Prediksyon sa Oscars 2012

Panahon na naman ngayon para sa mga manonood ng pelikula na huminto, tumingin at manood ng pinakaprestihiyosong pagpaparangal sa mga natatanging pelikula sa buong mundo, ang Academy Awards o Oscars. At panahon na naman ngayon para magkunwari akong tunay na kritiko ng mga pelikula at hulaan ang mga mananalo sa nasabing palabas. Samahan n’yo ako sa paghula sa kung anu-anong pelikula ang magwawagi bukas.

BEST PICTURE. Napanood ko ang lahat ng mga nominado sa kategoryang ito at para sa akin, hindi lahat ay magaling. Di ko nagustuhan ang “Midnight in Paris” ni Woody Allen kaya tanggal na ito. Maganda ang “Extremely Loud and Incredibly Close” at “War Horse” ni Steven Spielberg pero di ako masyadong nagalingan. Isa lamang sa “The Help,” “The Artist,” “Moneyball,” “The Descendants,” “The Tree of Life” at “Hugo” ang hula kong mag-uuwi ng parangal na ito dahil sa kanilang galing at ganda. Gusto ko silang anim pero pinakagusto kong mag-uwi ng parangal ay ang “The Tree of Life” dahil sa napakaganda nitong sinematograpiya, napakagaling na pag-arte at natatanging kwento. Pero di rin masama kung maiuuwi ng mga gusto ko ring “The Artist” at “Hugo” ang parangal.

BEST ACTOR. Napanood ko rin lahat ng mga pelikula ng mga kalahok sa kategoryang ito at para sa akin, ang mananalo ay nasa pagitan lamang nina George Clooney (ng “The Descendants”) at Jean Dujardin (ng “The Artist”). Magaling si Gary Oldman sa “Tinker Tailor Soldier Spy” pero di ko gaanong nagustuhan ang kabuuan ng pelikula n’ya. Napakagaling din ni Brad Bitt sa “Moneyball” kaya lang, mukhang hindi siya ang pinapaborang manalo. Ang isang eksena ni Clooney sa “The Descendants” ay nagpapakitang napakagaling n’ya pero ang pagiging magaling naman sa kabuuan ng pelikula n’ya ang magpapawagi kay Jean Dujardin.

BEST ACTRESS. Tulad ng kategorya sa Pinakamagaling na Aktor, sa tingin ko’y dalawa lamang ang pinagpipilian para manalo sa parangal na ito. Tunay na kahanga-hanga si Meryl Streep sa kanyang pagganap bilang Margaret Thatcher sa “The Iron Lady” habang si Viola Davis naman ay talagang nakakabilib sa kanyang pagganap bilang isang katulong sa “The Help.” Sa huli, gusto kong ibigay ang parangal na ito kay Meryl Streep na halos taon-taon na lamang ay nanu-nomina.

 

BEST SUPPORTING ACTOR. Di na ito kailangang pag-isipan pa. Kahit napakagaling nina Max von Sydow sa “Extremely Loud and Incredible Close” at Nick Nolte sa “Warrior,” si Christopher Plummer ang mag-uuwi nitong parangal sa pagganap n’ya bilang isang lalaking nagladlad lamang ng kanyang tunay na katauhan noong siya’y 75 taong gulang na.

 

 

 

BEST SUPPORTING ACTRESS. Gustung-gusto ko ang pagganap nina Berenice Bejo sa “The Artist” at Jessica Chastain sa “The Help,” pero ang parangal na ito ay natatangi lamang kay Octavia Spencer bilang isang palabang katulong sa “The Help.”

 

 

 

 

BEST DIRECTOR. Gusto kong ibigay ang parangal na ito kay Terrence Malick para sa “The Tree of Life” o kay Martin Scorcese para sa “Hugo” pero tingin ko’y si Michel Hazanavicius ang magwawagi nito para sa “The Artist.”

 

 

 

 

BEST ANIMATED PICTURE FILM. Di ko napanood lahat ng pelikula sa kategoryang ito pero ibibigay ko ang parangal sa napakagaling na “Rango.”

 

 

 

 

 

BEST FOREIGN LANGUAGE FILM. Dalawa lamang sa limang nominado ang napanood ko (“A Separation” ng Iran at “Bullhead” ng Belgium) pero ito’y maiuuwi ng napakagaling na pelikula mula sa Iran.

BEST ORIGINAL SCREENPLAY. Gusto kong ibigay ang parangal na ito sa “A Separation” dahil talaga namang napakaganda ng pagkakahabi ng istorya nito kahit na tila mapupunta ang parangal sa “Midnight in Paris.”

 

BEST ADAPTED SCREENPLAY. Gusto kong maiuwi ng “Moneyball” ang parangal na ito.

