sa kantang Just Can’t Get Enough ng Black Eyed Peas? Magaling din ang ilang sikat na babaeng mang-aawit dyan tulad nina Rihanna, Nicki Minaj, Beyonce at si Lady Gaga nga. Kalimitan sa mga kanta ni Rihanna ay tungkol sa pagmamahalan. Maganda sana pero ibang klase ng pagmamahalan ang tinutukoy n’ya kaya di mo matitiyak kung pagmamahal nga talaga yun. Si Nicki Minaj naman, hitsura pa lamang ay matatakot ka na. Hehe, biro lang. Di ko gusto ang mga kanta n’ya, lalo na nang matapos siyang kumanta sa Grammy Awards 2012 ilang buwan na ang nakalilipas. Lantarang pambabastos sa Simbahang Katoliko ang ginawa n’ya doon: may mga paring dinemonyo, may kantang Pamasko na sinaula at may mga simbulong pangmasama talaga. May laman ang mga kanta dati ni Beyonce. Pero nitong mga nakaraang taon, pili na lang ang mga kanta n’yang may katuturan. Si Lady Gaga naman, may ilang kanta siya na magaganda ang mensahe, pero mayroon ding mapapasang-ayon ka sa sinasabi ng mga nagpu-protesta. Binabanggit na ang kanta n’yang Judas ay sumisira sa imahe ni Kristo at ako’y sang-ayon sa kanila run. May mensahe ang kantang hindi maganda at lantarang bumabastos kay Hesus. Minsan, hindi lang mga kanta mismo ang hindi maganda kay Lady Gaga. Pati mga music video n’ya ay punong-puno ng simbolismong sinasabing maka-demonyo. Paano ko nasabi? May sasabihin ako sa inyong website na baka ikagulat ninyo ang nilalaman:

 www.vigilantcitizen.com

Yan ang website na ispesipikong tumatalakay sa ilang kanta at music video ng mga mang-aawit na sinasabing ibang Panginoon ang sinasamba. Kung balak mong basahin ang mga nilalaman n’yan, sinasabi ko sa’yo ngayon pa lang na maaari kang matakot, magulat, mapahiya, matuwa at malungkot sa mga mababasa mo. Maaari kasing mamulat ka o magulantang sa mga nilalaman nito. Mapupuna mong ang salitang Illuminati ay madalas na mababanggit sa mga artikulo nila. Ang Illuminati ay sinasabing isang grupong naghahasik ng lagim at kasamaan dito sa mundo sa mga bagay na nakikita, naririnig at ginagamit natin. Pero di ko nais pag-usapan ang grupong iyan ngayon dito. Nais ko lang bigyang linaw ang isa sa mga sinasabing alagad umano nila. At iyon ay si Lady Gaga nga.

 

Anu-ano na ba ang mga sumikat na kanta ni Lady Gaga? Ang naaalala kong unang sumikat na kanta nya noon ay ang Poker Face. Sabi sa mga bali-balita, tungkol daw ito sa pagiging bisexual ng mang-aawit. Kung gusto mo talagang malaman kung bakit, alamin mo sa pagbabasa at pag-iintindi sa liriko ng kanta. Search mo na at read between the lines (RBTL) ika nga. Nagsanib sila ni Beyonce sa kantang Telephone na tipong tumutukoy lamang sa hindi pagpansin ng isang dalaga sa kasintahang tumatawag sa kanya. Pero ayon sa iba, tumutukoy ito sa prosesong pag-brainwash sa mga nagiging biktima ng Illuminati. Malabo? RTBL uli. Sumikat din ang kantang Bad Romance na titulo pa lamang ay kukunot na agad ang ulo ng mga relihiyoso. Maaalalang natanggal ang Kristiyanong mang-aawit na kalahok sa American Idol na si Colton Dixon matapos n’yang kantahan ang kantang ito. Ang teorya ng ilan (isa na ako rito), nadismaya ang mga tagahanga niya dahil pumili siya ng kantang pangit ang mensahe. Sumikat din ang kantang Alejandro na talaga namang may kung anong kababalaghan sa music video nito. Popular din ang Born This Way na nagsasabing maging sino ka man ay ayos lang dahil hindi nagkakamali ang Panginoon sa mga nililikha Niya. Maganda ang mensahe, hindi ba? Pero kung susuriin mo ng maigi ang ilan pang bahagi ng liriko ng kanta n’yang iyan, may mahuhugot kang mensahe na di ayon sa mga relihiyon. RTBL uli. Ang Edge of Glory naman, tumatalakay sa pagpapakamatay. RBTL. Ang pinakabago n’ya, ang Marry the Night, ay sinasabing tumutukoy sa pagsuko n’ya sa kadiliman para makamtan ang pinakaninanais n’ya: ang pagsikat. RTBL.

