Alamin mo muna ito!

Sa wakas, nakalikha na rin ako ng blog kung saan Tagalog ang pinakagagamitin kong wika. Totoo ang sabi nila na pinakamadaling lumalabas sa bibig ang nilalaman ng isip kung gamit ang wikang gamit mula pagkabata. Matatas man ako sa Ingles, sa Tagalog ko mas maihahayag ang aking mga saloobin at opinyon. Pero di pa rin maiiwasang gumamit ako ng Ingles sapagkat madalas ko rin naman itong gamitin. Gayunman, magsusulat ako ayon sa kagustuhan ko sa sandaling ako’y maglalathala.

Para saan ba ang blog na ito? Sabihin na nating ibig kong ibahagi ang aking mga opinyon sa iba’t-ibang mga bagay. Isa sa aking mga mithiin (goals) dito ay maipahayag ang aking sarili tungkol sa mga bagay na napapanahon o kaya naman sa mga bagay na gusto ko lang pag-usapan.

Kaya sa mga magbabasa sa blog kong ito, maraming salamat!

7 thoughts on “Alamin mo muna ito!

  1. Isang magandang inisyatibo ito. Magandang ipagpatuloy sa larangan ng sining at maging sa kalusugan. Iyon ang dalawang umaamgat na usapin kasi sa mga panahong ito. Samahan mo na rin ng paglalakbay.

    • Maraming salamat, Jen. Sa abot ng aking makakaya ay papangatawanan ko ang blog na ito. Pero hindi rin naman maiiwasang gumamit ng mga salitang Ingles lalo na kung kinakailangan.

      Ngayon ko lang nalaman na may wordpress account ka rin. May mga kilala pa ba tayong meron ding account dito?

  2. Maganda ang iyong mithiin! Lalo na’t nasa Tagalog na wika ang iyong bologo (blog) ahehehe… Ewan ko kung ano ang tagalog sa ‘high five’ pero dahil parehas na Tagalog ang bologo natin, eto… HIGH FIVE!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s