Limang Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Panoorin Ang Titanic 3D

  1. Malalaman mo kung gaano kagaling gumawa ng pelikula si James Cameron. Kung nagustuhan mo ang “Avatar” na nilikha n’ya ilang taon na ang nakalilipas, mas magugustuhan mo ang “Titanic” na siyang unang nagpakilala sa kanya sa buong mundo bilang napakagaling na direktor. Makikita mong napakabusisi n’ya sa kanyang mga gawa. Tiyak na masasabi mong sulit ang ibinayad mo sapagkat napakaganda talaga ng pelikula.
  2. Makikita mo kung ano ang hitsura nina Leonardo diCaprio at Kate Winslet mahigit 16 taon na ang nakakaraan. Makikita mo rin ang naipamalas nilang galing sa pelikula bilang nag-iibigang lubos na magkaiba ang mundo. Magagaling din ang lahat ng mga kasama nila.
  3. Malalaman mo kung ano ba talaga ang Titanic pag pinanood mo ang pelikulang ito. Masasaksihan mo kung ano ang naging hitsura nito, bakit ito tinawag na “barko ng mga pangarap” at “barkong di matitibag.” Makikita mo rin kung paano ito posibleng nasira at lumubog sa dagat dahil sa isang napakalaking yelo sa karagatan. Kung nagtataka ka kung anong hitsura at gayak ng mga tao isang daang taon na ang nakararaan, makikita mo rin ang mga iyan pag pinanood mo itong pelikula. Malalaman mo ring ang asal nila ay tulad pa rin ng asal ng mga tao ngayon: may mabubuti, may mga hindi.
  4. Kung may malay ka na noong unang pinalabas ang pelikula sa mga sinehan, mababalik ka sa panahong iyon pag pinanood mo ang pelikulang ito. Malamang ay mararamdaman mo uli ang mga naramdaman mo noong una mong napakinggan ang himig ng “My Heart Will Go On” sapagkat ilang beses pinatugtog ang himig nitong awit na ito sa kabuuan ng pelikula.
  5. Tatlong oras kahaba ang pelikulang ito, pero di mo mamamalayan ang panahong lumilipas habang nanonood ka. Ganun ito kaganda.

Para sa buong movie review ng pelikulang ito, pumunta rito.

Advertisements

7 thoughts on “Limang Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Panoorin Ang Titanic 3D

  1. This movie reminds me of those more than 10 times that I watched it when it originally came out back in 1997! Sa AliMall Cubao ko pa ito pinanood. I love this movie. I love the memory! I wish I could watch it again. This time in 3G. 😉

  2. Ito po ang kauna-unahang pelikulang pinanood ko sa Star Movies. Ito rin ang pinakainteresante at makabag-damdamin. Mahirap kalimutan ang kuwento ng pag-iibigan nina Jack at Rose, at ang impresyong iniwan ng iba pang karakter na nagsilbing pasahero ng tinaguriang “barkong hindi matitibag”. Papanoorin ko po ito sa 3D kahit mahal. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s