Ang tanong ngayon, Satanista nga ba si Lady Gaga? Hindi natin masasabi yan sapagkat di naman natin siya kilala talaga. Ang masasabi lang natin ay tungkol sa kung ano ang binabahagi nya sa pamamagitan ng mga kanta nya. At kung mensahe lamang ng mga kanta at music video niya ang pagbabasehan, masasabing hindi siya konserbatibo. Liberal na liberal siya kung tutuusin. May mga mensaheng di nararapat marinig ng lahat, lalo na ng mga kabataan sapagkat madaling mapasunod ang mga bata, lalo na ang mga nakikiayon lang sa uso. May iilang mensahe ring talagang tinutuligsa ang Panginoong Diyos o kaya naman ay tumutukoy sa kampon ng kadiliman. Diyan pa lang ay talagang kailangan ng pigilan si Lady Gaga sapagkat mabi-brainwash ang mga tagasunod n’ya (na tinatawag pa n’yang Little Monsters). Maaaring umabot sa puntong ang mali ay magiging tama para sa kanila. Nakakatakot yun kung sakali.

Mayroon tayong tinatawag na freedom of expression. Pero paano kung ang kalayaang ito ay sobra na sa kung ano ang tama? Hahayaan lang ba natin o pipiliting itama?

Sa mga manonood ng konsyerto ni Lady Gaga, sana ay mag-enjoy kayo para naman masulit yung binayad n’yo sa tiket. Wag n’yo na lang dibdibin ang mga kanta n’ya kahit na mas maiging iiwas n’yo ang mga sarili n’yo sa kanya. Sa mga hindi manonood ng konsyerto ni Lady Gaga, alam ko sasabihin ninyong you know better. Maganda yan, pero dapat masasalamin din sa ating mga pagkilos at pag-iisip ang mga sinasabi natin. Mahirap yung mag-aasta tayong mabuti at mabait, yun pala ay talagang hindi.

Advertisements

10 thoughts on “Satanista ba si Lady Gaga?

    • Sang-ayon ako sa sinabi mo. Dapat di natin nakakalimutan ang mga kantang gawa ng kapwa Pinoy. Sa totoo lang, madali yang sabihin pero mahirap gawin lalo na’t mas pinapatugtog sa radyo ang mga kantang banyaga. Gayunpaman, mas maiging piliin natin ang ating mga pinapakinggang musika nang di naiimpluwensiyahang gumawa ng masama.

  1. Hindi talaga satanista si lady gaga. Pinanganak sya ns isang Catholic At Ganun padin sya ngayon bago sya mag concert nagdadasal muna sya. Maaring ginagamit lng sya ng illuminati At ang iba pang celebrities gingamit sila ng illuminati ng di nila napapansin wag muna naten sya husgahan ang Mga magulang nya ay usang ding katoliko

    • Ako rin naman ay Katoliko. Ngunit hindi ibig sabihin na mga Katoliko tayo ay di na tayo maaaaring mawala sa landas na tama.

      Alam nilang ginagamit sila ng Illuminati. Hindi naman sila magagamit kung hindi sila papayag. Pumunta ka sa vigilantcitizen.com para malaman mo kung ano ang ginagawa sa mga mang-aawit para maging puppet ng Illuminati.

    • Isa rin akong Katoliko. Pero hindi ibig sabihin na mga Katoliko tayo ay di na tayo pwedeng mawala sa landas na tama.

      Maaaring ginagamit nga si Lady Gaga at iba pang mga singer ng Illuminati pero alam nila iyon. Di sila magagamit kung di sila pumayag magpagamit. Bisitahin mo ang vigilantcitizen.com para malaman mo kung ano ang ginagawa sa mga singer para maging puppet ng Illuminati.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s