Limang Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Panoorin ang “The Hunger Games”

Naghahanap ka ba ng dahilan para panoorin ang The Hunger Games, isa sa mga pinakapinag-uusapang pelikula ngayon? Basahin mo ang mga sumusunod para mapilit kang manood nito:

  1. Disente ang pagsasapelikula ng librong likha ni Suzanne Collins na may kaparehong pangalan. Marami sa mga naaalala ko sa libro ay nakita ko sa aking napanood. Kaya kung nabasa mo rin ang libro, malaki ang tsansang di ka mabibigo sa mapapanood mo.
  2. Mapupunta ka sa mundo kung saan kitang-kita ang pang-aapi at pang-aalipusta sa mga tao dahil na rin sa hindi pagpapahalaga ng kanilang mga buhay. Paano? Sa pamamagitan ng paligsahan kung saan 24 na mga tinedyer na may mga gulang na 12 hanggang 18 ang maglalaban-laban hanggang kamatayan. Ang pangalan ng paligsahan? Hunger games.
  3. Napakagaling ni Jennifer Lawrence bilang bidang si Katniss Everdeen. Mararamdaman mo ang nararamdaman ng karakter n’ya sa iba’t-ibang sitwasyon dahil na rin sa galing n’yang umarte. Magagaling din ang kanyang mga kasamahang sina Josh Hutcherson (bilang Peeta), Woody Harrelson (bilang Haymitch), Elizabeth Banks (bilang Effie), at marami pang iba. Matutuwa ka sa pinamalas nila sa pelikula.
  4. Ang ganda ng visual effects ng pelikula. Hindi lang maganda ha, mukhang makatotohanan pa. Abangan mo ang nagagawa ni Peeta sa paligsahan, pati na ang computer-generated map ng arena kung saan ito ginaganap. Maganda rin ang sound effects na ginamit. Abangan mo ang nagagawa ng mockingjay habang nanonood ka.
  5. Mas maganda ito sa mga pelikulang Twilight, Eclipse, New Moon at Breaking Dawn Part 1. Pangunahing dahilan ang istorya, pero iba rin kasi ang pagkakagawa ng pelikula kaya ganun.

Dagdag na dahilan: Malalaman mo kung bakit ito tinawag na “Hunger Games”. Patagalan ba ng paggutom? Hehe, syempre, hindi. Malalaman mo pag pinanood mo. O pwede mo ring i-research na lang sa internet para tipid.

Sa iba pang detalye, maaari mong basahin ang buong rebyu na ginawa ko sa pelikulang ito rito.

Advertisements

6 thoughts on “Limang Dahilan Kung Bakit Mo Dapat Panoorin ang “The Hunger Games”

  1. napanood ko na din at philosophically the best ang film adaptation..though it so very simple yet you will be mesmerized sa effects nito sa tao na in the future humanity will be just like that..a being that exist just for the show of it! salamat sa pagsusulat ng blogs na ito..

  2. A so parang Battle Royale pala ito? Di ko pa nababasa yung libro at di ko pa napapanood yung movie. Medyo nakakadisappoint kasi mukhang recycle lang….O baka hindi? Dahil horror ang BR. 😛 Babasahin ko siguro muna bago ako manood. 🙂

    • Oo, para itong “Battle Royale” ng Japan. Ang alam ko, isa sa mga inspirasyon ni Suzanne Collins ang pelikulang yun habang sinusulat n’ya ang libro. Tingin ko di ka madi-disappoint dahil ibang-iba naman ang kwento maliban sa mga naglalabanang “bata” tulad sa pelikulang nabanggit. Irirekomenda ko sa’yong basahin muna yung libro bago mo panoorin ang pelikula. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s