 

 

 

 

 

 

BEST ORIGINAL SCORE. Tunay akong namangha sa film score ng “Hugo” at “The Artist” kaya sa palagay ko’y isa sa kanila ang mag-uuwi ng parangal na ito.

 

 

 

 

 

BEST SOUND EDITING. Tila may nagsasabi sa aking makukuha ito ng “Hugo” o kaya ng “War Horse.”

 

 

 

 

 

BEST SOUND MIXING. Hindi ba ito katulad nung Best Sound Editing? Gayunpaman, ang hula kong mag-uuwi ng parangal na ito ay ang “Hugo.”

 

 

 

 

 

BEST ART DIRECTION. Gusto kong maipanalo ito ng “Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2” pero di kataka-taka kung manalo man ang “Hugo,” “The Artist” o “War Horse” dito sapagkat lahat sila’y nakakamangha rin sa kategoryang ito.

 

 

 

 

BEST CINEMATOGRAPHY. Sa tingin ko’y para lamang sa “The Tree of Life” ang parangal na ito. Wala ng iba pa.

 

 

 

 

 

BEST MAKE-UP. Kung ibabase ko lamang sa karakter ni Margaret Thatcher ang pagpili sa parangal na ito, tiyak na magwawagi ang “The Iron Lady.”

 

 

 

 

 

BEST COSTUME DESIGN. Wala akong ideya kung gaano kaganda ang mga sinuot na damit o gaano sila kapani-paniwala (base sa istorya) sa “Anonymous,” “W.E.” at “Jane Eyre” pero namangha ako sa kategoryang ito para sa “The Artist” at “Hugo.” Sa huli, tingin ko pa ring mananalo rito ang “Hugo.”

 

 

 

BEST FILM EDITING. Para sa akin, ang “The Artist” ang pinakamagaling sa kategoryang ito.

 

 

 

 

 

BEST VISUAL EFFECTS. Hindi kataka-taka kung bakit ang “Real Steel”, ang “Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2”, ang “Transformers: Dark of the Moon,” ang “Hugo” at ang “Rise of the Planet of the Apes” ang mga nominado sa kategoryang ito sa kadahilanang lahat sila ay talaga namang may napakagagaling na visual effects. Di man madaling mamili pero sa tingin ko’y ang “Transformers” ang mananalo nitong parangal.

 

 

Manood tayo ng Academy Awards bukas at alamin kung tatama ba ang mga hula kong mananalo. 🙂

6 thoughts on “Prediksyon sa Oscars 2012

  1. Maganda yung Tree of Life in terms of cinematography and story. Pinanood ko yun dahil sabi ng mga critics ay sobrang ganda daw. Isang moving masterpiece, sabi nila. Pero ewan ko ba, hindi ko siya natapos. 30-40 minutes ko lang yata yun napanood. Sobrang nakakafrustrate yung lack of speed niya although I know that the slowness was essential for the unfolding of the story. (Siguro mas bet ko lang yung mabibilis na movies.) Pero hanga ako sa movie production niyon dahil di daw gumamit ng CG graphics at nagmix-mix pa talaga sila ng chemicals para ma-achieve yung gusto nilang effects. 🙂

    • Tama, mabagal ang usad ng pelikulang, “The Tree of Life” pero kasama talaga ito sa plano ng direktor upang ilahad ang gusto n’yang ilahad sa mga manonood. May balita rin nga ako na kakaiba ang ginawa ng produksyon ng pelikula para makuha ang gusto nilang special effects. Kaya nagtaka ako na di sila nakakuha kahit isang parangal sa mga kategoryang teknikal. Maganda ang mga nanalo, pero sana nabigyan din ng rekognisyon ang nasabing pelikula.

      • Oo, kahit man lang special mention dahil mas mahirap yung ginawa nila at unique din yung style nung movie. Sa kabilang banda, sabi ng Wikipedia page nila, ang dami nilang napalanunan galing sa ibang award-giving bodies. Pwede na rin, pero mas sikat ang Oscars e, hehe.

  2. Marami sa mga sinabi mo ay nanalo nga. gusto ko panoorn yung The Help pero parang gusto ko muna mabasa yung libro. Gusto ko rin panoorin yung Iron Lady well dahil kay Meryl Streep.

    • Oo, marami nga ang nanalo! Labing-dalawa o labing-tatlo tingin ko. Maganda yung “The Help,” pero may mga nagsasabi na mas maganda raw yung libro. Hindi ba’t ganun naman talaga ang mga movie adaptation? May mga bagay talaga mula sa libro ang di maipapakita o maisasalarawan sa pelikula? Napakagaling ni Meryl Streep sa “Iron Lady” at sa galing pa lang n’ya, di masasayang ang panonood mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s